7: Nambitag o Nag-aalaga

408 14 9
                                    

By Michael Juha

getmybox@hotmail.com 

fb: Michael Juha Full

------------------------------

Maya-maya ay nagpumilit si Hector na kumawala sa pagpaton ni Abel sa kanya. Ngunit mas hinigpitan pa ni Abel ang pagyakap kay Hector. Kaya nagpagulong-gulong sila sa putikan hanggang sa napagod si Hector at huminto. Doon na inilapat ni Abel ang kanyang mga labi sa bibig ni Hector.

Umiiwas si Hector sa halik ni Abel. Ngunit sa patuloy na pagpupumilit ni Abel ay tuluyang nilamon siya sa tawag ng laman. At sa gitna ng burak kung saan sila nalublob ay naganap ang pagpapaalpas nila sa bugso ng init ng kanilang mga katawan.

Nang mahimasmasan ay sabay silang naligo sa ilog. Wala silang imikan. Pagkatapos ay ipinahiram ni Hector kay Abel ang kanyang pantalon at T-shirt. Hindi na rin itinuloy ni Abel ang paghahanap niya kay Victoria.

Nang bumalik si Abel sa rest house ay dumiretso siya sa kanyang kuwarto, sandaling nagpahinga. Pagkatapos ay muling naligo at nagbihis.

"Hi..." ang nangingiming sambit ni Abel habang umupo siya sa isang bangko malapit lang kay Victoria na naglilinis ng aquarium.

Hindi sumagot si Victoria. Sadyang hindi niya pinansin si Abel. Patuloy lang siya sa kanyang ginagawa.

"Wala man lang welcome hug d'yan? Hindi mo man lang ipadama sa akin na natuwa ka nandito na ako? Kahit plastikan lang?"

"Gago! Sana nga hindi ka na bumalik eh. Mas matiwasay ang mundo namin nang nawala ka rito," ang sagot ni Victoria na hindi siya nilingon.

"Nagresign na ako sa aking trabaho at dito na manirahan..."

"Ano ngayon?"

Sandaling natahimik si Abel. Naging seryoso. "Na-miss kita..."

Hindi umimik si Victoria. Nagpatuloy pa rin siya sa paglilinis ng aquarium.

"M-mahal kita, Victoria... Oo, matagal na."

Bahagyang nahinto si Victoria sa kanyang ginagawa. May kung anong malakas na bugso ng emosyon siyang nadarama. Mistulang sasabog. "Seryoso ba iyan?"

"Oo naman!"

Doon na kinuha ni Victoria ang isang tabo, nagsalok ng tubig mula sa aquarium at isinaboy ito sa mukha ni Abel.

"Tangina! Para saan iyon! Pwe! Nalunok ko iyong maruming tubig ah!" ang biglang pagbulyaw ni Abel na nabigla at napatayo, hindi magkamayaw sa pagpahid sa nabasang mukha at damit.

"Seryosohan tayo, 'di ba? Seryoso rin ako. Iyan ay para kay Hector. Sabi mo, mahal mo ako pero paano naman ang kapatid ko?"

Nagulat si Abel. "S-si Hector? B-bakit si Hector?"

"Nakita ko kayo sa putikan. Sarap na sarap ka pa sa pagyari sa kanya. Ang lakas pa ng ungol mo, gago!"

Napatitig na lang si Abel kay Victoria. Naturete.

"O, ano? Hindi ka masagot?"

"Eh... t-tinukso niya ako eh. H-hindi ko kagustuhan ang nangyari sa amin. Atsaka lalaki ang kapatid mo. Hindi kami talo. At ako, pangarap kong magkaroon ng pamilya, ng anak... Hindi maibibigay iyan ng kapatid mo."

