Chapter 9

286 9 0
                                    

After a few months

Lindsay's pov

Nag lalakad nalang ako sa corridor namin ngayon. May hawak akong kape sa kaliwang kamay ko at reviewer sa kabila. Naka lugay lang yung buhok ko at naka salamin lang din ako. Sinuot ko muna yung salamin ko dahil naninibago ako pag naka contact lense lang. May quiz kasi kami mamaya at medyo busy na kami ngayon dahil ilang months nalang gra-graduate na kami.

"Huy! Busy ka ata?" singit ni Richard na parang kabote na sumulpot lang gilid gilid.

Sinamaan ko lang sya ng tingin at nag simula ng mag lakad at ganun din sya.

"Eto naman umagang umaga ang sungit?"

"Busy po ako kita mo naman diba? Tsaka may quiz tayo diba?" sagot ko sa kanya at inayos yung salamin ko dahil nalaglag pag lingon ko.

"Ay hindi mo ba alam?" napa hinto ako bigla sa sinabi nya.

"Ang alen?" takang tanong ko dito at lumingon sa kanya.

"Na di tuloy yung quiz natin" pag banggit ni Richard nun ay bigla akong nanghina, muntikan ko ng mabitawan yung kape ko sa gulat.

Tanginang yan, kelan pa sinabi na di tuloy? Jusko naka dalawang papel na ako sa pag kakabisado ko tapos hindi naman pala tuloy?.

"Teka bakit hindi tuloy?" pag tatanong ko dito.

"Di ko alam, oh bat na parang na mutla ka? Anemic ka noh? Review pa hahaha" pang aasar nya.

"Sira, lagay mo na nga lang toh sa bag ko" utos ko sa kanya at binigay yung reviewer ko.

"Kaya mo na yan"

"Dali na, buhusan kita ng kape dyan eh"

"Oo na, akin na nga yan"

"Oh ayusin mo ah" aniya ko at inabot sa kanya yung papel.

"Uutos ka na nga lang demanding ka pa"

"Malamang mas mahalaga pa yan sayo noh"

"Luh talaga ba?" pang aasar neto kaya sinamaan ko ng tingin at nag simula ng mag lakad.

"Huy nagagalet ka agad, binibiro lang naman kita" habol nya sakin. Di ko sya pinansin at ininom nalang yung kape ko.

Medyo malapit na kami sa room namin ng may humarang samin. Tiningnan ko ito at nagulat ako kung sino ito.

"Hi Lindsay!" naka ngiting bati nya sakin. Medyo morena sya na payat, 1 inch lang yung lagpas ng buhok nya na wavy sa balikat nya at may bangs sya, di naman sya kasingkitan pero maganda sya.

"Lo-louisa?" gulat kong tanong sa kanya.

"Ako nga, oh bat parang nagulat ka ata?" saad nya.

"Uy Lindsay sino yang kausap......." saad ni Richard. Napatigil sya sa pag sasalita nya ng makita si Louisa.

"Oh Richard andyan ka din pala"

"Louisa? A-akala ko nag transfer ka?" gulat din nyang saad.

"Oo kaso na bored ako sa pinag lipatan ko, and na miss ko kasi si Jackson" aniya nya at tumingin sakin tsaka ngumiti.

Luh problema mo? Wag mo kong ganyanin ah, mas demonyita ako sayo sizt fyi lang.

"Kelan pa kayo nag da-date?" tanong nito saming dalawa ni Richard.

Tingnan mo gagawan pa kami ng issue neto. Issue ka sizt? Sampalin kita dyan eh.

"Hindi mag kaibigan lang kami, actually tutor ko sya dati" sagot sa kanya ni Richard.

"Good to hear" masayang saad nya samin at umalis na sa harap namin.

