'Manyak'

99 0 0
                                    


Title: 'Manyak'

"Psst Jero, ilang inch ba yan?" Napakunot ang noo ng binata sa tanong ng babaeng kaharap niya, hindi naintindihan ang tanong nito.

"Huh?" Napatingin siya sa hawak niyang ruler.

"Ah ito ba--" inginuso ni Ciela ang baba niya kaya agad siyang napatakip dito.

"Gago ka," humagalpak ng tawa ang dalaga at tumakbo na palayo.

Napailing iling ang binata at nagpatuloy sa ginagawa.

*

"Jero, saan ka pupunta?" Napabuntong hininga ang binata nang makasalubong niya si Ciela at sabayan siya sa paglalakad.

"Sa pupuntahan. Bakit ba kase ang layo ng sakayan dito ng jeep?" Iritableng sagot niya. Kumapit naman si Ciela sa braso niya sabay bulong.

"Bakit ba kase kailangan mo pang sumakay ng jeep, kung pwede namang ako nalang yung sakyan mo?" Nanlaki ang mata ni Jero at hinatak mula sa dalaga ang kanyang braso.

"Tangina ka talaga Cie. Ang aga aga pinaiiral mo na naman yang kamanyakan mo." Ngumisi lang si Ciela at muling napatawa.

Tuwang tuwa sa laging nagiging reaksyon ng binata. Auto mura kapag nagugulat sa sinasabi niya.

*

"Iniirap irap mo dyan ha?" Mapanghamong tanong ni Jero kay Ciela.

Kanina pa kase tumitirik ang mata nito na para bang naiinis sa kausap.

"Pinapraktis ko lang patirikin yung mata ko. Para pagdumating yung araw na ikaw magpatirik nito, magaling na ako." Napasinghap si Jero sa narinig. Para bang napaka inosente niya habang binabanggit ang mga salitang iyon.

"Manahimik ka Ciela ha. Manahimik ka." Kalmadong sambit ng binata. Para siyang naiilang na ewan kahit madalas na siyang minamanyak ng dalaga.

"Ayoko nga manahimik," tumirik ulit ang mga mata nito kaya sinamaan siya ng tingin ng kausap.

"Dukutin ko yang mata mo." Pagbabanta nito.

"Dukutin ko yang ulo mo.." Napahawak sa sentido si Jero at halos hindi na makapagsalita.

"Sa baba." Napamaang nalang ang bibig niya at napatulala sa kawalan.

"Ano ba tong babaeng to? Tangina." Sa isip isip niya.

*

"Hoy Jero." Hindi na nagulat si Jero nang masundan na naman siya ni Ciela sa kung nasaan man siya.

"Ano na naman ba Ciela?" Naiinis na sabi nito. Hindi na siya natutuwa sa dalaga konting konti nalang at maitatapon na niya ito papuntang Mars.

"Pakurot nga ng utong mo. Bored ako." Nalukot ang mukha niya at ginulo ang buhok ng babae.

"Kurutin mo nalang yung sayo. Idadamay mo pa ako." Sabay silang natawa.

"Siraulo talaga." Bulong niya habang tinitigan ang babaeng kaharap niya.

*

"Gusto mo tikman?" Abala sa pagluluto ng adobo si Jero nang mamataan na naman niya ang babaeng hindi ata nagsasawang mangulit sa kanya.

"Ang alen? Yang adobo o yung labi mo?" Napatitig nalang siya sa kaharap niya at hindi nakapagsalita.

Matagal na siyang nagtitimpi sa babaeng to pero hindi niya magawang mainis.

Unti unti siyang lumapit dito habang nakatitig. Napahinto si Ciela nang icorner siya ng binata sa mga bisig nito. Napasandal ang dalaga sa lababo.

"W-what?" Sa unang pagkakataon, nailang ang dalaga sa ginawa ng binata. Gulat na gulat at halos tumaas baba ang dibdib sa bilis ng kanyang paghinga.

"Oh tignan mo, grabe kung manyakin mo ako sa mga salita mo." Ngumisi siya, natutuwa sa pagkailang ng dalaga.

"Pero etong simpleng paglapit palang sayo ng katawan ko. Para ka ng hihimatayin sa sobrang kabado." Napalunok ang babae at napapikit. Sa isip isip ay sana hindi ituloy ng binata ang binabalak na gawin.

Naglapat ang mga labi nila dahilan para mapatulala ang dalaga. Hindi makapaniwala.

"Isang manyak mo pa, baka hindi na ako makapagpigil at mabuntis kita." Iniwan ng binata ang dalaga na nakamaang ang bibig habang nakatitig sa kawalan.

ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon