Chapter 5

6 1 0
                                    

"Camilla."

Ang katok mula sa pinto ang nakapagpagising sa akin mula sa mahimbing kong pagtulog. Hindi ko na lang sana iyon papansinin nang muli na naman tawagin ang pangalan ko ng kung sinong nasa labas ng kwarto ko.

Inis akong bumaba ng kama at tinungo ang pintuan.

"Camilla,"

"Eto na!"

Si Ate at ang anak niyang si Clyde ang bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto.

"Good morning, Tita pretty!" masiglang bati ni Clyde kaya napangiti ako.

I slouch to level my face to him and kissed him on his cheek. 

"Good morning, too, baby. What brought you here? Why so untimely?"

He just pointed Ate Steph as if saying that it was his mother on purpose why they're here.

Tumayo ako at humarap kay Ate. "Bakit, Ate?"

"Pwede ko ba muna ihabilin sa'yo si Clyde?"

"Sure. But why?"

"You know, second honeymoon."

Napatanga ako sa sinabi ni Ate. Parang ako ang nahiya sa sinabi niya.

"Matagal na talaga namin 'to plinano pero-"

"Okay, I'll take good care of Clyde." sabi ko para hindi na ituloy ni Ate ang sasabihin. 

"Paul and I are both busy lately kaya medyo hindi na kami active sa sexli-"

"Ate! God, you don't have to explain any longer!"

"And I think it's about time para sundan na namin si Clyde, malaki naman na siya-"

"Ate, just go!"

Natatawang nagpaalam si Ate sa kanyang anak at umalis na. Hindi pa rin ako makapaniwalang sinabi 'yon ni Ate sa harapan mismo ng kanyang anak! He's just a kid for god sake tapos maririnig niya ang ganoong usapan?! 

"Did you eat already?" tanong ko kay Clyde nang nasa loob na kami ng kwarto. 

"Yep," he said popping the 'p'.

Kinuha ko ang IPod ko na nasa night stand at inabot iyon kay Clyde matapos kong i-unlock. Para naman may pagkaabalahan siya. 

"Give me a minute or so, Tita is still sleepy. I'll just go back to sleep."

"Okay."

"Just wake me up if you need anything, alright?"

He nodded. "I will."

Lihim akong napangiti. Ang iksi sumagot.

Nahiga ako at bumalik ulit sa pagtulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal naka idlip nang maramdaman kong may tumatapik-tapik sa akin.

"Tita pretty, I'm hungry."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata at ngumiti kay Clyde. 

"Okay, I'll cook for you."

Bumaba kami at nagtungo sa kitchen para magluto ako. Wala ang mga katulong dahil pinapayagan ang gustong umuwi dahil weekend naman. Ang ibang naiwan dito ay baka nagsisimba dahil iyon naman ang gawin nila tuwing linggo. Si Papa at Mama naman ay baka nandoon din. Minsan akong sumasama sa kanilang magsimba pero hindi ngayon dahil hindi ko na sila naabutan.

"Naabutan niyo ba kinana sila Papa Lolo mo nang dumating kayo kanina?" tanong ko kay Clyde habang nagluluto ako ng bacon. Nasa island counter siya at nakaupo sa isa sa mga stool doon.

Montenilla Series 1: Giddy Palpable  Where stories live. Discover now