A/N: T-10 days
xoxo
***
Nakaupo ako sa at nakatingin sa kawalan ng tumunog ang phone.
Mabilis na binasa ko ang text ni Kyle.
Lumabas ako ng bahay at binuksan ang gate.
Nakatayo siya sa tapat at may dalang single stem na red rose.
"For you." Inabot niya sa akin ang bulaklak at hinalikan ako sa pisngi.
"Thank you." Pinilit kong ngumiti.
"Is everything okay?" Tanong niya habang naglalakad kami papasok sa bahay.
Pagkatapos tanggalin ang boots, dumiretso na siya sa sala at umupo sa sofa.
Naghihilik na si Henry dahil napagod sa pagbabasketball.
Parang foghorn sa lakas ang hilik niya kaya naman minsan eh hindi ako makatulog o di kaya ay naalimpungatan ako.
"Maria, what's going on?" Nakakunot-noo na tanong niya.
Bago ako tumabi sa kanya ay dinampot ko ang asul na sobre na nakapatong sa side table.
Inabot ko ito kay Kyle.
"What's this?" Tanong niya bago binasa ang pangalan ng nagpadala.
"Oh." Iyon lang ang lumabas sa bibig niya.
"Why do you look like someone died?"
Tumabi ako sa kanya.
"Gusto niyang magkita kami."
"What's the problem? You haven't seen each other for a long time." Inakbayan niya ako.
Nagsumiksik ako sa braso niya.
"Natatakot ako." Mula ng iabot sa akin ni Henry ang sulat, parang may nakabara sa lalamunan ko.
Eleven years.
Ganyan katagal ng hindi kami nag-uusap ni Del.
Akala ko natanggap ko na ganoon siguro talaga ang kapalaran namin.
May iba na siyang buhay sa Amerika at ako naman ay abala sa pag-aalaga kay Henry.
Pero ng makita ko ang pangalan niya sa sobre, nagulo ang isip ko.
Totoo ba ang kasabihan na first love never dies?
"Maria," Marahan na hinawakan ni Kyle ang baba ko.
Nagpantay ang tingin namin at sa mga mata niya, kabutihan ang nakikita ko.
"What are you afraid of?"
"Paano kung after all these years eh mahal ko pa din siya?"
Natigilan siya sa sagot ko.
"I guess there's only one way to find out, right?"
"Seryoso ka? Itutulak mo ako na makipagkita sa kanya?"
"I'm not pushing you. It's your decision to make. From what I can see, you never got the closure you needed when she left all those years ago." Mahinahon ang boses niya.
Dapat talaga naging psychologist siya dahil nabasa niya ang nasa isip ko.
Kinuha ni Kyle ang mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit.
"Look. You won't get the answers you need if you keep playing this game in your head. Besides, we're not officially together. You haven't said yes to me." Pilit ang ngiti niya at may kumurot sa puso ko.
BINABASA MO ANG
Off Script Book One
RomanceThe celebrated wunderkind, Kyle Obregon, waited a long time to finally make the lesbian movie she wanted. When the opportunity happened, she didn't expect that she would be at odds with the newbie scriptwriter, Maria. What happens when they are obli...