Olivia's POVIts almost 11 pm pero kinailangan kong pumunta sa kusina dahil nauhaw ako...
...actually hindi talaga ako makatulog kaya bumaba ako.
habang kumukuha ako ng tubig ay may narinig ako sa garden kaya dahan dahan ako nagtungo sa bintana para silipin kung anong nangyayari at laking gulat ko na makita si Averyl at Axel na nasa garden.
Lumipat ako ng puwesto para mas marinig ko ang pinag-uusapan nila at baka masagot na nito ang mga katanungan ko.
"gagamitin mo talaga siya? Averyl naman!" Bulyaw ni Axel at ngumisi si Averyl.
"Mahal mo siya! kaya napagtanto ko na hingin ang tulong niya at salamat naman sa diyos at pimayag siya" sagot ni Averyl.
"tumigil kana, hindi na magbabago ang isip ko kahit si Olivia pa ang pumilit saakin." Saad ni Axel.
"Talaga? sige subukan natin iyang pride mo tignan natin kung hanggang saan iyan tatagal" sambit ni Averyl.
"Delikado kasi ang alok mo, maapektuhan ka kung hindi maging maayos ang proseso nito" saad ni Axel at naglabas ng mga papel si Averyl.
"Nagpacheck na ako Axel, walang mangyayaring masama saakin tsaka wala ka bang tiwala kay Carlo at Cheska?" Sigaw niya at napabuntong hininga si nalang si Axel.
"Kaya ko pa naman ehh! maayos pa ako" saad ni Axel habang nakahawak sa dibdib niya.
"Fuck you Axel, Cancer ang kinakalaban mo!" Sigaw niya ulit at umiyak.
Natigilan ako ng marinig na may cancer si Axel, nagmadali akong tumayo at dahil sa pagmamadali ay natabig ko ang baso kaya't nabasag ito at napansin kong nagmadaling pumunta si Axel saakin.
"Olivia, anong ginagawa mo dito?" Tanong niya habang pinupulot ang mga bubog na nagkalat sa sahig.
"n-nauhaw kasi ako kaya bumaba ako para kumuha ng tubig...pero papaakyat na ako ulit" paliwanag ko at huminga ng malalim.
YOU ARE READING
Philophobia (Magenta Series 01)
RomanceIn any kind of romance both characters really fall in love at the end of the story but what if the other half is suffering from a serious fear? Will love still prevail? or will they set aside intimacy and just become strangers until the end? Olivia...