C H A P T E R 9

84 10 4
                                    


“Liam, let's talk! Magpapaliwanag ako!” habol sa kanya ni Yohan, at nang maabutan siya ay galit siyang humarap sa kaibigan.

“Paano mo ipapaliwanag sa akin ‘yong nakita ko kanina? Are you planning to keep it a secret from me? Ano ’yon huh? Bakla ka rin?” sumbat niya.

“I'm just looking for the right time to tell you, calm down, Liam!” napailing siya sa sagot ni Yohan. Hindi niya yata matatanggap na ganoon din ang kaibigan niya.

“Paano ako kakalma? Sobrang taas nang tingin ko sa ’yo, ni-re-respeto kita dahil kahit bakla ako hindi mo ako nilayuan! Is that why you forced yourself to stay away from us? Para dito mo iladlad kung anong tunay mong pagkatao? Alam mo, I'm so disgusted. I don't understand why you became like this!” sumbat niya habang masama pa rin ang loob sa kaibigan.

“I'm sorry..” bakas sa mukha ni Yohan ang labis na pagkapahiya.

“Para mo na rin akong niloko dahil nilihim mo sa akin kung ano ka!”

“Kaya nga nilihim ko sa iyo dahil alam kong ganito ang magiging reaksyon mo! Walang perpektong tao rito sa mundo, even you, Liam! Pero hinusgahan ba kita?” sumbat sa kanya ni Yohan bago siya tinalikuran.

“‘Yon na nga e! Kaya ba hindi mo sa akin sinabi dahil iniisip mong huhusgahan kita? Ang babaw mo!”

Tinalikuran niya na rin ito at dumeretso sa kubo habang hindi pa rin maalis sa isip ang senaryong nakita kanina. Hindi niya matanggap, never in his life na nagduda siya sa pagkatao ng kaibigan. Naging magkaibigan sila sa mahabang panahon, pero hindi niya pa pala lubos na kilala si Yohan and it really hurts his ego. Hindi niya na namalayan ang pag-agos ng luha dahil sa sama ng loob, pakiramdam niya ay niloko siya ni Yohan.

----


“Morning, bro. Agap mong gumising ngayon ah, ayos na ba pakiramdam mo?” tanong sa kanya ni Richard habang nagtitiklop ng higaan nila.

“Bored na ako rito sa loob e,” sagot niya at lumabas na sa kubo.

Tahimik ang umaga at maaliwalas ang paligid, malamig at sariwang hangin ang humahampas sa kanyang katawan kaya mas gumaganda ang pakiramdam ni Basti. Bigla niyang naalala si Liam, noong isang araw pa niya ito hindi nakikita.

“Morning, Basti.” Bati ni Yohan nang dumaan sa harap ng kubo nila at dere-deretso lang na naglakad papunta sa kitchen area.

“Gusto mo magkape, bro?” tanong ni Richard paglabas nila sa kubo.

Naabutan nila sa kitchen area si Yohan, nagpapainit ng tubig. Nilingon sila nito pero nanatiling seryoso at blanko ang mukha. Ilang saglit pa ay si Liam naman ang pumasok, dumeretso ito sa likod ng kitchen area at parang hindi nakita si Yohan bagay na pinagtataka niya.

Habang nag-aalmusal ay pansin niyang hindi nag-iimikan ang dalawa. Pag-alis ni Yohan, ay si Liam na ang nagligpit nang pinagkainan. Maski siya ay hindi kinakausap ni Liam at nakaiilang ang pagiging cold nito.

“Okay ka lang ba?” hindi niya na napigilang magtanong, he’s worried. Tumingin naman si Liam habang nagpupunas ng mesa sabay tango.

“Bakit ang tahimik mo? Hindi ako sanay,” sambit niya at ngumiti but Liam didn't answer and turned around to wash the dishes.

Camp Taboc - BL Story Where stories live. Discover now