Tumaas ang boses ni Victoria. Nilapitan niya si Abel at dinuro sa kanyang hintuturo. "Ayaw na ayaw kong ginaganyan ang kapatid ko! Tandaan mo iyan kung gusto mong manatili pa kami rito! Kung ayaw mong bigyan kita ng sakit sa ulo, kung ayaw mong patayin kita, magpakatino ka!" ang pagbabanta pa ni Victoria sabay talikod at nag-walk out, tinungo ang kuwarto ni Abel kung nasaan ay naroon si Damsel. Nilinis niya ang tulugan ng ibon.

Sumunod sa kanya si Abel at tinulungan siya sa paglilinis. "I'm sorry. Pero totoo ang naramdaman ko para sa iyo."

"Wala akong naramdaman para sa iyo, Abel. At si Hector, kung gusto mo siya, huwag mo siyang saktan. Sobra-sobra ang hirap at sakit na naranasan niya sa buhay. Kung hindi mo siya gusto, o wala kang pagmamahal sa kanya, huwag mo siyang paaasahin. Huwag mo siyang paglaruan," ang seryosong sambit ni Victoria.

Doon napansin ni Abel na lumuha na pala si Victoria. Pinahid ni Victoria ang mga luha sa kanyang pisngi at tinapos ang paglilinis sa pugad ni Damsel. Naiwan si Abel na natulala. Gusto pa sana niyang itanong kung ano ang masakit na karanasan ni Hector. Ngunit sinarili na lamang niya ito.

Dahil sa sinabing iyon ni Victoria, napagdesisyunan ni Abel na kausapin nang masinsinan si Hector. Kinagabihan ay dinalaw niya ito.

"G-gusto kong sabihin sa iyo na mahal ko ang kapatid mo at balak kong ligawan siya," ang seryosong pagbunyag ni Abel kay Hector.

"Ba't mo sinabi iyan sa akin? Wala naman tayong relasyon, 'di ba? Wala akong karapatan..."

"A-ayaw ko lang namagkaroon ka ng expectations. Ayaw kong umasa ka. Hindi ako puwedeng pumatol sa isang lalaki. Pangarap ko sa buhay ang magkaroon ng, pamilya, ng mga anak... isang normal na buhay na pinapangarp ng lahat ng mga lalaki."

Tahimik. Pakiwari ni Hector ay tinadtad ang kanyang puso sa pagkarinig niya sa sinabing iyon ni Abel. Sobrang sakit na hindi niya mawari. Ngunit hindi niya ipinahalata ito. "H-hindi naman talaga ako nag-expect. Ngunit dahil nagpaalam ka, sino ba ako upang tumutol?"

Sa sinabing iyon ni Hector ay naglupasay sa tuwa ang puso ni Abel. Wala nang hadlang ang pagmamahal niya kay Victoria. "Salamat, 'Tol! Maraming-maraming salamat! Ipangako ko sa iyo na alagaan at mamahalin ko ang kapatid mo."

Hindi umimik si Hector. Pilit niyang itinago ang matinding sakit na kanyang naramdaman.

"Ikaw? Anong plano mo?" ang pagbasag ni Abel sa katahimikan.

"M-mayroon akong g-girlfriend, si Sally, dating Japayuki. Alam niyang may lihim akong pagkatao ngunit tanggap niya. Tinuruan niya ako sa pakikipagrelasyon sa babae at kung paano makikipagtalik. Nagkaanak kami. Nang malaman ito ng inay, hinikayat niya akong pakasalan si Sally. Ngunit namatay ang inay bago ito natupad..." nahinto siya sandali. "B-babalikan ko siya at pakakasalan."

Binitiwan ni Abel ang isang matipid na ngiti. "Susuportahan kita sa plano mong iyan..."

Nang nakatalikod na siAbel, doon na hinayaan ni Hector na pumatak nang pumatak ang kanyang mga luha.Si Abel ang pinakaunang lalaking nakatalik niya. Si Abel din ang pinakaunangtaong nagpatibok ng kanyang puso.

(Itutuloy)

Ang Lihim Ng Ibong TagakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon