Chapter 2

100 5 0
                                    

Nagbihis na ko sa damit ko kanina at inaantay ko nalang si Mia. Sa sobrang inip ko ay pumasok ako ulet ng aunction hall para kunin yung kinita ko. Asan na ba yung mahaderang bakla na yon? Tanong ko isip ko. Sa kakahanap ko sa manager ng kumpanya ay nasa gilid lang pala sya ng counter, nagbibilang ng yaman.

“ Hi manager, Pauleen De Castro. Yung sweldo ko po?” sabay pakita ko ng palad.

“ Hmp? Sino kang punyeta ka at ang kapal ng mukha mo magpakita saken.” sabay kunsimidong tumayo ito sa harap ko at nakapamewang.

“ Excuse me? Uulitin ko pa ba? Baka nabingi ka lang. Pauleen De Castro, ang babaeng maganda na naka aunction ng 50 million.” sabay flip ko ng hair.

“ Hmm ikaw ba?” sabay lapag ng 50,000 pesos sa harap ko. “ Eto na at umalis ka na” at umupo sya ulet.

“ 50 thousand lang? Wala pa to sa kalahati ng naipundar ko ah?” nagtataka kong tanong.

“ Wag ka nang umangal, Sino ka ba para tulungan ko?” masungit na nagbilang tong baklang to. Hay napaka-attitude talaga. Mabilis kong kinuha ang 50 thousand pesos at inilagay sa maleta ko na maliit.

Mayamaya ay lumabas na ko ng Aunction Hall. Haaaaa! Magnanakaw! Pigilan nyo! Tili ng isang baklang akala mo ginahasa. “ Excuse me miss.” binangga pa ko ng monggol na'to.

Sumakay na sa elevator ang magnanakaw at nasa tabi ko ngayon ang mahaderang bakla nakatingin saken. “ Bakit di mo pinigilan?” naiinis syang nakatingin

Tinarayan ko sya ng tingin at nakataas kilay ko syang tinignan “ Wag ka nang umangal, Sino ka ba para tulungan ko?” at agad akong sumakay ng sumunod na dalo ng elevator at naiwan syang highblood. Buti nga sa kanya! Taray na taray akong bumaba at bumalik sa kotse ni Mia.

Pagbalik ko ay nakikita ko si Mia may kahalikan na lalaki sa loob ng kotse. Kumatok ako ng pintuan ng kotse. “ Hoy sis? Ano yan?” mataray ko silang tinignan. Binaba ni Mia ang bintananng kotse.

“ Sorry sis! E kasi ang tagal mo. Nainitin kami ni Rafael.” habang inaayos ni Mia ang buhok nyang magulo.

“ Tss. Ang taong naiiwan sa kadiliman, nakakabuo ng bata.” mataray kong binuksan ang pintuan ng kotse ni Mia at bumaba si Rafael. Sumakay ako.

“ Tara na marami pa kong gagawin sa bahay.” at tumingin ako kay Mia na nagfl-flying kiss kay chicboy.

“ Hoy tara na! Masyado ka nang maharot sis!” inis kong sabi at agad nyang pinaandar ang kotse.

“ Nako Mia ha! Sinasabi ko sayo matuto ka sa nangyari sa ate ko. Maaga nabuntis kaya walang narating sa buhay.” kapit balikat ko syang sinermonan

“ Opo nanay” at tumatawa lang ito.

“ Tsaka ba't di mo sinabi na Prosti pala role don sa Aunction Party kanina” sabay ngumisi ako.

“ Papayag ka ba pag nalaman mo?” nakangiti lang sya na nagdra-drive.

“ Hinde. Hmm may point ka ha! Yan ba nag epekto na lumalaplap?” tanong ko sa kanya.

“ Hoy sis! Grabe ka ha! pero Oo yata hihi” maharot nyang sinabi

“ Nako Mia!” at parehas kami nagtatawanan sa kotse.

Kamusta kaya si Sir Pogi? Kakamustahin nya kaya ako?

A Bride In A Month [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon