01

37 1 0
                                    


"Thank God nandito kana Joyce,  alam mo lagi nalang akong nalelate sa shift ko sa cafe dahil sayo eh!" bungad ko ng pumasok sya sa loob ng resto para pumalit saakin.

"sorry na Liv,  promise mas aagahan ko pa next time" paglalambing niya at niyakap ako.

"ano nanaman bang ganap at natagalan ka na naman?" tanong ko at napabuntong hininga siya.

"yung professor kasi namin sa science hindi kami pinalabas ng klase hanggat hindi namin na solve yung sinulat niya sa board, nakakainis" sagot niya at tumawa nalang ako.

"sige na malelate na talaga ako, basta agahan mo bukas baka malagot ako kay Sir Brando kapag na late ako bukas may event kasi kami sa cafe" saad ko at nagmadaling tumungo sa pintuan dala dala ang mga gamit ko.

"ang dami mo naman kasing trabaho eh!  matuto ka kasing maging stick to one" pahabol niyang sigaw at tumawa.

"Tangina mo!! kailangan ko lang kasi ng perasobrang daming pera" dagdag ko at tuluyan ng umalis.

"baliw talaga iyon,  halos mamatay na kakatrabaho pero nagagawa pa ring ngumiti" -Joyce

Natawa nalang ako dahil sa pang-aasar ni Joyce sakin kanina sa resto,  pero heto ako ngayon halos mahimatay na kakatakbo para lang hindi ma late sa isa ko pang trabaho dun sa cafe,  malapit lang naman pero dahil kapos na ako sa oras kinailangan ko nang tumakbo.
Pumasok ako agad sa cafe at dumiretso sa counter habang hinahabol ang hininga ko.

"hulaan ko, late nanaman yung pumalit sayo dun sa resto kaya hingal na hingal ka ngayon?" bungad saakin ni Ethan na kasamahan ko sa trabaho dito sa cafe.

"sinabi mo pa! nagkaproblema kasi sa school kaya natagalan siya" sambit ko at isinuot ang uniform ng cafe.

"lagi nalang ata siyang nagkakaaberya eh! apektado ka tuloy" saad niya at inayos ang buhok ko.

"nasanay na ako sa kakatakbo tuwing papasok ako ditowala namang bago eh!" saad ko at tumawa.

"patay nandyan na si Brando,  trabaho na tayo." tugon niya habang nagmamadali.

"Olivia!! magtrabaho kana" sigaw ng boss namin na si Sir Brando.

"Yes po sir" tugon ko at tumingin kay Ethan tsaka ngumiti.

"puro nalang  kayo chismis diyan ni Ethan, tsaka alam ko din na malapit ka na naman ma late ngayon." tugon niya habang nakasimangot.

"sorry po sir,  ngayon lang po ito hindi na mauulit." sagot ko at ngumiti.

Nang matapos ang shift ko sa cafe ay agad kong kinuha ang mga gamit ko at nagpaalam sa boss ko pero napahinto ako nang biglang humarang si Ethan sa exit.

"hatid na kita,  break ko pa naman tsaka dala ko yung extra helmet ko" pag-aaya niya at ngumiti.

"hindi na, may dadaanan pa kasi ako bago ako dumiretso sa parlor, salamat nalang" tanggi ko at lumabas ako sa cafe.

"bibili ka ng gamot nohpara sa mama mo?" pahabol niyang tanong kaya't napalingon ako sa kanya at tumango bilang sagot. "ingat ka" dagdag niya at tumalikod na ako.

Huminto ako sa kanto at sinuot ang hoodie ko dahil nilalamig ako at nagpatuloy na rin sa paglakad.

Naging routine ko na to sa araw-araw,  papasok ako sa resto ng 9 am hanggang 2 pm, then diretso na agad sa cafe ng 2:30 pm until 8:30 ng gabi tapos bibili ng mga kailangan ni mama at ihahatid ko tapos trabaho na naman sa parlor bilang taga linis ng 9:30 ng gabi, sa parlor na rin ako natutulog kasi maglilinis na naman ako sa umaga mga 6 am bago sila magbukas.

Nakatira ang mama ko sa bahay ng tita ko since hindi siya nakakalakad at hinahatid ko nalang ang mga kakailanganin niya kung day off ko or kung may oras ako, busy lang talaga kasi akong tao kasi nag-iipon ako para sa mga needs ni mama at sa plano ko na bumalik ulit sa pag-aaral bilang kolehiyo.




A/N:

Yun na po yung chapter 1 sana po nagustuhan niyo and please comment some suggestions if you have and I hope na nakilala niyo na ang ating main character na si Olivia at ang buhay niya as a Part timer, so thank you so much again for choosing to read my story and sana tutukan niyo pa ang mga susunod na chapters...


-LoveLots
-thatRedLady

Philophobia (Magenta Series 01)Where stories live. Discover now