Chapter 2

263 9 1
                                    

Richard's pov

Nag aayos ako ngayon nang gamit at di ko maiwasang mapangiti sa nangyare kanina. Madaldal ako pero bakit pag dating kay Lindsay nauutal ako?. Di naman ako ganito, dati kahit sino ang kausap ko ay di ako na uutal pero pag dating talaga kay Lindsay nauutal ako.

"Huy pare baka masobrahan na yang kintab nang sapatos mo" aniya ni Jan kaya napa balik ako sa sarili ko.

"Sorry pare, may iniisip lang ako"

"Sino? Si Lindsay?"

"Sira ka talaga" aniya ko at iniayos na yung sapatos ko.

"Bakit totoo naman na simula pumasok tayo dito sa university na toh ay may gusto kana sa kanya. Bakit di mo pa sya ligawan?"

"Yun nga eh kaso inuunahan ako lagi nang kaba eh"

"Wag ka kasing kabahan noh kaba? Normal lang naman yan pag may gusto ka sa isang babae, pero dapat tanggap mo kung anong mangyayare once na umamin ka sa kanya" aniya ni Jan at umakyat na sa double deck.

"Tulog lang kailangan nyan, itulog mo na yan" singit naman ni Jackson.

"Baka nga" aniya ko at agad nang humiga sa kama ko na katabi lang nang double deck nila Jan.

*Samantalang sa Girls Room*

Lindsay's pov

Kanina pa akong naka tunganga sa kisame at kung ano ano ang iniisip ko. Patulog na sana ako nang biglang naalala ko yung nangyare kanina. Yung pamumula ni Richard habang inaasar sya ni Sheena. Siguro ganun lang talaga pero bakit kaya?. Hayst bat ko ba yun iniisip? Kailangan ko nang matulog para maaga akong magising bukas.

"Oh girl bat di ka pa natutulog?" tanong sa akin ni Sheena.

"Patulog na din ako noh, ginising mo lang ako ulet" masungit kong sabi sa kanya at tumalikod sa kanya tsaka inayos yung kumot.

~Kinabukasan~

Sheena's pov

Nandito ako ngayon sa may labas nang building nang dorm namin. Naka ear phone at nag babasa nang notes ko, may umupo sa tabi ko pero di ko nalang ito pinansin at nag patuloy lang ako sa pag babasa. Bigla nitong kinuha yung kaliwang ear phone ko kaya naman nagulat ako kung sino ito.

"Jan? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito pero ngumiti lamang ito sa akin.

"Sipag mo naman mag basa baka tumalino ka nyan" aniya nito kaya natawa nalang ako.

"Anong pinag sasabi mo? Ako baka tumalino? Tsk di noh, nag rereview lang ako. Kasi ikaw happy go lucky ka lang, kahit di kana mag review or makinig sa prof natin, may na isasagot ka pa din"

"Eh ikaw ganun ka din naman ah"

"Minsan lang noh, pag naintindihan ko yung lesson"

"Oo nga pala bat di mo kasama sina Lindsay?"

"Ah may ginagawa kasi si Kara dun sa taas samantala naman si Lindsay andun sa library, nag babasa nang kung ano ano. Eh ikaw? Bat di mo kasama sila Richard"

"Si Jackson busy sa pinapanood nyang mo dun sa taas, si Richard.........ahm.....siguro nag lalakad lang dyan sa tabi tabi"

"Bakit parang di ka sigurado pag dating kay Richard?"

"Bigla bigla kasing nawawala yung lalaking yun tapos mamaya susulpot nalang na para bang bula"

"Parehas pala sila ni Lindsay eh, ganyan din sya"

"Gusto mo kumain?" tanong nito kaya napa ngiti ako.

"Sige basta libre mo?"

"Oh sige ba, tara?" aniya nito kaya tumango ako at sinundan sya.

Love AffairWhere stories live. Discover now