Saan kaya yun pupunta? Hmm matagal tagal na din kasi yung huling kita namin ng babaitang yun, at ngumiti pa talaga. Wait a minute minsan lang sya ngumingiti ng ganun samin. Lalo na pag alam nyang wala ng hahadlang sa kanya para makuha nya si Jackson. Shit! kailangan kong mabalaan sila Jackson mukhang malaking gulo toh sa kanilang dalawa ni Kara at lalo na't nag kakamabutihan na sila.

"Ah Richard una na ako" natataranta kong saad at tumakbo na papunta sa room. Narinig kong tinawag nya pa ako pero di ko na lang sya pinansin.

Nang makapasok na ako sa room namin ay agad kong nakita sila Jackson na nag kwe-kwentuhan. Dali dali na akong lumapit sa kanila.

"Ja-jackson" hinihingal kong tawag sa kanya, kaya napunta sakin yung tingin nila.

"Oh girl, may pa fun run ba si mayor? Hingal na hingal ka ah" pabiro pang saad ni Kara sakin.

"Umupo ka kaya muna, baka bumalik hika mo" nag aalalang aniya ni Sheena.

"Eh kasi ganto....." balisang saad ko sa kanila.

"May problema ba Lindsay?" tanong ni Jackson.

"Ano kasi......."

"Kasi?"

"Si ano kasi Jackson bumalik"

"Sino?"  tanong naman ni Jackson.

"Teka huminga ka muna ng dahan dahan ok" alalang saad ni Kara.

Self kalma lang ok, wag kang mag panic breathe in breath out. Kaya natin toh.

"Sino ba yung bumalik? Teacher ba natin?" tanong pa ni Jan.

"Si ano nga" sagot ko sa kanila.

"Sino ba yang ano na yan?" tanong ni Sheena.

"Si ano nga kasi"

"Sabihin mo na kasi kung sino yan? Pati kami naguguluhan na eh" aniya ni Kara sakin.

Bago ko pa nasagot yung tanong nya ay pumasok na yung prof namin. Ano bayan panira ng moment. Umupo na kami sa upuan namin. Mukhang alam ko na yung susunod na mangyayari dito.

Jackson's pov

Ano ba kasing gusto sabihin ni Lindsay? Mukhang importante eh. Sino kaya yung bumalik?

"Ok class may bago kayong kaklase" aniya ng prof namin kaya natuon ang atensyon namin sa pintuan.

Di ko mawari yung nararamdaman ko ng makita ko ito. Bakit sya nandito? Anong kailangan nya? May balak na naman ba sya sakin? O baka kay Kara. Lumingon ako kay Kara na kasalukuyang naka tingin lang dun sa babae.

"Oh Jackson may problema ba? Pinag papawisan ka kase, oh panyo punas mo dyan" aniya ni Kara sakin.

"A-ah wala wala, salamat na lang" sagot ko sa kanya at kinalabit si Lindsay.

"Bat sya nandito? Kala ko ba nag transfer sya?" pabulong kong tanong sa kanya.

"Ewan ko, ang sabi nya lang naman kasi sakin kanina na mi-miss ka daw nya. Actually sya yung sinasabi ko kanina na bumalik" pabulong na sagot nito sakin.

"Hi! My name is Louisa Jane Monteverde. Tawagin nyo nalang ako na Louisa, sana maging kaibigan ko kayo" bati nito at ngumiti tsaka tumingin sa gawi namin.

"Ang ganda nya noh?" pag tatanong sakin ni Kara. Kung alam mo lang talaga Kara, babawiin mo din yang sinabi mo. Napa tulala nalang ako sa sinabi nya.

"Huy Jackson anyare sayo ok ka lang?" tanong nya sakin at tumango nalang ako.

"Ah sige ms. Louisa dun ka nalang umupo sa bandang kanan ni mr. Jackson" aniya ng prof namin na mas dumagdag pa sa kaba ko.

Nang maka upo na sya sa tabi ko ay nginitian ko lang sya at ganun din sya. It's been a year since huling mag usap kami. Simula nun ay kinalimutan ko na sya at mga ugnayan namin noon.

Love AffairWhere stories live. Discover now