Chapter 5

89 6 0
                                    

" Teka ano to?" nanlaki ang mata ko sa nabasa ko.

" Read it first." he gave me his pen.

" Here lies the marriage contract of two officials and condition and terms of living together." pagbasa ko sa kontrata.

" W-wait? Gusto mo ko pakasalan?" nagtataka kong tanong.

" Actually, No. Gusto kita maging asawa ko. Maging ina ng mga magiging anak ko." he said to me while looking to me in the eyes.

" Napakahirap naman yata ng trabaho na ito sir." napakagat labi akong nakatingin sa kanya.

" This is already a privelege na makasama ako for the rest of my life at di lang yon ang kinabukasan ng magiging anak ko sayo will have assurance, ayaw mo ba non? Besides nakasaad sa contract na babayaran kita kahit magkano pa hingiin mo." naghalumbaba sya sa mesa

" Ano? Aarte ka pa?" sabi saken ni Mr. Kashiwazaki.

" U-uh pag iisipan ko muna. Hirap magdesisyon ng padalos dalos." napalunok laway ako sa mga nangyayari.

" Whatever, Miss De Castro. Tawagan mo nalang ako kung sakali magbago isip mo" he said then left. Para syang padabog na umalis.

Napakabit balikat akong umalis dala ang kape ko. Naglalakad ako sa hospital para bisitahin si Mama.

" Ate kamusta si mama?" kalmado kong tinanong si Ate.

" Mabuti naman, Alam mo Polly nakakain na sya kanina. Pinapasabi ni Mama na salamat raw at di mo sya pinabayaan." sabi ni ate na medyo naluluha.

" Ate, obligasyon ko si Mama. Obligasyon ko kayo, Kayo nila Tonton kase pamilya ko kayo." sabay hawak ko sa mga kamay ni ate.

" Polly alam mo, Sorry ha, wala akong silbe. P-promise babalik ko talaga lahat ng tulong ko sa inyo." naiiyak si ate

Niyakap ko si ate " Di na Ate, kase yung tulong ko. Tulong ko yon. Dito ka nalang. Siguraduhin mong maalagaan mo si Mama." sabay haplos sa buhok nya " Teka asan ba si Tonton?"

" Andon sa kapitbahay naten, Dun ko muna pinatulog. Walang magbabantay e" natatawa na sinabi ni Ate.

" Kaya pala walang maingay sa bahay" tumango tango ako.

" Sige na ate, uuwi na muna ako. Kailangan ko maghanap ng raket e." sabi ko at sabay lapit kay Mama.

Hinalikan ko si Mama sa noo, At kumaway naman ako kay ate at umalis na ng hospital.
Nakauwi na ako sa bahay at mukhang nandito nanaman ang slapsoil.

" Tonton! Bakit mo pinapasok ang slapsoil sa bahay ko?" inis kong banggit ng madatnan si Kian sa loob ng bahay.

" Bebeluvs naman, Di naman ako slapsoil ah?" sabay sumusubo ng champorado na tira kong almusal ko kanina.

Lumapit saken si Tonton at tumingin saken." Tita Pol, si Kuya Kyan po. Utos nya po na kuha ako lunggay."

Lumuhod ako para maabot at mahablos buhok ni Tonton " Dapat di mo binigyan Tonton kase slapsoil yan si Kuya Kian mo."

" Bawal na sapsoy sa bahay " sabay tawa ni Tonton. Napakacute na bata talaga ni Tonton.

Pumasok ako sa kwarto pero nakaiwan bukas ang pinto at dumungaw si Kian " Kamusta naman si Tita Jenelyn?" tanong ni Kian

" Buhay at kumakain pa, Gusto mo sumunod?" mataray kong tanong kay Kian.

" Nagtatanong lang e ba't kasi ang sungit mo?" parang batang naiiyak tong si Kian.

" Basta. Manahimik ka nalang." sagot ko nang may nagring sa cellphone ko.

Kinuha ko ang cellphone ko, Si sir Kashiwazaki.

" Polly, have you decided yet?" text ni sir.

" Sir. I think" pagtype ko. Ano kayang gagawin ko?

A Bride In A Month [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon