Chapter 6

9 1 0
                                    

Nagpunta kami sa isang botique na para sa mga bata para bumili ng damit para kay Clyde. Sinamahan ko siya sa fitting room para isukat ang damit, nang kumasya naman sa kanya ay hindi ko na pinahubad at iyon na lang ang ipinasuot. Babayaran na lang mamaya.

Pumunta ako sa counter para bayaran ang damit. Kinuha ko ang wallet ko sa loob ng aking bag nang ako na ang sunod.

"Ma'am, nabayaran na po ng asawa mo."

Natigil ako sa pagkuha ng credit card na nasa wallet sa sinabing iyon ng babaeng nasa likod ng counter. Nakakunot noo akong napatingin sa kanya.

"Ha?" taka kong tanong.

"Nabayaran na po kanina ng asawa mo."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Asawa?"

"Siya po." May itinuro siya sa likod ko kaya napatingin ako roon. Si Austin na naghihintay sa akin, kasama si Clyde.

The heck?! Napagkamalan pang mag-asawa!

"Hindi ko siya asawa." nakangiwi kong sabi sa babae nang bumaling ulit ako sa kanya.

Nang matapos ako makipag-usap sa babae ay lumapit na ako sa kung nasaan sila Austin saka sila niyayang lumabas sa botique. Naka akbay sa akin ang isang braso ni Austin habang ang isa naman ay gamit sa pagkarga niya kay Clyde dahil nagpabuhat ito.

Naglalakad kami papuntang movieworld nitong mall dahil gustong manuod ni Clyde nang may itinuro siya sa likod.

"What is it, baby?"

"Ice cream! I want ice cream!"

Nilingon ko ang tinuturo niyang stool ng ice cream.

"I'll just buy an ice cream. Hintayin niyo na lang ako rito."

Tumango lang naman si Austin. Pinuntahan ko ang kinaruruonan ng stool na nagbebenta ng ice cream at bumili. Pagbalik ko kina Austin ay nakaupo na sila sa upuang naroon habang nag-uusap.

"... and Tita pretty said she doesn't like fried rice because whenever she's eating fried rice, she feels like going to vomit." Ang nagkukuwentong si Clyde ang naabutan ko nang makabalik ako.

"She's weird, isn't she?"

Austin chuckled. "Nope. She's unique."

Natatawang tumabi ako ng upo sa kanila dahil sa pinagsasabi ni Clyde.

I pinched Clyde's cute nose. "Ano na naman 'yang ikinukuwento mo, ha?"

He shook his head repeatedly. Nanlalaki pa ang mga mata niya na parang gulat na gulat na makita ako. "Nothing."

"And now you're lying, huh? Gusto mo bang magalit si Tita?"

"No. I just tell Tito buddy your likes and dislike."

"Uh-huh? I heard you call me weird."

He bowed his head, guilty. Nilaro-laro niya pa ang maliliit niyang daliri. "It's because you don't like fried rice... I'm sorry, Tita."

Hindi ako nagsalita, pinipigilan lang ang pagtawa.

"Are you mad, Tita pretty, because I called you weird?" Hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

I smiled sweetly. "I am not. I think your Tito buddy is right, I'm unique." Inabot ko sa kanya ang binili kong ice cream. "Here's your ice cream, baby."

Maliwanag ang mukhang nag-angat siya ng tingin sa'kin, saka ngumiti pagkakita ng hawak kong ice cream.

"Let me." ani Austin. Kinuha niya ang ice cream sa kamay ko at iniumang iyon sa bibig ni Clyde.

Montenilla Series 1: Giddy Palpable  Where stories live. Discover now