“ Teka anong ginagawa mo dito?” inis kong sambit sa kanya
“ Sorry na bebeluvs, alam mo naman na hilig kong gulatin ka e.” si Kian, bolerong slapsoil namen.
“ At ano nanaman hihingiin mo aber?” pagmamataray kong tingin sa kanya
“ Bebeluvs naman, gabing gabi na mainit paren ulo mo” pambobola nya saken
“ Nako Kian ha! Tama na pambobola, ano nanaman hihingiin mo samen slapsoil ka?” inis na sambit ko sa kanya
“ Slapsoil? Ano yung slapsoil?” nagtataka nyang tingin saken.
“ Slapsoil! Di mo alam? Hampaslupa. Ano na na kase hihingiin mo? ” inirapan ko sya.
“ Ah malunggay lang bebeluvs at 3 sili.” at agad kong binigay yung pangangailangan ng slapsoil na to.
“ Wala bang kiss dyan bebeluvs?” sabay nguso saken ni Kian
“ Manahimik ka nang slapsoil ka kundi ako mismo hahampas sayo ng malunggay na hawak mo!” at dinuro ko sya.
“ Sige bebeluvs, I love you!.” at flying kiss nya saken.
“ Che!” pagmamataray kong pumasok sa loob ng kwarto ko.
Nakahiga na ako at nakasuot na ang face mask ko. Nakatanggal na rin ang make up ko mula kanina. Di ko alam pero excited na ko makita si Mr. Kashiwazaki bukas.
6am nagising ako para magprepare sa sarili ko, kinuskos ko ang katawan ko, shinave ko naren buong balahibo ko sa katawan. Looks like we're having trouble, wala na kong shampoo. Di ko alam gagawin ko, nagpapanic ako sa loob ng banyo, 30 minutes na kong naghahanap ng shampoo kahit konti lang laman pero wala paren. Shit wala na akong choice. Kinuha ko ang safeguard na sabon at ginamit kong shampoo. Di bale nang dry basta mabango.
After 7 ay umalis na ako ng bahay. Suot suot ang pangmaldita kong outfit na fresh from ukay but wag kayong judger, this is prestige ukay. May tatak ba ng Hermes sa bag ko, Gucci sa damit ko. Well, expert ukay yata ako.
Nandoon na ako sa cafè na sinasabi ni Mr Kashiwazaki. Nag aantay na ko dito sa labas buti nalang may dala akong 500 pesos.
“ Hi miss! Can i take your order?” napatango ako sa punggok na babaeng tong nasa counter.
“ U-uhm? Coffee Machiato Expresso and isang donut.” syempre kabisado ko na yung order dito para safe ako sa bayarin at di ako mukhang mahirap.
“ Here's your order ma'am, that would be 146 pesos. Thank You and enjoy!” then binigay nya order ko.
Nakaupo ako sa mga couch sa labas. Tagal ni si Kashiwazaki ha. Napakamot ulo akong kumain ng donut. Mayamaya ay may bumaba sa black lamborghini. Obviously si si Kashiwazaki ang bumaba.
“ Miss De Castro. Sorry i'm late nagkaroon kase kame ng urgent meeting.” he seems very observant tinitignan nya ako..
“ M-miss De Castro, you are eating like a superstar pero yung phone mo?” he confusedly ask
“ Anong masama magtipid sa Nokia? Pamana pa yan saken ng Mama ko.” at inirapan ko sya. “ Late ka na nga, Inaartehan mo ko. Very unpleasant attitude of you.” i smirk.
He grab his phone and dial someone “ Hello, Ippa Company. Yes we would like an exclusive phone, yung very latest model ha at make sure na walang makakagaya ng style nung phone. I'll get it tomorrow.” then binaba nya.
“ Well, bukas mo matatanggap ang phone mo.” he said then opening his suitcase
“ Pero mister Kashiwazaki?” magrereklamo pa ko para kunwari humble.
“ No buts and ifs. Di kita pababayarin don't worry. Do you need some instant cash?” he ask
“ Yes i do. Sinong hinde gusto magkapera?” sagot ko.
“ Here, I'm gonna offer you this.” sabay bigay saken ng isang kontrata
“ Teka ano to?” nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.
BINABASA MO ANG
A Bride In A Month [Completed]
RomanceAt the wrong time and place. Aksidente naging prostitute si Pauleen " Polly" De Castro. She just want to pay her mother's debt in the hospital because of determination and hardwork, She handle the mistake she'd do. He met Hiro Kashiwazaki, a multi-b...