Jackson's pov
"Bro kamusta na kayo nang girlfriend mo?" tanong ni Richard sa akin.
"Ok lang naman si Klariz, actually kakatawag ko lang sa kanya para kamustahin sya sa university nya" aniya ko at humiga sa kama ko.
And yes, may girlfriend nga ako si Klariz. Akala ko nga si Kara yun eh kasi parehas sila nang boses pero baka sa boses lang sila parehas. 1 year ko na syang girlfriend kaya excited na akong makita sya. Antagal ko na kasing hiling yun eh ang makita sya dahil sa call at text lang kami nag kakausap.
"Kelan kaya kayo magkikita nyan noh?" tanong nito habang naka upo sa kama nya.
"Oo nga eh, antagal na kasi eh pero mag hihintay pa din ako sa kanya"
"Pero pano kung niloloko ka nya?" tanong ulit nito kaya sinamaan ko sya nang tingin.
"Don't get me wrong pero nag sasabi lang ako nang totoo. Sa panahon kasi natin ngayon lalo na sa inyong dalawa, LDR at di pa nakikita yung isat isa. Di mo alam kung tapat ba talaga sya sayo, baka kasi pag kausap mo lang sya nag sasabi na "Ikaw lang yung mahal ko" pero ang totoo eh niloloko ka lang nya"
"Hay naku tiwala lang kasi yan noh" aniya ko at humiga na sa kama.
Kanina pa ako naka tulala sa kisame namin at iniisip yung sinabi ni Richard. Oo nga naman. What if niloloko nya lang ako?, what if pampalipas oras nya lang ako?, what if may iba pala syang mahal at hindi ako yun? Hayst ano ba tong iniisip mo Jackson? Akala ko ba may tiwala ka sa kanya? Oo naman kaso baka tama nga yung sinabi ni Richard. Ano ba? Jackson, just focus ok? Burahin mo nayang iniisip mo maging masaya ka muna ngayon ok.
~~~~~~~~~~
"Uy ok kana?" tanong ni Kara at nilagay yung kamay nya sa noo ko.
"Oo" sagot ko sa kanya at at tinanggal yung kamay nya sa noo ko.
"Eto naman concern lang naman ako eh"
"Well salamat sa concern mo"
"Bat ba ang sungit mo?"
"Bakit ang kulit mo?"
"Hayst nag aalala lang naman ako eh kasi ako ang may kasalanan kung bakit ka nag kasakit"
"Di mo yun kasalanan dahil pinili kong mabasa ako" mag sasalita pa sana sya nang biglang dumating ang prof namin.
"Ok class dahil malapit na kayo mag practicum, kaya asahan nyo na madami ang outdoor activities natin" aniya ni maam kaya naman naghiyawan yung mga kaklase ko.
"Oh Kara ok ka lang? Parang di ka ata natuwa sa sinabi ni maam?" tanong ni Jan kaya naman napa tingin ako kay Kara
"Ok lang ako" sagot nyo at ngumiti.
"Pero bago pa man yun ay mag a-assign ako kung sino ang ka partner nyo" dagdag pa ni maam. Nag umpisa na mag banggit si maam nang mga pangalan namin.
"Klariz Laurelle Magboo and John Gemperle" Ano bakit sya?!
"Maam!" sigaw ko kaya nabaling ang atensyon ni maam sa akin.
"Yes, mr. Gemperle? May problema ba?"
"Maam pwede po ba ako mag iba nang partner?"
"Hindi na pwede, kung ayaw mo sa partner mo ay pwede ka namang di na sumali sa practicum natin pero uulet ka nang semester" sambit ni maam kaya naman ay napa upo nalang ako.
~~~~~~~~~~
Kara's povHayst bakit sya pa? Pwede naman ibang tao diba? Tsaka outdoor activities talaga? Sawa na ba si maam sa loob nang classroom namin? Oo nga pala diba pag outdoor activities, mga tatakbo kayo, tatalon tsaka mag do-document nang kung ano ano. So may tendency na mag swimming kami? Omg ayoko, di ako marunong lumangoy baka malunod lang ako pero kailangan kasi eh. Mag iisip nalang ako nang dahilan para di ko matuloy.