Chapter 3

263 6 0
                                        

Kinabukasan

Kara's pov

Naglalakad lakad lang ako dito sa may loob nang university. Vacant namin kaya pwedeng lumabas, tsaka sobra na akong madaming ginawa kagabi kaya naman kailangan ko muna mag pahinga. Napadaan ako sa gym namin, may iilang nag pra-practice nang basketball.

"Miss tabi!!" sigaw nang isang lalaki kaya naman napalingon ako, may papalapit na bola sa mukha ko. Sasalagin ko sana ito pero agad itong tumama sa may ilong ko kaya naman natumba ako sa lakas nang tama saken.

"Aray!" aniya ko at napa hawak sa ilong ko. May lumapit sa akin na isang lalaki para tulungan akong tumayo.

"Miss ok ka lang?" aniya nito. Pag tingala ko ay nakita ko si Jackson, sya ata yung naka bato sa akin.

"Sa tingin mo?" masungit kong sagot sa kanya.

"Ang sungit mo naman, tinulungan ka na ngang tumayo eh" masungit din nitong sagot saken.

"Wow ha?! Salamat sa tulong mo, ikaw na nga may kasalanan ikaw pa may ganang mag sungit dyan"

"Bat ka kase dumadaan basta basta dyan eh kita mo naman na may nag lalaro dito?"

"Bakit bawal bang dumaan?" masungit kong sabi sa kanya. Maya maya ay naka ramdam na ako nang pag kahilo at may tumulo sa ilong ko. Agad ko itong pinunasan at dugo ang lumabas. Natumba na ako pero agad akong nasalo ni Jackson.

"Dalhin na kita sa clinic" huling sabi nito at nawalan na ako nang malay.

~~~~~~~~~~

Nagising ako na naka higa na sa may clinic. Tumingin ako sa tabi ko at nakita ko si Jackson na naka earphone at nakapikit, siguro natutulog ito. Umupo ako sa gilid nang higaan at pinagmasdan sya. Naka suot sya nang pang varsity, may nakasulat na 8 dun sa may kanang parte nang short nya, siguro yun yung no. nya, long socks at rubber shoes na blue. Medyo gumalaw ito kaya ibinaling ko sa labas yung tingin ko.

"Oh gising kana pala" aniya nito at agad na tumayo.

"Ah oo kanina lang"

"So pwede na pala akong umalis" papaalis na sana sya sa pintuan nabg pigilan ko.

"Teka!" aniya ko at lumingon sa akin.

"May kailangan ka pa ba?"

"Salamat" maiksi kong sagot sa kanya at agad na itong umalis.

Sungit naman nun, gwapo sana kaso masungit. Hmp! Makaalis na nga dito. Lumabas na ako nang clinic at nag simula nang mag lakad lakad. Sa pag lalakad ko ay nakita ko ule si Jackson na papunta sa rooftop.

"Ano kaya gagawin nun? Masundan nga" aniya ko at sinundan sya. Papalubog na yung araw kaya naman medyo malamig na yung hangin. Naka tingin lang ito sa araw. Tumabi ako sa kanya pero di nya pa din ako napansin.

"Ang ganda noh?" tanong ko sa kanya na punta yung atensyon nya sa akin.

"Ikaw na naman, sinusundan mo ba ako?"

"Grabe ka naman di ba pwedeng umakyat lang ako dito para tingnan yung araw?"

"Tsk whatever" aniya nito at ibinalik yung tingin sa araw.

"Ganyan kaba talaga?"

"Ano?"

"Ganyan ka ba talaga? Masungit at di na mamansin?"

"Hmm oo"

"Ako nga pala si....."

"Kara" pagpuputol nito sa akin.

Ilang segundo pa kaming natahimik nang mag salita ulit sya.

"Alis na ako"

"Aalis ka na naman?"

Love AffairWhere stories live. Discover now