C H A P T E R 7

61 11 1
                                    


“Kayo na muna ni Liam ang bahala rito,” paalam ni Yohan kay Basti dahil abala si Liam sa mga guest na nagka-kape sa coffee express.

Nakita niya si Jino, nagsisibak ng kahoy kaya napatigil siya sa paglalakad at saglit itong pinagmasdan mula sa malayo.

Hindi niya maikakailang napakalaki nang pagbabago kay Jino dahil pinagupitan na nito ang dati ay mahabang buhok at naging matikas na rin ang pangangatawan. Napalunok siya sabay iling kaya pinagpatuloy niya na ulit ang paglalakad.

Nang lampasan niya ito ay narinig niyang tinatawag siya ni Jino pero hindi niya ito nilingon hanggang sa maramdaman niya na lang na may pumigil sa braso niya. Nagtama ang mga mata nila paglingon niya rito at agad binawi ang braso.

“Anong kailangan mo? Akala ko ba umuwi ka na?” kaswal niyang tanong.

“Saan ako uuwi? This is my home kaya dito lang ako uuwi. P’wede ba tayong mag-usap?” tanong nito kaya sinalubong niya rin ang tingin ni Jino.


“Wala naman tayong dapat pag-usapan, tungkol ba sa camp?” ganti niya pero umiling si Jino habang seryosong nakatitig sa kanya.

“Do we still have a chance?” natigilan siya saglit bago napabuntong hininga.

“Alam mo, you're just wasting your time, Jino. Tungkol lang sa camp ang p’wede nating pag-usapan,”


“Bigyan mo lang ako ng oras para makapagpaliwanag, para masabi ko sa iyo lahat ng gusto kong sabihin.” Natigilan siya saglit pero agad ding nakabawi at may pang-uuyam na nginitian si Jino.

“Talaga ba? And what about the pain you did to me? Sa totoo lang, ayaw ko na rin pag-usapan pa ang tungkol sa nakaraan. Ang sakit lang kasi maalala how my mind begged you to stay..” sumbat niya at hindi na rin napigilan ang emosyon.

“Yohan.. I was deeply hurt when I left you alone, I'm sorry kung wala akong kuwenta dahil hinayaan kitang masaktan pero hindi ko iyon ginusto.” Seryosong paliwanag ni Jino pero galit niya itong tinitigan.

“Kung hindi mo ginusto, bakit umalis ka pa rin? Don't you have decisions for yourself? Hindi mo alam how much it hurt when you effortlessly ended our connection, Jino. Parang tinapon mo na rin lahat nang pinagsamahan natin, pakiramdam ko tuloy walang kuwenta ang lahat nang iyon sa iyo!” masama ang loob niyang sabi bago ito tinalikuran at naglakad na.

“Kaya nga bumalik ako rito para maayos natin ’to, pero paano ko gagawin iyon kung sarado ang isip mo?!” giit ni Jino.

“Wow, at ako pa talaga ang sarado ang isip ngayon? Para saan pa ba ‘tong gusto mong ayusin?” tanong niya at hinarap ulit ito. “Bakit ngayon lang? Anong ginawa mo sa loob ng tatlong taon? Okay na ako e! Okay na okay na! Kaya p’wede ba, huwag ka nang um-epal ulit sa buhay ko!” sumbat niya bago tuloyang iniwan si Jino.

----

“Hindi ba kayo naiinip ni Richard dito?” tanong ni Jino nang maupo sa tabi niya kaya itinigil ni Basti ang pagpipinta.

“Hindi naman, marami naman p’wedeng gawin dito sa camp,” sagot niya. “Maganda pala rito ‘no? Parang napapamahal na nga ako sa lugar na ‘to e,”

“Puwede ka naman bumalik anytime.
You know sometimes, it's not just the place that makes us come back.. It's the people, the memories and the things we've gathered together in this place. Sa totoo lang, natutuwa ako na nakilala ko kayo, dahil nagkaroon ako nang pagkakataong balikan ang lugar na ‘to.” Nilingon niya si Jino at seryoso itong tiningnan.

Camp Taboc - BL Story Where stories live. Discover now