C H A P T E R 11

73 9 1
                                    


Napalingon si Basti at nakita si Yohan, tumango sila sa isa't isa bago ito naupo sa tabi niya at binigyan siya ng isang beer in can.

“Happy birthday nga pala, pasensiya na kung hindi tayo nakapag-celebrate. Masyado tayong naging busy ngayong araw, pero hayaan mo babawi na lang kami,” paliwanag ni Yohan at tinungga ang laman ng hawak nitong beer in can.

“Okay lang, masaya naman akong nakasama kayo rito. Maraming salamat nga pala,” ngumiti lang ito at nakipag-fist bump.

“Teka, binati ka na ba ni Liam?” tanong nito pero umiling siya. “Hindi niya siguro alam. Kumusta naman kayong dalawa?” pangungulit ni Yohan pero hindi niya ito sinagot. Ilang saglit pa ay naramdaman niya na lang ang pagtapik nito sa balikat niya.

Inubos lang nito ang natitirang beer at tumayo na. Ilang saglit pa ay tumayo na rin siya at pabalik na rin sana sa kubo nang matigilan siya. He saw Liam standing in front of their hut, he's wearing a yellow jacket. Pamilyar iyon sa kanya but he focused more on Liam. He can't help but smile and continued walking to approached him.

“Bakit hindi ka pa natutulog?” tanong niya.

“May ibibigay lang ako,” inilabas nito sa likuran ang tinatago roon. His starry, starry night painting. He seriously stared at Liam while wondering nang iabot nito ang painting sa kanya.

“Bakit mo binibigay sa akin?”

“I'm returning it to the real owner,” Liam said and smiled bitterly at him.

“Pero okay lang sa akin. It's a gift from your Parents Liam, so I can't accept it.” Nag-aalala niyang tanggi.

“Isang misunderstanding ang nangyari, kaya please.. Basti. Kunin mo na, nalulungkot lang ako kapag pumapasok sa isip ko ang tunay na kuwento ng painting na 'to.” Tumango na lang siya at tinanggap ang painting kay Liam.

“Sigurado ka ba? Pero alam kong mahalaga 'to sa iyo,” paniniguro niya. Tumango naman si Liam at tipid na ngumiti.

“Salamat. Good night, Basti. Happy birthday..” He greeted me with a smile and was about to turn around but he immediately stopped Liam.

“Can we talk?” nakipagtitigan muna ito nang ilang segundo bago tumango. Naupo silang dalawa sa kawayang sahig sa balkonahe ng kubo at isinandal muna ang painting bago nilingon si Liam.

He will never tire of staring at him, as he plan their future in case he formally confess tonight. He cleared his throat para makuha ang atensyon nito. Nang tumingin sa kanya si Liam ay wala siyang ibang nagawa kung ’di ngumiti kahit na parang gustong magwala ng puso niya sa sobrang kaba. First time niya itong gagawin at hindi siya sigurado sa magiging sagot nito kahit pa sinabi nito noon na gusto siya nito.

“Liam..” humugot siya nang malalim bago seryosong tumitig sa kausap.

“I'm an impatient person. Siguro kung wala ka, hindi na rin ako nagtagal pa sa lugar na ‘to. But you made my stay here meaningful. Sa tingin ko, hindi sa ganda nagiging paraiso ang lugar na ‘to. Nagiging paraiso ito because of the person who makes me happy, at ikaw iyon, Liam.” Saglit siyang tumigil sa pagsasalita habang nakatitig pa rin sa mukha nito.

“Hindi ko na matandaan kung kailan ko unang naramdaman na gusto kita, but from the time I met you in Seoul until I returned home, there are sleepless nights because I didn’t even get your number and blame myself for being that stupid. Ilang buwan mo rin ginulo ang isip ko, before I accepted that I would never see you again until.. until I came to this place at noong unang beses kitang nakita rito sa camp Taboc habang nakikipag-away kay Yohan, I knew that my stay here would be meaningful.”

Camp Taboc - BL Story Where stories live. Discover now