“Dalhin mo ’tong flashlight, kumot saka unan. Pinagsilid na rin kita sa bag mo ng mga extrang dami--”“Relax, okay? Isang araw lang naman ang bagyo, kapag humupa na ang baha babalik agad ako rito sa camp. Huwag ka na mag-alala, kasama ko naman sina Basti. Kayo nina Liam ang mag-ingat dito, kapag nagkaroon ng problema puwede kayong tumakbo sa kampo ng mga sundalo para humingi nang tulong,” paliwanag at bilin ni Jino.
“Isang araw lang ang bagyo pero hanggang kailan huhupa ang baha sa batis? Saka hindi ko talaga mapigilang mag-alala e, matutulog ako na hindi tayo magkasama tapos may bagyo pa.” Malungkot niyang sabi, ngumiti naman si Jino sa kanya kaya makahulogan niya itong tiningnan.
“Bakit?” tanong niya.
“Halata kasing miss na miss mo agad ako e,” panunudyo nito.
“Hindi 'no!” tanggi niya.
“Mag-iingat naman ako e, pero sa ngayon, i-secure muna natin ang safety ng lahat. Hmm?” pinisil ni Jino ang kanyang ilong bago siya hinalikan nang mabilis sa labi.
“Siya nga pala, ‘yong mga gamot pinadala ko na sa coffee express. Daanan niyo na lang doon kapag aalis na kayo,” bilin niya rin kay Jino.
“’Yong mga relief goods, napamigay na ba?”
“Oo, maaga pa lang, inasikaso na namin kanina. Thank you ha?” nakanguso niyang sabi kay Jino.
“Para saan naman ’yang ‘thank you’ mo?" ganti nito habang natatawa.
“Sa lahat nang itinulong mo, kahit wala ka noon dito hindi mo pa rin ako pinabayaan. Hay naku, kung hindi ka pa namin napag-usapan ni Basti, hindi ko pa malalaman. Pero sa totoo lang, I really don't know what to prioritize lalo na sa mga ganitong sitwasyon,” seryoso niyang sabi kay Jino.
“Wala ’yon, basta ikaw. Isipin mo lagi safety niyo.. Halika nga rito, payakap ako.” Agad naman siyang lumapit kay Jino kaya ikinulong siya nito sa bisig at ipinatong ang mukha sa kanyang balikat.
“Pagkatapos ng bagyong ’to, i-di-date kita sa bayan. Gusto kong magkaroon tayo ng quality time, we will go for a walk all over Albay and eat delicious food,” napakapit naman siya sa braso ni Jino at in-enjoy ang sarili sa pagkakayakap nito sa kanya.
“Being with you all the time is enough to be called quality time. Saka hindi mo naman ako kailangan ipasyal at dalhin kung saan-saan e,” paliwanag niya.
“Tsk! Kontra ka na naman. Of course, I still want to experience dating somewhere and will do the normal things that lovers do. Like walking while holding hands in public, ’yong tipong hindi tayo mahihiya na ipakita sa mga tao kung anong mayroon tayo at kung gaano natin ka-mahal ang isa't isa,” paliwanag ni Jino sabay halik sa pisngi niya. “Gusto kong manunuod tayo ng sine,”
“Ikaw ang bahala,” sambit niya at saglit silang natahimik.
“Alam mo, I like this feeling talaga. I feel contented, and not asking for anything basta kasama ka lang.” Sambit niya.
“Ako rin naman, kahit multo-hin pa ako ni Emma.”
“Dinamay mo pa talaga si Emma nananahimik na ’yong tao e! Siya, sige na. Lumakad na kayo dahil lumalakas na rin ang ulan.” Taboy niya kay Jino, tumayo na sila at isinakbat na nito ang bag bago sinuot ang kapote.
YOU ARE READING
Camp Taboc - BL Story
RomanceAfter his boyfriend and cousin cheated on him, Liam met Basti in Seoul South Korea. He trusted that guy and getting drunk but woke up alone and naked on bed. After the unexpected happened, he looked for his best friend until he found Yohan in Legazp...