Chapter 8: Celebration

753 62 15
                                    







"Anong meron?" Tanong ni Krista pagpasok niya sa sala.

Tinext ko siya at sinabi na pumunta sa bahay after work at doon na maghapunan.

Bago umuwi, dumaan ako sa palengke at bumili ng mga sangkap para sa pancit bihon, lumpia at fried chicken.

Bumili din ako ng tasty sa bakery pati na din Eden Cheese.

"Gagawing movie ang script ni Ate." Tumigil si Henry sa paglalagay ng plato at baso sa lamesa para sagutin si Krista.

"Talaga?" Nanlaki ang mga mata niya sa excitement.

"Oo. Nakipagmeeting ako kay Direk Neri pati doon sa mayabang na direktor."

"Sinong mayabang na direktor?" Kumuha siya ng lumpia at sinawsaw sa sweet chili sauce.

"Sino pa eh di iyong Kyle Obregon?"

Nabilaukan bigla si Krista.

Inabutan siya ni Henry ng isang baso ng tubig na agad niya namang tinungga.

"Nakilala mo si Direk Kyle?" Lalong nanlaki ang malaki niyang mga mata.

"Oo. Tama nga ang impression ko na mayabang siya."

"Mars, hindi mayabang si Direk Kyle. Ang totoo nga, isa siya sa mabait at pinakatotoong tao na nakilala ko."

"Pinagtanggol mo pa. Ibalik mo iyang lumpia."

Lalo niyang nilakihan ang kagat.

"Ganoon ang pagkakakilala ng karamihan sa kanya pero kapag nakasama mo siya sa trabaho, doon mo marerealize na may malasakit siya sa crew niya. Noong ako ang PA sa movie nila JonCel na Starlight, Starbright, busog kami kasi lagi siyang umuorder ng pizza o kung anong maisipan niya."

"Basta. Kahit ano pang sabihin mo, pagkatapos kong pumirma ng kontrata, sana eh iyon na din ang huling pagkikita namin."

"Bakit ang init ng ulo mo sa kanya, Ate?" Umupo si Henry at kumuha ng isang hita ng fried chicken.

"Ewan ko pero mula noong napanood ko iyong interview kung saan sinabi niya na siya iyong reason kung bakit kakaiba ang movie niya, nawalan ako ng gana sa kanya."

"Eh totoo naman kasi. Midas nga bansag sa kanya kasi she has the golden touch. Kahit iyong mga movie na walang katorya-torya eh nagagawan niya ng bagong spin kaya nakakakilig panoorin."

"Naku. Iisa lang naman ang tema ng mga movie niya di ba? Boy-meets-girl, boy and girl fall in love, boy and girl break up, boy and girl get back together and they live happily ever after."

"High blood ka talaga kay Direk." Natawa na lang si Krista dahil siguro sa nanlalaki ang butas ng ilong ko.

"Pero ang cute niya di ba? Kahit hindi siya pala-smile, mysterious ang dating. Parang gagawin mo ang lahat mapangiti mo lang siya."

"Hay naku. Isa ka pa sa may crush sa kanya." Inambahan ko siya ng hawak na tong.

"Kasi naman, super gwapo niya. Kung type niya lang ako, hindi siya mahihirapan sa akin."

Umikot ang mata ko sa sinabi niya.

"Bakit? Tibo ba siya?" Bulalas ni Henry.

"Uy. Anong sabi mo?" Pinandilatan ko siya. "Kung magsalita ka para kang walang pinag-aralan."

Napakamot siya sa batok.

"Eh naririnig ko lang naman iyan, Ate."

"Kahit na. Hindi ibig sabihin eh gagayahin mo ang mga naririnig mo."

"Pero lesbian ba siya, Ate Krista?" Tanong niya kay Krista na walang tigil sa kakakain ng lumpia.

"Oo. Pero hindi siya masyadong ladlad. Wala nga yata siyang girlfriend."

"Ang cute niya na iyon walang girlfriend." Bigla kong nasabi.

Nagkatinginan tuloy si Krista at Henry.

"Eh di lumabas din ang totoo." Kantiyaw ni Krista.

"Hindi naman ako bulag ano? At kahit antipatika siya sa akin, ang ipokrita ko naman kung sasabihin ko na panget siya eh hindi naman."

Nang gabing iyon, pagkatapos naming kumain at mag-inuman ni Krista ng tig-tatlong bote ng San Miguel Beer, pumasok sa isip ko si Kyle.

Hindi maalis sa isip ko ang hazel niyang mga mata na very intense kung tumingin.

Bukod doon, naalala ko ang malambot na palad niya.

Nabasa ko dati sa isang magazine ang article tungkol sa pamilya nila.

Old money ang description ng writer.

Siguro hindi siya marunong ng gawaing bahay dahil meron namang katulong na gagawa noon para sa kanya.

Ako ang nahiya noong nakipagkamay sa kanya kasi magaspang ang balat ko.

Mukhang kailangan ko ng heavy-duty lotion para maging malasutla ang kutis ko.

Nasa isip ko din ang amoy niya.

Hindi matapang tulad ng mga naaamoy ko sa mga lalake sa jeep.

Malamang hindi Axe Body Spray ang gamit niya kasi hindi masakit sa ilong.

Iyong amoy eh sapat lang para malaman mo na gumagamit siya ng pabango pero the more na nalalanghap mo, lalong nagiging matamis.

Siguro nga nalasing ako sa tatlong bote ng beer dahil bago ako nakatulog, naisip ko kung ano kaya ang pakiramdam kung yakap ka ni Kyle Obregon?

Malambot kaya ang mapupula niyang labi?

Masarap kaya siyang humalik?

Kapag hinaplos niya ang katawan ko, titindig kaya ang balahibo ko dahil sa kilig at pagnanasa.

Inalog-alog ko ang ulo ko para mawala ang mga mahaharot na imahe sa isip ko.

Pero mukhang hindi ako nagtagumpay dahil ng pumikit ako, ang mga mata ni Kyle ang nasa isip ko.

Kailangan ko na sigurong maghanap ng dyowa.

Off Script Book OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon