Chapter 6

92 3 0
                                    

“ Sir, I think need po naten magkita bukas. Same time and same place. Pipirmahan ko na ang kontrata.” reply ko

“ That's great! Polly. Please do bring casual clothes of your. Meron ka nang gamit sa bahay ko.” he replied.

“ Salamat.” reply ko at nireply-an nya ako ng heart.

Nagblush ako ng slight at halatang chismosong nakatingin saken si Kian.

“ Hala? Sino yan Boyfriend mo?” sabi saken ni Kian

“ Wala ka na don!” sagot ko sa kanya at binagsakan sya ng pintuan.

Naasar ako kay Kian pero di ko na papalipasin to. Para kay Mama, kay Ate Pinky at kay Tonton. Wala nang paligoy ligoy pa.

6am ulet. This time may shampoo na sa banyo. Nagconcert nalang ako sa banyo. Kumanta ako ng kumanta.

I don't wanna be somebody
I wanna be me! be me!
I wanna be me me me

Siguro kung nakakagalaw tong mga bote ng shampoo at zonrox dito malamang nagsisipalakpakan na tong mga to.

Nagbihis na ako, plain red off shoulders, samahan pa naten ng pantalon at gucci bag. Saan ka pa makakahanap ng kasing ganda ko, diba?

Sasakay na sana ako ng taxi ng may humarang saken na dalawang lalaking naka-tuxedo at dala dala naman ang pink lamborghini. Itong si Mr. Kashiwazaki ba ay pabrika ng mga lamborghini at halos lagi nyang ginagamit yung brand na to iba-iba lang kulay? Natatawa kong iniisip sa utak ko habang nakasakay sa sasakyan.

Nasa café nanaman ako, Infairness nasa VIP lounge na ako ng cafè at di lang yon di ako pinagastos ni Mr. Kashiwazaki credit card pa talaga ng kumpanya niya ang ginamit nya para makakain lang ako.

Mayamaya ay dumating na sya dala-dala ang isang regalo. Nilapag nya ito sa lamesa.

“ Hi Angel, open your present now.” sabay ngiti saken. Nagblush ako ng sobra dahil ang gwapo ng mga ngiti nya.

“ U-uh” lumapit ako sa table lalo at binuksan ang box. It is the exclusive phone na pinagawa nya at halatang wala pang nakakagaya sa style nito. It is already has a moon fingerprint and case style. Di lang yon may Quad camera pa sa likod at harap for Groufie or long shot pictures.

“ Hmm ang galing, ang ganda” sabay ngiti sa kanya.

“ Wala bang kiss dyan galing sa asawa ko?” sabi nya na medyo namumula pa ang pisnge

“ M-mr. Kashiwazaki nagbibiro ka yata.” napakamot ulo akong namumula ang pisnge.

“ Angel, i won't pressure you kapag ayaw mo and stop calling me Mister. Masyadong formal and i'm your husband. Call me Hiro instead” sabi niya.

“ So eto na yung kontrata. May mga kondisyon ako habang tumitira sa bahay nyo.” nahihiya kong sinabi.

“ Sure, anything para sa asawa ko.” may paninindigan ren tong lalaking to ah.

“ Una, kailangan maintain ang pagpapagamot ng Mama ko” sabi ko

“ May sakit mama mo? Anong sakit?” tanong nya saken na parang bata na nagtatanong.

“ Leukemia.” malungkot kobg sagot.

“ Sorry to hear. Kuya Alex is a doctor, he can help you with your problem and the cost will be free dahil amin ang hospital.” sabi nya

“ Ganun ba? Okay. Pangalawa. Gusto ko may permanenteng trabaho si ate” sabi ko na medyo alanganin.

“ Ano bang natapos ng ate mo?” sabi ni Hiro

“ Nursing kaso tumigil sya at nagbuntis.” sabi ko sa kanya.

“ So your ate will take a bar exam and become your mother's personal nurse. Atleast sa ganon nababantayan ng ate mo lagi nanay mo pero sumesweldo paren sya.” at nakatingin sya saken.

“ Yun lang ang kondisyon ko, Ikaw meron ka pa bang sasabihin?” sabay higop sa kape.

“ Our wedding will start next month. You need to be pregnant in this year.” at nabuga ko ang kape na iniinom ko.

“ Teka! Teka! Parang nagmamadali ka yata dyan sa wedding na yan at lalo na pagbubuntis ko?” sabi ko na nagtataka.

“ Just do what i say, okay?” binigay nya ang kamay nya.

“ Uuwi na tayo.” he said at sumakay na kami sa kotse nya. We arrived at his home.

“ Hiro bakit di mo sinabi?” nakanganga kong sinabi

A Bride In A Month [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon