By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
fb: Michael Juha Full
-----------------------------------
TAGLAMIG NA naman sa mga bansa kung saan nanggaling si Hero. At syempre, kapag ganoon ang season, panahon din ng pag migrate ng mga tagak patungo sa maiinit na bansa kayga ng Pilipinas.
Hindi na mapakali si Abel sa sandaling iyon. Ang mga tao ay ganoon din ang naramdaman. Excited silang naghintay at umaasa na sa kabila ng kanilang paghiwalay ay babalikan pa rin ni Hero si Damsel. Bagamat monogomaous ang mga tagak or kalahi nila, wala pang recorded na kuwento tungkol sa dalawang magpartner na nagkalayo atsaka nagkabalikan. Ang sitwasyon ni Damsel ay maihahambing sa isang dalagang inanakan ng isang lalaki at pagkatapos ay biglang iniwan nang walang pasabi kung babalik pa siya o hindi.
Ngunit hindi tao sina Damsel at Hero. Bagamat hindi sila kasing talino ng tao, hindi marunong mag-isip kagaya ng matatalinong tao, ngunit maaaring ipinagkaloob sa kanilang puso ang pagmamahal, at kung mayroon man, maaari ring ang kanilang paninidigan ay mas matatag pa kaysa paninidigan ng tao. Kaya ang malaking katanungan sa isip nina Abel at Victoria ay kung babalikan ba ni Hero si Damsel? May pagmamahal ba si Hero sa kanya? At kung matatag ba ang kanyang paninidigan?
Sa unang araw pa lang ng Disyembre ay dumagsa na ang mga tao at turista, may mga TV networks din. Si Abel naman ay abala sa pag-aayos sa pugad ni Damsel. Siya ang pinaka-excited sa lahat.
Disyembre 10 at malapit nang magtakip-silim. Malamig ang simoy ng hangin at malinaw ang kalangitan maliban sa iilang altostratus na mga ulap na siyang nagpalihis sa mapurol na sinag na nanggaling sa papalubog nang araw.
Napabuntong-hininga na lang si Abel. Habang humahanga siya sa ganda ng langit, ramdam niyang madi-disappoint sila kay Hero sa sandaling iyon.
Babalik na lang sana si Abel sa kanynag kuwarto nang bigla niyang narinig ang sigaw ng mga tao. "Si Hero! Si Hero iyan!"
Nang ibinaling niya ang kanyang paningin sa taas ay nakita niya ang isang malaki at maputing ibon. Napaka-majestic niyang tingnan habang pinapagaspas niya ang kanyang malalapad at puting pakpak, ang mamumula-mulang langit sa kanyang likuran ay nagsibing background. Nakikinita ko tuloy sa kanya ang maalamat na ibong caladrius ng Greek mythology.
Hindi nga nagkamali ang kanilang mga sigaw. Mula sa matayog na paglipad, unti-unti itong bumaba, tinumbok ang aking kinaroonan, hanggang dumapo siya sa pugad ni Damsel.
Nakakabingi ang palakpakan ng mga tao. Iyon na yata ang pinakamadramang tagpo ng pag-iibigan ng dalawang ibon. At nasaksihan ito ng mga tao sa buong bansa at mundo sa pamamagitan ng kanilang mga TV, sumusubaybay at nag-aabang sa buhay pag-ibig nina Damsel at Hero.
Sa pagkalat ng kuwento ng pag-ibig ng dalawang ibon ay hindi rin nakaligtas sa limelight si Abel. Ininterview siya ng mga TV networks at sa bawat intierview niya ay isinisingit niya ang pangalan ni Victoria at kung paano napadpad si Victoria roon, at kung paano sila nagkita. Ginamit niya ang pagkakataon upang manawagan sa kanya. Inamin din niya sa mga reporters na nililigawan niya si Victoria ngunit iniwan siya nito. At kagaya ni Damsel na iniwan ni Hero, umaasa rin siya na babalik sa kanya si Victoria. "Kung saan ka man naroroon, sana ay mapatawad mo na ako kuing ano man ang naging kasalanan ko sa iyo. Miss na miss na kita. Sana ay bumalik ka na. Bumalik na si Hero at ikaw na lang ang aming hinihintay ni Damsel..."
Kagaya nang unang pagdating ni Hero, muling nagkaroon sila ng mga inakay ni Damsel. At kagaya rin ng nauna nilang mga anak, hindi rin sila nagtagal. Muli silang lumisan at iniwan nila si Damsel. At sa paglipas pa ng dalawang linggo, si Hero naman ang lumisan.
Muling nalungkot ang mga tao sa nangyari. Pati si Abel ay nawasak. Ngunit ang mas higit na nasaktan ay si Damsel. Muli siyang nanamlay, hindi kumakain, at ayaw lumabas sa kanyang pugad.
Sa muling pagkawala ni Hero ay muling naalala ni Abel ang hapdi ng pag-alis nina Victoria at Hector. Kagaya ni Damsel, nagdurugo din ang kanyang puso.