Chapter 3

6 1 0
                                    

Austin fetch me in our house. Naliligo pa lang ako no'ng marinig ko ang pagdating ng kanyang sasakyan. Nakita ko siyang nasa sala kausap ni Mama nang pababa ako ng hagdan. Napatigil ako sa paglalakad at napatitig sa kanya. He's wearing a navy blue polo that folded up to his elbow, pair of it is a maong pants and leather shoes. Nakaayos ang maiitim niyang buhok na minsan niya lang ginagawa kaya mas nakadagdag iyon sa pagkagwapo niya. Oh my, he looks so freaking hot! Bakas din sa mukha niya ang saya dahil sa lawak ng ngiti niya.

Napangiti ako nang may maalala. Matutulog na sana ako kagabi nang makatanggap ako ng text galing kay Austin. Sinabi niyang nasa bahay na raw ang kotse ko kaya bumaba ulit ako para tignan kung totoo ba. And yeah, he's right. Maayos na nakaparada ang kotse ko sa aming garahe. Nagpasalamat ako sa kanya and he replied to me saying 'You're very much welcome, baby. Sleep now and don't vigil. I'll fetch you tomorrow morning.' Hindi ko alam kung bakit parang nagwala ang kaloob-looban ko sa mga oras na iyon. Ngayon ko lang napagtantong napakasweet pala niya. Sa sobrang sweet niya gusto ko tuloy siyang kainin.

What the hell is that last sentence, Camilla?

Halos mapatalon ako sa pagkakagulat nang makarinig ako ng tikhim mula sa baba ng hagdan. Nang tignan ko ay si Austin. Naramdaman ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi nang maalala ang iniisip ko kanina. Kainin? Bakit ko ba naisip iyon? Mukha bang pagkain itong si Austin? Ipinilig ko ang aking ulo para mawala iyon sa aking isipan. Nagpatuloy na lang ako sa pagbaba hanggang sa nasa harapan na ako ni Austin. He offered his hand so I took it.

"Are you okay?" Sinipat niya pa ang noo at leeg ko.

Para akong napaso nang lumapat ang kamay niya sa aking leeg. Napaatras ako ng kaunti dahil sa naramdamang boltaheng parang kuryente na nagkalat sa kasulok-sulokan ng aking katawan. Ano ba ang nangyayari sa akin? Hindi naman ako nakakaramdam ng ganito tuwing hinahawakan ako ni Austin noon. Despite the awkwardness I'm feeling, I strained myself to look at him.

Nagtataka akong napatingin sa kanya. "H-Ha?"

"Namumula ka."

"Wala 'to."

Pinakatitigan niya ako. "Sigurado ka bang wala kang nararamdamang masama?"

Masama ba ito kung sabihin kong parang kinakapusan ako ng hininga dahil malapit siya?Na naiilang ako sa mga titig niyang ganito? At sa nagwawalang puso ko noong marinig ko ang pag-aalala sa kanyang boses? Siguro nga lalagnatin lang ako nito.

"Pwedeng dumito na lang tayo."

Umiling ako. Ayokong manatili dito sa bahay na nandito si Austin baka kung ano na naman ang itanong nila Mama tungkol sa amin ni Austin.

"I'm just okay, Austin."

Lumapit ako kay Mama na nakatingin lang sa aming dalawa ni Austin para humalik sa kanyang pisngi.

"Nasaan si Papa?"

"Nasa kanyang opisina."

"Hindi pa bumaba para kumain?"

"Tapos na kanina. He just go upstairs when Austin arrived."

Napataas ang isa kong kilay. Pinaninindigan talaga ni Papa ang pagkaayaw niya kay Austin? E, ang pagiging malandi lang naman nito ang inaayawan niya. Sinabi sa akin ni Papa kagabi na responsable at maalaga raw ang una niyang impression kay Austin. Pero noong sandaling landiin daw ako nito sa harap-harapan niya ay doon nag-init ang kanyang ulo. Aniya'y malandi na nga raw ito kahit may ibang tao, paano pa kaya kung kaming dalawa na lang? Napailing-iling na lang ako habang mahinang natatawa. Naalala ko kasi ang pagkairita sa mukha ni Papa noong nagkausap kami kagabi. Pagkairita na para kay Austin.

Montenilla Series 1: Giddy Palpable  Where stories live. Discover now