Kara's pov
Naka higa ako ngayon nga sa kama ko dahil sa pag takbo ko dito sa dorm namin. Ano ba kasi nangyare sakin kanina? Hello self? Mahuhulog kana ba sa kanya? Please naman oh wag ka muna bumigay, alam mo naman na marupok tayo eh. Tsaka remember may boyfriend tayo si John, ayokong malaman nya na niloloko ko lang sya at ayoko na masaktan sya. Pero bat di nya na ako tine-text o tawagan man lang? Ilang linggo na din kami nag uusap eh. Sa pag kakatanda ko wala naman kaming pinag aawayan. Teka nga ng matawagan. Agad agad kong kinuha yung phone ko at umupo sa study table namin.
"*The subscriber cannot be reached, please try your call later* Ano kaya nangyare sa lalaking yun?" aniya ko sa sarili ko.
Ilan minuto pa ay wala pa ding sumasagot kaya naman iniwan ko nalang sa lamesa namin yung phone ko. At humiga nalang sa kama, hinintay nalang sila Lindsay at Sheena dumating.
Sheena's pov
"Tara na sa canteen nagugutom na ako eh" saad ko sa kanila dahil kanina pa kamo dito palakad lakad.
"Ako nga rin eh, sino ba kasi yung hinihintay natin dito" tanong ni Jan dahil kanina pa talaga kami nag hihintay dito sa tapat ng hagdanan.
"Ewan ko ba dito kay Richard eh, huy kanina ka pa dyan sumisilip sa corridor. Sino ba kasi hinihintay mo?" tanong naman ni Jackson kay Richard.
Nilingon ko si Lindsay na naka upo dun sa hagdan. Agad ko itong nilapitan dahil na bo-bored na talaga ako."Girl anong ginagawa mo?" tanong ko dito ng mapansin kong may kinakalikot sya sa phone nya.
"Ah may hinahanap lang akong movie eh, gusto mo manood?"
"Sure ano bang movie yan?"
"Dark Shadows"
"Ay bet andyan yung crush ko eh"
"Sino?"
"Si Johnny Depp"
"Ay gurl same tayo"
"hahahaha apir" natatawa kong sabi at itinaas yung kamay ko.
"Mas pogi pa ko dun eh" singit naman ni Jan.
"Di wow sayo hahahaha" kontra naman ni Lindsay.
"Di ba Hon?" baling naman ni Jan sakin.
"Aba malay ko sayo" pang aasar ko sa jowa ko.
"Ang sama mo talaga sakin" saad nya na may pag tatampo kaya agad kong sya nilapitan at niyakap.
"Nu kaba hon, wag kana mag tampo. I love you" aniya ko at tumingkayad para halikan sya.
"Ano bayan? Kelan ka ba tatangkad para di kana tumitingkayad pag hinahalikan ako?" pang aasar naman neto sakin.
"Sobra ka ah"
"Syempre joke lang yun hon, I love you too" aniya nya at hinalikan ako sa ulo.
"Aray ko! Nilalanggam na po ako sa inyo oh. Ang sweet eh oh" pang aasar samin ni Lindsay
"Sarap mag walk out oh" singit naman ni Jackson.
"Hahahaha sira ulo talaga kayo, nood kana dun hon" saad ni Jan kaya lumapit na ako kay Lindsay para manood.
Ilang minuto pa habang nanunuod kami ni Lindsay ay may narinig kaming boses ng babae.
"Kuya!" sigaw neto at yumakap kay Richard.
"Oh ano tara na?" tanong nito dun sa babae at tumango naman ito. Nilingon ko si Lindsay na naka tingin lang dun sa dalawa.
"Gurl ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya at hinawakan yung likod nya.
