5: Ahhhhh! Ahhhhh!

775 19 0
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com 

fb: Michael Juha Full

WARNING: R-18 (Explicit Content)

-----

Nahinto si Hector sa pag-iyak. Bagamat nagulat, hindi niya magawang pumalag. Hinayaan niyang paglaruan ng mga labi ni Abel ang mga labi niya. Hanggang sa nakaramdam siya ng kakaibang kiliti sa ginagawa ni Abel at naalimpungatan na lang niya ang sariling niyayakap niya nang mahigpit si Abel.

Ibinuka niya ang kanyang bibig upang mas lalo pang maramdaman niya ang pagsisipsip ng ng mga labi ni Abel. Naramdaman naman niya ang pagpasok ng dila ni Abel sa kailaliman ng kanyang bibig at ikinikiskis ito ni Abel sa kanyang dila, sa kanyang mga ngipin, gilagid, at pati na rin sa kanyang ngala-ngala. Lahat ng laway na pinapakawalan ng kanyang mga salivary glands ay sinisipsip ni Abel.

Hindi lubos maisalarawan ni Hector ang kiliting kanyang nadarama sa sandaling iyon. Ramdam niya ang matinding init ng kanyang katawan na halos magdeliryo siya sa magkahalong kiliti at sarap. Ramdam niya ang pagtigas ng kanyang pagkalalaki na tila gustong kumawala mula sa loob kanyang pantalon. Lalo pa niyang hinigpitan ang pagyakap kay Abel. Sinuklian na rin niya ang pagsisipsip at paglalaro ng kalilaliman ng bibig ni Abel gamit ang kanyang dila. Iyon ang pinakaunang karanasan ni Hector sa pakikipaghalikan ngunit dahil magaling humalik si Abel, mabilis niyang natutunan ito. At kasabay sa ingay na gawa ng patuloy na pagpatak ng ulan sa bubong ng dampa ay mariringi ang mga ungol nila.

Hanggang sa kumalas saglit si Abel sa kanilang halikan at tinanggal nito Abel ang pang-itaas na saplot ng katawan ni Hector.

Mistulang napasailalim ng kapangyarinah ni Abel si Hector na sunsud-sunuran na lang ito sa kanya. Itinaas ni Hector ang dalawa niyang braso upang malayang mahila ni Abel ang kanyang pang-itaas na saplot. Nang natanggal na ito ay pinahiga siya ni Abel. Doon na itinuloy ni Abel ang paghalik sa kanya.

Muli silang naghalikan. At sa pagkakataong ito ay iginapang ni Abel ang kanyng mga labi mula sa bibig ni Hector patungo sa magkabilang tainga ni Hector. Iginapang ni Abel ang kanyang dila roon at habang sinisipsip-sipsip niya ang gilid ng tainga ni Hector, ang kanyang dila naman ay pilit na isinisingit niya sa butas ng kanyang tainga.

Hindi mapigilan ni Hector ang mapaigtad sa matinding kiliti at sarap sa ginagawa ni Abel. Hinawakan niya ng mahigpit ang makapal na buhok ni Abel na tila pupunitin niya ang anitnito habang hindi naman mapakali ang kanyang katawan at mga paa sa kaiigtad. At nang ibinaba pa ni Abel ang kanyang mga labi patungo sa leeg at sa magkabilang dibdib ni Hector at marahang sinisipsip ang utong nito, doon pa lalong nagpupasay si Hector. Mistulang isang nakakaawang hayop si Hector na nilapa ng isang malakas at mabagsik na halimaw, walang magawa kundi ang magpaubaya, umungol nang malakas at maglupasay. Ang kaibahan lang ng kalagayan niya sa isang nilalapang hayop ay imbes na nakamamatay na kirot, nakakadeliryong magkahalong kiliti at sarap ang kanyang nalalasap.

"Ako naman..." ang bulong ni Abel kay Hector habang kumalas siya sa kanilang romansahan.

Itinaas ni Abel ang kanyang kamay, hudyat na gusto niyang hilahin ni Hector ang kanyang damit na pang-itaas.

Dali-daling hinila ni Hector ang dulo ng damit ni Abel at tinaggal ito mula sa kanyang katawan. Pagkatapos ay si Abel naman ang tumihaya. Hinawakan niya ang kamay ni Hector at hinila niya sanhi upang mapahiga niya si Hector, padapa sa ibabaw ng kanyang katawan.

Nang nasa ibabaw na ng katawan niya na si Hector, niyakap niya ito at pagkatapos ay hinawakan ang ulo at idiniin patungo sa kanyang mukha. Hinalikan muli ni Abel si Hector sa bibig.

Ang Lihim Ng Ibong TagakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon