Chapter 10

414 12 12
                                        

Kara's pov

"Order na muna kami ni Jan" aniya ni Sheena at umalis na sa lamesa namin.

Kasama namin si Louisa dahil inaya ko muna sya dahil bagong lipat sya dito.

"Ikaw si Kara diba?" tanong ni Louisa sakin.

"Ah oo bakit?" takang tanong ko sa kanya, dahil di pa naman ako nag papakilala sa kanya.

"Ang ganda mo pala sa personal" sagot nito sabay ngiti sakin.

"Salamat, san mo pala nalaman yung name ko?"

"Na kwento lang sakin nung friend ko"

"Ganun ba"

"So ano pala kayo ni Jackson?" diretsong tanong nya sakin na maski sila Lindsay ay nagulat.

"Bat mo na tanong yan?"

"Nothing parang close nyo kasi eh? Mag jowa ba kayo?" tanong nya ulit sakin.

The heck gurl! Ngayon mo palang ako nakilala pero yan agad tanong mo sakin? Sana ok ka lang noh?

"Ah guys may assignment ba tayo sa next sub natin?" pag iiba ng tanong ni Richard.

"Hmm ewan di ko na maalala eh" sagot sa kanya ni Lindsay.

Mag sasalita na sana si Louisa ng dumating na sila Sheena dala yung mga pagkain.

"Oh Jackson bat ka kumakain nyan? Diba may practice ka pa?" tanong ni Louisa lapag nung food ni Jackson.

"Ah wala naman akong practice ngayon" walang ganang sagot sa kanya ni Jackson.

"Nag bago kana since nawala ako. Siguro na ka move on kana satin" aniya nya na syang gumulo sa utak ko.

May sila? Pano nangyare yun? May dapat ba akong malaman sa kanila?.

"Pwede ba wag mo ng alalahanin yun, kinalimutan na kita kasama yung mga alala natin" iritang sagot sa kanya ni Jackson.

Di ko alam pero may tension akong nararamdaman sa pagitan nilang dalawa. Kahit tinitingnan ko lang sila.

"Baby naman wag ganyan" pag lalambing ni Louisa kay Jackson pero agad na umalis ito kaya sumunod na ako. Lumingon ako sa kanila at nakita ko si Louisa na masama ang tingin sakin.

Sinundan ko lang sya hanggang sa makarating na kami sa field.

"Uy may problema ba?" tanong ko sa kanya at umupo sa tabi nya.

"Wala" maikising sagot nya sakin. Nag uumpisa na naman yung pagiging masungit nya.

"Sure ka? Eh parang gusto mo na ngang sapakin si Louisa kanina tapos sasabihin mong wala? Naging kayo ba dati?" sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Oo nung wala ka pa dito" sagot nya dito at tumingin sa malayo.

Jackson's pov

Flashback

First year college kami nun. Ilang weeks ko din sya niligawan at sinagot nya naman ako. Sobrang saya ng relasyon namin, pero isang araw nag bago nalang sya.

"Hi Baby" masayang bati ko sa kanya. Bebeso sana ako kaso umiwas sya.

"May problema ba?" tanong ko agad sa kanya.

"Wala" malamig nyang sagot sakin at nag simula na kami mag lakad.

Inintindi ko nalang sya nung araw na yun dahil baka bad mood lang sya. Pero nag sunod sunod na yung treatment nya sakin na ganun, may mali na sa kinikilos nya eh. Humanap na ako ng tyempo para kausapin sya.

Habang nag lalakad kami ay di nya ako kinakausap at naka tuon lang sya sa phone nya na tila may kausap.

"Baby sino yan?" usisa ko sa kanya.

"Friend ko, nag tatanong lang about sa assignment namin"

"Friend lang? Sure ka?"

"Oo"

"Eh bat kung ngumiti ka dyan wagas ah"

"Nag se-selos ka ba?" aniya nya at itinigil yung ginagawa nya.

"Di naman kasi ako yung kasama mo ngayon pero nasa ibang tao yung atensyon mo"

"Eh anong naman mali dun?"

"Louisa boyfriend mo ako, eh ayan kaibigan mo lang naman"

"Wag ka ngang maging isip bata dyan"

"Anong isip bata? Ngayon na nga lang tayo nag uusap tapos nagagalit ka? Sabihin mo nga saken, may tayo pa ba? May nararamdaman ka pa ba sakin?" pag tanong ko sa kanya ay bigla nalang sya natahimik.

"Ano bat di ka maka sagot dyan? So wala na nga?"

"Jackson sorry"

"Sorry? Fine gusto mo yan di ba? Break tayo, malaya ka na pwede mo ng gawin lahat ng gusto mo ng walang mag aalala sayo" saad ko at nag lakad na palayo sa kanya.

Yun na yung huling usap namin dahil kinabukasan ay nag transfer na sya sa ibang school.

End of flashback

"So ex mo pala sya?" tanong ni Kara sakin.

"Oo" aniya ko at humiga sa mga hita nya.

"Uy anong ginagawa mo?" gulat na tanong nya kaya tumingin ako sa kanya.

"Wag kang mag alala, wala akong gagawin na masama sayo noh" pabiro kong saad sa kanya.

Kara's pov

"Wow ah ang kapal" aniya ko at tumingin nalang dun sa field.

"Kaya pala ang awkward mo nung kasama namin sya....." napatigil ako ng nakita kong naka pikit na toh.

"Tingnan mo nga naman, nag sasalita pa ako tinulugan na ko neto" natatawang saad ko at pinag laruan nalang yung buhok nya.

Nang tumitingin ako sa field ay nakita ko si Louisa na naka tingin sakin. Masama ang tingin nya at naka cross arm. Tumagal pa ng minuto yung titigan namin hangang sa inirapan bago umalis.

Hulaan ko may inis na sakin si Louisa? Pero bat naman sya maiinis sakin eh matagal naman silang wala ni Jackson. Unless may feelings pa sya dito.

Louisa's pov

Argh! Akala ko ok na eh. Kala ko wala ng hahadlang pero may Kara pa pala. Oh well ma aagaw ko din naman sayo si Jackson. Hintayin mo lang at makikilala mo din yung tunay na pag katao ko dahil mag sisimula palang ako.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Love AffairWhere stories live. Discover now