Naging abala si Kyle ng magsimula ang shooting para sa Mintonette.Ganunpaman, malimit kaming magtext.
Siya ang nagsimula ng routine na iyon ng magmessage siya para ipaalam sa akin ang first shooting day.
May kasama pang picture ng brown and black director's chair.
After noon, lagi na kaming nagtitext.
Noong umpisa, akala ko eh nagkataon lang pero nasundan pa ito ng mga good morning o di kaya eh tatanungin niya ako kung nasa work na ako.
Mabilis akong magreply.
Siya naman, ang tagal.
Pero hindi ako nagi-expect dahil alam ko na busy siya.
Ganunpaman, nakakawala ng stress lalo na kapag nagsisend siya ng mga pictures na wala lang.
Kung hindi banana cue o di kaya picture ng estatwa ni Rizal na may nakapatong na basketball sa ibabaw ng libro, picture ng santan na may bubuyog ang sinesend niya.
Natatawa na lang ako pero naka-save ang mga pictures sa library ko.
Kapag may time ako lalo na kapag weekend, pinupuntahan ko siya sa set.
Dinadalhan ko sila ng pagkain lalo na itong si Kyle kasi malimit daw malipasan ng gutom sabi ng PA na si Carlo.
Sumasama sa akin si Henry at tuwang-tuwa siya ng pinahawak sa kanya ni Kyle ang camera at tinuro kung ano ang function ng mga control buttons.
Sila lang dalawa ang nagkakaintindihan.
Natutuwa naman ako kasi kita sa mata ni Henry ang excitement habang nasa harap ng camera.
Pinakilala din kami ni Kyle sa buong cast.
Nang sabihin niya sa mga ito na ako ang sumulat ng script, kitang-kita ko ang pride sa mukha niya.
Iyong ibang artista, pamilyar sa akin kasi napapanood ko sila sa mga telenobela.
Karamihan sa kanila, mabait.
Iyong mga may star complex, di ko na lang pinapansin.
Hindi naman maiiwasan kasi nga mga artista sila.
Kapag nakauwi na kami ni Henry, wala siyang bukambibig kundi ang mga artistang nakilala niya.
Pinaalalahanan kami ni Kyle na huwag i-post ang mga pictures kasi may non-disclosure agreement ako na pinirmahan.
Ito ang lagi kong sinasabi kay Henry at naiintindihan naman daw niya.
Nagtext na din si Direk Neri kay Kyle.
Habang nakabreak siya, kinuwento niya sa akin na okay na ang mama nito.
Malapit na daw itong umuwi sa Pinas at ang unang gustong puntahan ay ang set.
Lumabas na din ang mga publicity photos para sa pelikula.
Ang ganda ng picture kasi bukod sa glossy, photogenic din ang dalawang lead stars.
Kahit sa papel eh kita ang chemistry ng ni Alex at Gabby.
Ang ginamit nilang catchphrase eh "Toss, Hit & Fall In Love."
Corny ang dating pero catchy.
Ang hashtag na ginamit eh and title ng movie.
Sabi ni Kyle, importante ang promotion para mag-generate ng buzz para sa movie.
Aktibo din ang social media account na ginawa para sa Mintonette.
Pinakita sa akin ni Henry ang mga comments sa Instagram at Twitter.
BINABASA MO ANG
Off Script Book One
RomansThe celebrated wunderkind, Kyle Obregon, waited a long time to finally make the lesbian movie she wanted. When the opportunity happened, she didn't expect that she would be at odds with the newbie scriptwriter, Maria. What happens when they are obli...