“Feeding session ang magiging schedule niyo ngayong apat. Including you Liam, para makapagpahinga naman ang ibang volunteers. Liam and Basti will replace the other volunteers na nagtuturo sa mga bata, Hyunki and Richard naman sa feeding.” Paliwanag ni Yohan.“Hello? Ano namang alam ko sa pagtuturo?” reklamo niya dahil wala siyang alam sa pagtuturo sa mga bata.
“You can do it, you should learn kung paano makitungo at lapitan ang mga bata rito sa camp.” Yohan said at bumaling ulit kina Hyunki.
“Wala na bang magtatanong? That's all, just finish your breakfast.”
“Medyo malayo ’yon, bro. Tatawid pa tayo sa kabila.” Hyunki is right dahil sa kabila pa ng batis nakatira ang mga katutubo at doon nagpupunta ang mga volunteers para magturo sa mga bata.
Matapos magbreakfast ay nagtulong-tulong na sila sa pagluluto para sa feeding ng mga bata at gumayak na. Tumuloy sila sa malaking kubo, malawak at malinis ang loob. Kahoy ang sahig pero walang dingding. Nagsilbi iyong open area, but there are book shelves and lots of books that kids can read. Nakapila na ang mga bata para sa pagkain, Hyunki and Richard are busy taking care of the kids, habang sila naman ni Basti ay naupo muna.
“Galing ng naisip na ’to ni Yohan, sa dami niyang puwedeng gawin mas pinili niya ang pagiging volunteer.” Sambit ni Basti kaya nilingon niya ito.
“Kahit noong mga highschool pa lang kami, mahilig na talaga siyang tumulong. Fund raising events, medical missions, at marami pang iba na may kinalaman sa donations para sa mga nangangailangan.” Proud niyang kuwento kay Basti. “Alam mo bang nakapagtapos siya ng medisina para maging Doctor dahil iyon ang gusto ng Parents niya para sa kanya, pero pagka-graduate niya bigla na lang siyang umalis at hindi na tumuloy sa internship.”
“Sayang naman,” sambit ni Basti.
“Para sa mga tao, sobrang sayang talaga. Pero para kay Yohan, wala siyang pinagsisisihan. Siguro dahil dito naman talaga siya totoong masaya at walang makapipigil sa mga gusto niyang gawin sa buhay.”
Matapos ang feeding ay naghanda na rin sila ni Basti para sa pagtuturo sa mga bata.
----
It‘s already evening nang makabalik sila sa camp, maraming nakasinding sulo sa buong paligid at maraming katutubong nagsasayawan sa tabi ng bonfire. Lumapit sa kanila ang tatlong babaeng katutubo at sinabitan silang tatlo nina Liam at Richard ng kuwentas na gawa sa bulaklak at pagkatapos ay hinila silang tatlo sa gitna ng mga sumasayaw.
“Ano ’to, Yohan? I don't understand. W-what's going on?” tanong ni Liam.
“That's a welcome party for the three of you,” sagot ni Yohan kasama ang dalawang volunteer. Iniabot ng mga ito ang coconut shell na may lamang hindi pa nila alam kung ano.
“Drink that, as our welcome to you here at camp Taboc.,” nakangiti nitong sabi kaya ininum nila iyon at napangiwi dahil alak pala ang laman. Nakaramdam agad siya ng init sa lalamunan nang maubos ang alak.
Yohan made them drink again, he felt dizzy so he sat down for a while and just watched Liam and the rest of the volunteers dancing with aetas. Hindi niya na namalayan na kanina pa siya nakangiti habang pinanunuod ang sumasayaw na si Liam. Ngayon niya lang ito nakitang masaya, and looks like he's enjoying being here at camp Taboc.
“Uy Basti, c'mon! Join us huwag kang K.J d’yan!” Liam took his hands and forced him to dance. Pinagitnaan silang dalawa ng mga sumasayaw na katutubo and he's happy staring at Liam dancing in front of him. Parang bumagal ang pagkilos ng mga tao sa paligid dahil parang tumigil ang oras, bigla rin tumahimik at isa lang ang malakas niyang naririnig.
YOU ARE READING
Camp Taboc - BL Story
RomanceAfter his boyfriend and cousin cheated on him, Liam met Basti in Seoul South Korea. He trusted that guy and getting drunk but woke up alone and naked on bed. After the unexpected happened, he looked for his best friend until he found Yohan in Legazp...