C H A P T E R 4

61 13 0
                                    


It's already afternoon and they're going back to camp when Liam saw Basti sitting on the grass while in front of the canvass board. Mukhang abala ito sa pagpipinta.

Humiwalay siya kina Yohan at marahang lumapit papunta sa likuran ni Basti, na abala pa rin sa ginagawa.

Infairness, he's good at painting.

Nasabi niya sa sarili pero hindi niya ito nilapitan para purihin. Liam took the color paint from Basti's side habang hindi siya nito napapansin, and quickly threw it to the canvass board. Mabilis namang nakatayo si Basti at hindi makapaniwala sa ginawa niya.

“Ikaw na naman?” hindi nito makapaniwalang tanong.

“Of course, at kulang pa 'yan!” sagot niya sabay talikod at naglakad na.

“Ano ba talagang problema mo? What do you want?” tanong ni Basti habang sinusundan siya.

“Ang gusto ko, umalis ka na rito!” sagot niya at nilingon ito.

“Kung ipipilit mo na naman sa akin ang nangyari sa Seoul, I don't know anything dahil parehas nga tayong lasing no’n!” giit ni Basti, pero hindi siya naniniwala.

“Don't you know how hard to paint at kung magkano ang canvass board? Isip bata ka ba?” tanong nito sa kanya.

“I don't care about your feelings, Basti.”

“Dahil ba kulang ka sa aruga? O baka hindi ka mahal ng mga magulang mo?” pang-aasar nito pero mabilis siyang nakalapit kay Basti at hinila ang damit nito.

“How dare you! Anong alam mo sa buhay ko para idamay ang mga magulang ko? You don't know anything!” sigaw niya at nangilid na ang luha sa sobrang galit dito.

“What's going on here?” Yohan asked, pero iniwan niya ang mga ito at masama ang loob na bumalik sa kubo.

----

“Simula pa kaninang umaga kayo nag-aaway ni Liam ah, pakiramdam ko tuloy nakakuha siya nang kapalit dahil may bago na siyang kaaway dito sa camp. Tuwing magkakasalubong kasi kayo o magkikita, para kayong aso't pusa.” Tuloyan nang dumilim ang paligid kaya iniwan niya si Yohan at binalikan ang mga gamit na naiwan kanina habang nagpipinta.

Isa-isa niya iyong pinulot and was surprised when Yohan helped him.

“Sorry dude, hindi ko rin naman gustong mag-away kami but he's accusing me that something happened to us in Korea. I don't remember anything about what happened, lasing din ako noon. Ni hindi nga siya nagpasalamat sa akin dahil may tumulong sa kanya roon e!” inis niyang paliwanag.

“Did you tell him? Nakausap mo na ba si Liam nang maayos tungkol d'yan?” Yohan asked.

“Paano? E palagi na lang siyang galit sa akin? Isang araw pa lang ako rito sa camp, but I already receive two kicks and a slap galing sa siraulong iyon! Pati pinipinta ko, sinira!” reklamo niya dahil sa sobrang asar kay Liam.

“Take it easy, dude. Wala akong kinakampihan sa inyo, pero gusto ko sanang habaan mo ang pasensya mo pagdating sa kanya. Actually, mahirap din talaga ang mga pinagdaanan ni Liam. His Parent died in a car accident kaya nagkagulo-gulo ang buhay niya at nandito siya ngayon para gamotin ang sarili niya. Gusto kong matanggal at mawala lahat ng sakit na dinadala ng kaibigan ko pero ayaw ko nang gulo rito sa camp.” Paliwanag ni Yohan at tinapik siya sa balikat.

Matapos mag-usap ay bumalik na rin sila sa camp at naabutan ang ibang volunteers na naghahanda na ng dinner. Hindi sila nagpansinan ni Liam at tahimik lang silang dalawa na kumakain. Pagkatapos ay tumambay sila ni Richard sa labas ng kubo habang tanaw ang maliwanag at bilog na buwan na nagsisilbing liwanag sa tahimik na lugar.

Camp Taboc - BL Story Where stories live. Discover now