A/N:
T minus 1 day. Haha!
Excited ng tumanda ang lola ninyo. Char.
As promised, here's the penultimate chapter of this book.
Enjoy :)
xoxo
***
Sino ang mag-aakala na ang isang desisyon na hindi ko masyadong pinag-isipan ang magpapabago ng buhay namin ni Henry?
Nang matapos ang pelikula na hango sa script na sinulat ko, masigasig ang promotion na ginawa ng Spring Rain hindi lang sa TV kundi pati na din sa social media.
Active ang mga artista pati na ang social media coordinator para makuha ang attention ng mga tao.
Naging guest sa mga TV shows at press conference ang mga bida ng movie.
Kapag nababanggit ang pangalan ni Kyle bilang direktor, naiintriga ang lahat.
Ang sabi pa nga ng isang host sa pang-alas-sais na news, isa daw itong departure sa mga usual na movies na ginagawa ni Kyle lalo na at baguhan ang mga artistang bida.
Wala daw ang star power ng tambalan ni JonCel.
Meron pang isang nagtanong kung tama daw ba ang ginawa ni Kyle?
O isa daw ba itong career suicide lalo na at kakaiba ang tema ng bago niyang pelikula?
"It doesn't bother me."
Nasa bahay niya kami at naghahanda para sa premiere.
Tuxedo ang suot niya minus the bow tie.
Elegante ang dating ni Kyle lalo na at tailored sa hubog niya ang suot.
Nanghiram ako ng gown kay Neri kahit pa nagpumilit si Kyle na bibilhan niya ako ng bago.
Hindi ako pumayag.
Ang katwiran ko, isang gabi lang naman ang event.
Bakit kailangang gumastos ng malaki?
Sinabi niya na this will be my first time to step into the red carpet.
Gusto daw niya na maging memorable ang lahat.
Since we're dating, pwede naman na daw niya akong regaluhan hangga't gusto niya.
Hindi pa din ako pumayag.
Nang makita niya ang Swarovski-studded emerald green gown, approved naman niya.
Ilang beses kong tinanong si Neri kung nagamit na ang gown.
Baka kasi mamaya eh nagkuntsabahan silang dalawa ni Kyle lalo na at hindi pa din siya okay na ayaw kong bumili ng bago.
"Yes, Maria. I wore it once during the premiere of my first movie. Hindi ko na ulit naisuot. I'm actually glad that you get to wear it again."
Pinakita niya sa akin ang picture during the premiere para maniwala ako.
Kinailangan lang na i-adjust ng konti ang gown dahil mas malaki sa akin si Neri.
Nang matapos ang adjustments, fit na ang gown sa katawan ko.
Napasipol si Kyle ng makita ako.
Kasama din si Henry sa premiere.
Nag-rent si Kyle ng suit and tie para sa kanya.
Nang makita ko siya na pormal ang itsura eh hindi ko napigil ang maiyak.
Natawa nga si Henry sa reaksiyon ko.
BINABASA MO ANG
Off Script Book One
RomanceThe celebrated wunderkind, Kyle Obregon, waited a long time to finally make the lesbian movie she wanted. When the opportunity happened, she didn't expect that she would be at odds with the newbie scriptwriter, Maria. What happens when they are obli...