“Condolence, anak. Hindi na kami nakapunta sa Canada dahil marami pang aasikasohing papeles bago makalipad doon..” sabi ng kanyang ina nang yakapin siya paglabas sa arrival area. Mapait namang ngumiti si Jino bago humiwalay at niyakap din ang ama.“Maayos naman po ang naging libing ni Emma. Inasikaso ko po lahat nang dapat asikasuhin at nag-usap na rin po kami ng magulang niya bago ako umuwi rito,” paliwanag niya.
“Kawawa naman si Emma, napakabata pa niya at hindi pa man lang kayo nakabubuo ng pamilya kinuha na agad siya ng Diyos..” malungkot na sabi ng kanyang ina kaya napabuntong hininga rin si Jino.
Isang buwan na ang nakararaan nang mamatay si Emma dahil sa lupus. Hindi niya alam kung bakit imbis na makaramdam nang lungkot ay parang nakawala pa siya sa hawla. Mahigit tatlong taon din silang nagsama sa Canada, dahil sa kahilingan ng mga magulang nito sa mga huling sandali nito sa mundo.
Nang lumabas sila sa airport ay sumalubong sa kanya ang simoy ng hangin na parang nagpawala sa bigat ng kanyang kalooban. Sumakay sila sa sasakyan at dumeretso sa restaurant para mananghalian bago umuwi. Sa totoo lang, sobrang saya niya dahil sa wakas ay nakabalik na ulit. Masaya silang nagkuwentuhan habang kumakain at pagkatapos ay gumala saglit bago umuwi dahil gusto na rin niyang magpahinga.
Umidlip muna siya habang na sa biyahe at nagising na lang nang maramdamang pinaparada na ng kanyang ama ang sasakyan sa loob ng bakuran nila. Bumaba silang tatlo at nagtulong na sa pagbababa ng mga gamit.
Pagpasok nila sa bahay ay parang bumigat muli ang pakiramdam niya sa hindi malamang dahilan. “Magpahinga ka na muna sa kuwarto mo anak, gigisingin na lang kita mamaya kapag kakain na,” tumango siya at dinala ang luggage sa itaas.
Nang buksan ang kuwarto ay bumungad sa kanya ang maaliwalas na loob. Naupo siya sa malambot na kama at tinitigan ang picture frame nila ni Yohan sa wall. Parehas silang nakangiti sa larawan, masaya at mukhang walang problema.
Habang tinitingnan iyon ay may kumislot sa kanyang dibdib. Muli niya na namang naalala ang masayang pagsasama nila noon ni Yohan.
“You know, I have created so many dreams in this place.. Thank you for taking me to this paradise,” sabi ni Yohan habang nakalubog ang mga katawan nila sa malamig na tubig ng batis. Kinabig niya naman ito at niyakap. Nakatalikod ito sa kanya at parehas nakaharap sa mga nagtataasang puno sa tabi ng batis.
“Gusto ko palagi kang masaya, saka ito lang ang lugar kung saan malaya tayo.. Do you want to live in this place?” tanong niya sa kasintahan.
“With you? Of course! I want to build a camp here and make myself a volunteer para maturuan ang mga bata sa lugar na ito,” he smiled because of admiration. Napakaselfless talaga ni Yohan at walang ibang gusto kung ‘di makatulong sa mga nangangailangan.
Kay Yohan lang siya naging komportable at sumaya, they became supporters and each other's lean kaya unti-unti niyang tinupad ang pangarap nito. He asked the natives to help build huts at humingi ng permiso at suporta sa gobyerno para sa gagamiting lupa na pagtatayuan ng camp.
“Magmeryenda na muna kayo,” ipinatong ni Yohan sa lamesang kawayan ang minatamis na saging bago siya nilapitan. Pinunasan nito ang kanyang pawis habang nagpupukpok ng kahoy para sa ginagawang sahig.
“Tama na muna iyan, baka pagod ka na. Lalong umiinit ang paligid kapag pinapawisan ka e,” he teased at ngumiti kaya lumabas ang magagandang ngipin ni Yohan. He admire him, not just his handsome face but his love for him and dedication to help the people in camp Taboc. Hindi niya inaasahang mahuhulog ang loob niya rito at magkakaroon sila nang malalim na pagsasama.
YOU ARE READING
Camp Taboc - BL Story
RomansaAfter his boyfriend and cousin cheated on him, Liam met Basti in Seoul South Korea. He trusted that guy and getting drunk but woke up alone and naked on bed. After the unexpected happened, he looked for his best friend until he found Yohan in Legazp...