Jackson's pov
"Huy Kara dalian mo naman oh!" panenermon ko sa kanya dahil ilang minuto na syang nasa toilet.
Nasa loob kasi ako ng banyo ng mga babae dahil nag pasama itong babaitang toh. Shocks nakakahiya talaga, may narinig akong ilang boses ng mga babae na papasok kaya nataranta ako.
"Kara!!! *Tok tok* Dalian mo na!!" aniya ko at pilit na pinipihit yung doorknob ng pinto sa sobrang taranta, dahil isa sa mga rules dito ay bawal kaming mga lalaki na pumunta sa loob ng banyo ng mga babae. Kaya pag nahuli ka, may parusang iaatas sayo at ayoko non.
"Teka lang naman, nag aayos pa ako eh!" pag tataray nito sakin.
"Dalian mo na baka mahuli tayo" sagot ko sa kanya.
"Ito na, ano ba kasi yun?" aniya nito pag bukas nya ng pinto ay agad na akong pumasok sa loob.
"Di mo ba alam na may rules dito?" pabulong kong saad dahil baka marinig ako ng ibang tao sa banyo.
"Alam ko yun n....." pag putol ko dito dahil tinakpan ko yung bibig nya gamit yung kamay ko.
"Pwede ba babaan mo lang yung boses mo dahil pag may naka rinig sa atin ay mayayare tayong dalawa" pabulong ko parin na saad sa kanya.
"Pwede naman pong sabihin sakin noh? Kailangan talagang takpan yung bunganga ko? jusko" pabulong nya sagot sa akin at hinawi yung buhok nya. Sumilip ako sa pinto at nakita ko na wala ng tao kaya naka hinga ako ng maluwag.
"Woh....muntikan na yun. May alcohol kaba?" tanong ko sa kanya ng maalala kong tinakpan ko yung bibig nya.
"Sinasabi mo bang madumi yung bibig ko?" sagot nito at nag cross arm.
"Ikaw nag sabi nyan"
"Hoy for your information, nag tootbrush kaya ako tsaka lip tint lang nilagay ko sa labi ko. Ang tamis nga eh, gusto mo tikman?" aniya nito at iniabot sakin yung liptint nya.
"Ahm pwede ba yung nasa labi mo nalang yung tikman ko?" pang aasar ko sa kanya na ikinamula nya.
"Pwede naman kung kaya mong gawin" aniya nito na parang nang aasar na din.
"Pano pag nagawa ko? Pwede ba akong maka ulit?" tanong ko sa kanya at nilapit yung mukha ko sa mukha nya.
"Kung magagawa mo....." pag putol ko sa kanya dahil hinalikan ko agad yung labi nya na syang kinagulat nya.
"Hmm matamis nga" aniya ko at lumayo sa kanya habang sya ay gulat na gulat pa din.
"Ambastos mo" yun lang ang tangi nyang sinabi kaya naman natawa ako.
"Una na ako ha tsaka mag hintay ka din sa sunod kong halik, kaya mag handa ka ah" aniya ko sa kanya at ngumiti bago umalis at iniwan sya sa loob.
Kara's pov
"Una na ako ha tsaka mag hintay ka din sa sunod kong halik, kaya mag handa ka ah" huli nyang sinabi bago sya umalis.
Mag handa? Bakit mas grabe ba yung gagawin nya kesa dun? Teka hinalikan nya ba talaga ako? As in? Omg Bat di ako pumalag? Bat di ko sya pinigilan?. Argh!! Ano ba tong ginagawa nya saken? Pero sandali lang, ng dahil sakin kaya ginawa yon. Ang tanga mo talaga self. Pero infairness din naman sa labi nya ah, anlambot parang gusto ko ulitin. Wait! Kara ano bang iniisip mo remember galit ka sa kanya, ok kalimutan mo na yun.
Papunta na ako sa field namin at nakita ko sya na kinindatan ako kaya mas binilisan ko pa yung lakad ko papunta kila Lindsay.
"Oh girl ok ka lang? Bakit kung maka lakad ka parang may humahabol sayo?" tanong ni Sheena pag ka upo ko sa tabi nila.
"Wa-wala wag nyo nalang akong pansinin" naiilang kong sagot sa kanila.
"Uminom ka muna ng tubig oh, pawis na pawis ka eh" aniya naman ni Lindsay at iniabot sakin yung bote ng tubig.
"Salamat, teka bat di ka naka salamin ngayon? Naka contacts kaba?" tanong ko dito kasi usually lagi ko syang nakikita na naka salamin dahil malabo nga yung mata nya.
"Ah oo tsaka pag naka salamin kasi ako, mahirap din pag nahulog"
"Ganun ba nakaka panibago ka kasi tingnan eh, di ka mukhang nerd pag wala kang salamin. Pero bagay naman sayo" aniya ko sa kanya at ininom na yung tubig.
Nakita ko napapa lapit dito sila John kaya naman lumipat agad ako sa tabi ni Sheena.
"Oh may problema ba?" tanong nito sakin.
"Ahm wala naman gusto ko lang kayo na katabi" pag papalusot ko dito.
Tumungin ako sa direksyon nila Jackson at nakita kong naka baling yung paningin nya sakin. Ewan ko pero bumibilis na yung tikbok ng puso ko at hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko.
"Kumusta na kayo?" bungad na tanong nya ng maka upo sila sa tapat namin.
"Ok lang, kayo?" sagot ni Sheena sa kanila.
"Ok lang naman din, medyo pagod lang dahil sa kakatakbo natin sa field" aniya naman ni Jan, nasa tapat sya ni Sheena habang si Richard naman ay naka tapat kay Lindsay at katapat ko naman si Jackson.
Nag kwekwentuhan lang sila samantala ako naman ay naka tulala lang sa bote ng tubig na nasa harapan ko. Ayaw kong makipag eye contact kay Jackson dahil naiilang ako sa mga tingin nya sakin. Kulang nalang malusaw ako sa mga titig nya. May naramdaman akong may bumangga sa sapatos ko kaya napa balik ako sa sarili ko.
"Mukhang malalim ata yung iniisip mo, share mo naman oh" aniya nito at ngumiti sakin. Agad na bumilis yung tibok ng puso ko at bigla din akong kinabahan.
"A-ah wa-wala toh, sige una na ako. Paki sabi na lang na masama yung pakiramdam ko" saad ko sa kanila at dali dali ng tumayo.
"Hatid na kita" aniya ni Jackson at tumayo na din sa kinauupuan nya.
"Di na kaya ko naman umuwi mag isa" sagot ko sa kanya at dali dali ng umalis sa harapan nya.
Jackson's pov
"Ok lang ba si Kara?" tanong ni Jan pag kaupo ko sa tabi nya.
"Ang sabi nya ok lang naman sya kanina" sagot sa kanya ni Sheena.
"Baka may sakit yun?" dagdag pa ni Richard.
"Baka nga pinag papawisan kasi sya kanina eh" pang sang ayon naman sa kanya ni Lindsay.
Kung alam lang talaga yung nang yari kanina siguro maiintindihan nila. Pero ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko yun? Hala baka first kiss nya yun, shit mayayare ako neto. Baka di nya na ako pansinin nyan. Bat di ko ba kasi yun sinabi? Loko loko ka talaga Jackson. Siguro dapat kausapin ko sya ngayon, pero baka mas gumulo lang yung sitwasyon. Bukas na nga lang para medyo ok na syang kausapin. Para kasing na trauma sya eh. Pangit ba ako humalik? Hmmm siguro nga oo, wag ko nalang kaya gawin yun sa kanya? Mabuti pa nga.
[Sorry na kung hindi ako naka pag udpate, alam ko namang ang tagal pero pasensya na sa inyo. Ngayon lang ako sinipag mag update eh sorry hahaha.]
