Chapter 3

95 6 0
                                    

Nagring phone ko at di ko inaasahan na text ang dumating. Nanlaki ang mata ko at hinarang ko kay Mia ang cellphone ko para mabasa nya. Agad syang nagmadali at nag-U turn sa may gilid.

“ Ate si Mama, nagsusuka na ng dugo.” text saken ni Ate. Di ko alam ang gagawin ko at nagpapanic ako sa nangyayari.

Nakarating na kame sa hospital at di na ko magtataka na inaantay kame ni ate Pinky sa labas ng room ni Mama.

“ Ate anong nangyari kay mama?” naiiyak akong lumapit kay ate.

“ P-polly.. Si M-mama.. Bigla nalang k-kase syang a-ano e.. S-sumuka.. Natutulang l-lang sya kanina.” sabi ni ate na medyo humahagulgol pa.

Agad akong pumasok ng Female ward at kung saan nandoon si Mama, nakikita ko na may sabit ng dugo sa kaliwa at dumadaloy ito papunta sa kanya.

“ Doc, Kamusta po si Mama?” naiiyak kong tinanong.

“ Apparently your mother has been worse. Kapag di naagapan ang pangangailangan nya ay anytime soon pwede na sya mamatay.” he bowed and excuse at umalis.

Tinitignan ko lang si mama at hawak hawak ang kamay nya. “ Ma! Lalaban ka ha! Bawal masamang damo sa impyerno. Mag aaway lang kayo don ni Papa sa langit e.” hinaplos haplos ko ang buhok nya.

“ Polly, andito na yung bill para sa blood transfusion ni mama araw araw.” at binigay ni Ate abg resibo saken.

“ 500 thousand pesos? Bakit ganon naman kalaki? Di bale na kailangan magpagaling ni Mama, gagawan ko nalang ng paraan.” naiiyak kong sinabi.

“ Ate 50 thousand pesos. Down mo muna para makasigurado ang mga doctor na nagbabayad tayo sa blood transfusion ni Mama” bigay ko sa maleta ko na naglalaman ng pera.

Mayamaya ay may nagtext saken. Unknown number. “ Hi is this miss Polly De Castro?”tanong ng messenger.

“ Yes, are you mister Kashiwazaki?” reply ko

“ Yes, can we meet tomorrow? 8pm sa may cafè sa greenhills?” he replied

“ Sure. See ya!” i replied.

Ubos na ubos na ang oras ko sa kakahanap ng trabaho. Di ko na alam kung saan kukuha ng pera para maibayad kay Mama. Nasa simbahan ako ngayon at nakaluhod.

“ Jusko. Wag nyo po muna kunin si Mama. Gagawan ko po ng paraan ang pagpapagamot nya. Sana po dinggin nyo po ang aking dasal. Amen.” at nagsign of the cross ako at nag iwan ng bente sa harap ng altar.

Niyakap ko si ate para makaalis na sa hospital. Kailangan ko magpahinga para bukas ay di na ko haggard. Dapat presentable ang mukha ko bukas kay Mr. Kashiwazaki.

Nakauwi na ko sa bahay at nagpaalam na kay Mia at nagpasalamat. Di ko nalang sya isasama sa private dinner na gagawin ko at baka atakihin pa si Mama dahil isang dakilang chismosa si Mia. Kukunin ko na yung mga delata sa taas ng Refrigerator namen at biglang may sumisitsit saken.

Psst!

At agad kong hinanap kung sino ang sumisitsit

Psst!

At nakita ko ang anino ng sumisitsit sa tapat ng pinto.

“ Teka sino ka ba!?” at galit akong lumabas ng pintuan.

“ Teka anong ginagawa mo dito?” inis kong sambit sa kanya

A Bride In A Month [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon