Kara's pov
"Miss please proceed po sa dorm nyo" aniya nang cashier sa akin at ibinigay yung no. nang dorm ko.
Agad akong lumabas nang office at biglang may nag salita sa speaker na syang ikinagulat ko.
"(Welcome to St. Bernard!) Ay pusa! Ano bayan?!" masungit kong sambit at kinuha na ang maleta ko.
Habang nag iikot ako ay may napapansin na akong iilang tao na naka suot nang uniform. Bawat tao na madadaanan ko ay tinitingnan ako siguro na babaguhan lang sa akin. Mas malaki din itong university sa inaakala ko. May malaking garden sa pagitan nang dalawang building sa unahan habang sa gitna naman ay malaking gym, sa hulihan naman ay canteen at library. Infairness maganda dito, siguro higit sa sampu yung mga building dito dahil sa lawak nito.
Ilang minuto pa akong nag lakad ay napadpad na ako sa pinaka dulong parte nitong university. May isang malaking gate na nag hihiwalay sa university at mga dorm. Nang makapasok ako ay may nakita akong anim na hilera nang mga building sa unahan at naka harap ito sa isat isa. Yung tatlong building sa kaliwa ay sa mga babae at yung tatlong building ay para sa mga lalaki.
"Ahm kuya san po yung room 106?" tanong ko dun sa guard na nasa kaliwang gate.
"Ah miss diretsuhin mo lang tong gitna tapos dun sa pinakadulong building umakyat kalang dun"
"Sige kuya salamat" aniya ko sa guard at nag simula nang mag lakad.
May mga puno at mga bench din sa gitna nang mga building. Parang parke ito na pinaliit lang. Ilang saglit pa ay naka dating din ako sa dulong parte, may malaking gate din dito katulad dun sa unahan at may dalawang guard. Tumingin ako sa kaliwang parte ko at may nakita akong numero.
"101? Siguro ito na nga yun" sambit ko at umakyat na ako at dumiretso sa pinaka dulong kwarto.
Kumatok muna ako at agad naman itong bumukas. Payat at morena na may pag ka bumbay yung itsura nito pero maganda sya.
"Oh ikaw ba yung bago naming ka share sa kwarto?" tanong nito kaya tumango ako.
"Pasok ka, Lindsay andito na sya" sambit nito dun sa babaeng naka upo dun sa lamesa sa may kanang kwarto siguro kusina yun. Mistisa ito, may pag ka chubby pero maganda din.
"Welcome nga pala dito. Anong pangalan mo?" dagdag nya pa.
"Klariz Laurelle Magboo, Kara nalang" maikli kong sabi at ngumiti sa kanilang dalawa.
"Nice to meet you Kara. Ako nga pala si Ara Wong or Sheena nalang din. At yung naka upo dun si Lara Ancanan/Lindsay" sambit nito.
Tiningnan ko yung loob nito nang dorm. Medyo malaki ito, may kusina dun sa kaliwa, may maliit na sala sa gitna at sa kanan naman ay yung kwarto at banyo.
"Sige pahinga ka muna dun sa kwarto natin" dagdag pa nito kaya na patango nalang ako at hinatak yung maleta ko papasok sa kwarto. May isang double deck at isang kama sa loob nito, side table sa pagitan nito. At may tatlong cabinet sa likoran nang pinto. Agad kong iniayos yung mga damit ko at nag palit tsaka lumabas.
"Kain kana Kara" aya ni Lindsay kaya lumapit ako sa kanila at umupo.
"Salamat"aniya ko at kinuha yung isanng mangkok nang noodles.
"Sya nga pala anong course mo?" tanong ni Sheena tsaka humigop nang sabaw.
"Mass Com? Kayo?"
"Mag kaklase pala tayo eh, Mass Com din kaming dalawa eh" sagot naman ni Sheena. Nag tuloy tuloy lang yung usapan namin hanggang may nag bell sa labas.
"Naku 12 na pala malalate na tayo" aniya ni Sheena kaya nataranta na kami.
Nag palit kami agad nang pang uniform namin. Maroon na vest, blouse na puti, neck tie at palda na checkerd na maroon yung design. Nilugay ko lang yung buhok ko at inaayos na din yung mga gamit ko. Provided na nang University ang mga gamit kaya di na ako bumili pa.