A/N: Happy Sunday everyone.
Grabe na ang quarantine ano?
Kung anu-ano ang nakikita kong linisin?
I should find blind folds (and maybe do something useful with it?) ;)
xoxo
***
Binuksan ko ang gate at nakitang nakasandal si Kyle sa pinto ng magara niyang sasakyan.
Suot niya ang itim na leather jacket, puting T-shirt at black boots.
Nangangalumata siya at bakas sa mukha ang pagod.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Can I come in?" Dumiretso siya ng tayo.
Nilakihan ko ang pagkakabukas ng gate para papasukin siya.
Patay na ang ilaw ng ibang unit dahil lampas alas-onse na ng gabi.
Ako na lang yata ang gising dahil balisa ako sa blind item.
Tumayo siya sa gilid at hinintay na isara ko ang gate bago sumunod papunta sa apartment.
"Bakit gabing-gabi eh napasugod ka? May problema ba?" Nangibabaw sa akin ang pagtataka.
Hindi ko inasahan na darating siya lalo pa at diyes oras na ng gabi.
"Can we talk?"
Binuksan ko ang pinto sa bahay at pinapasok ko siya.
"Umupo ka muna." Tinuro ko ang sofa bago nilock ang pinto.
"Kumain ka na ba?"
"I did." Nakapatong ang mga kamay niya sa hita at parang sinisilihan ang puwet niya.
"I'm sorry to come unannounced." Pabulong na sabi niya.
Tulog na si Henry at mula sa sala ay dinig ang malakas na paghilik niya.
"Buti at gising pa ako. Bakit nandito ka? Tapos na ang shooting?" Umupo ako sa tabi niya.
Bukod sa good morning text na pinadala niya, hindi na kami masyadong nakapag-usap.
May big scene daw siya na iso-shoot.
"We just finished."
"O? Eh bakit hindi ka na lang magpahinga?"
"I wanted to talk to you about what came out this afternoon sa show ni Sole."
Kaya pala tulad ko eh mukhang balisa siya.
"Napanood mo ba?" Tinitigan ko siya. Salubong ang kilay niya at akala mo eh makikipagsuntukan.
"No. I only watched it when one of the staff showed me the clip."
"Dahil diyan pinuntahan mo ako?"
"Yes. I know you're not used to these things. I wanted to make sure you're alright."
"Ang sweet mo naman."
Ngumiti si Kyle.
"Okay lang ako."
Kahit hindi, ayokong dagdagan pa ang iniisip niya.
Alam ko na minsan inaabot ng mahigit dose oras ang pagso-shooting nila.
Sa nakikita ko ngayon, pagod na pagod siya.
Maitim ang eyebags niya at ang lalim ng wrinkles sa noo at gilid ng mata.
Para tuloy ang tanda-tanda niya na eh isang taon lang naman ang agwat namin.
"I want to clarify some things."
BINABASA MO ANG
Off Script Book One
RomanceThe celebrated wunderkind, Kyle Obregon, waited a long time to finally make the lesbian movie she wanted. When the opportunity happened, she didn't expect that she would be at odds with the newbie scriptwriter, Maria. What happens when they are obli...