Title: 'Walang kwenta'
"Secretary!" Napahinto ako sa pagc-check ng answer sheets nang bigla akong tinawag ng teacher namin.
"M-ma'am?" Tinaasan ako nito ng kilay at pumamewang.
"Asan na yung record ng scores ng mga kaklase mo?" Napatulala ako saglit at napakamot ng ulo.
"Ahh.. ehh. Hehe! Ma'am, ibibigay ko nalang po sa center. Ang dami ko pa pong hindi nachecheck-an e." Disappointed ang umukit sa kanyang mukha. Napayuko naman ako.
"Anong klaseng secretary ka ba? Hindi ba't kahapon ko pa yan pinapagawa? Yung project nyong buong section, naayos mo na din ba?" Natahimik ako. Nalimutan ko na punyeta!
"Ma'am, ano di pa e--i mean. Opo ma'am! Aayusin na namin hehe." Natatarantang sambit ko.
"Lagi ka ng lutang at wala sa sarili miss. Fix yourself! Marami ka ng hindi nagagampanan bilang secretary. I'm so disappointed! Walang kwenta." Gumuhit ang isang mapaklang ngiti sa aking labi habang pinagmamasdan ang guro naming palabas na ng classroom.
"Cess, may assignment ka sa science? Pakopya." Bulong ng kaklase kong nasa bandang likod ko.
"Sorry Vera, wala nakong oras para gawin pa yon hehe." Napaikot nalang ang mata niya at inilipat ang atensyon sa iba.
***
"Cessssss!!!" Napamulat ako agad at napabalikwas. Matapos marinig si mama ko, na nagsisigaw na naman. Puyat pa naman ako kagabi argh!
"Ma? Bakit po?" Kabadong tanong ko. Sobrang salubong na kasi ang mga kilay niya at halos hindi na maipinta ang mukha niya.
"Nasaan ang mga kapatid mo? Bakit tambak parin ang mga hugasin dito? Yung lalabhan, hindi nagalaw. Kahit manlang magwalis walis hindi nyo manlang nagawa! Nakahilata ka pa doon ha. Nakapagsaing ka na ba?" Tinitigan ko lang siya at halos hindi mawari kung anong reaksyon ang ma-ipapakita.
"Ma--" sinamaan niya ako ng tingin, nagulat nalang ako nang matagpuan ko ang sarili na nakasalampak sa may sulok. Hawak ang ulo dahil sa pagkauntog sa lamesa sa gilid.
"Napakawalang silbi! Puro pahirap. Ang dami ko na ngang problema, dadagdag ka pa. Jusmiyo bakit ba ako nagkaroon ng walang kwentang anak." Pigil ang luhang tumitig ako sa kawalan.
***
"Bessy, sobrang lungkot ko ngayon.. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pagod na pagod nako." Pag hagulgol at pag iyak ang naririnig ko sa kabilang linya. Napabuntong hininga ako.
Best friend ko siya sa RPW. Madalas nagpapanggap lang siya na masaya kahit hindi naman talaga. Sinasabi niyang okay lang siya, kahit ang sakit sakit na.
"Cheer up! Everything happens for a reason. Wag kang mawawalan ng pag asa, pagsubok lang yan. Mas malakas at matatag ka pa dyan!" Sinubukan kong palakasin ang loob niya. Para akong nadudurog habang naririnig ko yung mga hagulgol niya.
I want to hug her. Kaso nakakalungkot lang isipin na hindi pwede e. Malayo siya para yakapin ko. Malayo siya para patahanin ko.
Napakawalang kwenta ko talaga kahit sa pagiging kaibigan haha.
***
Pasado alas dos na ng madaling araw pero heto't gising na gising padin ako. May pasok pa ako mamayang alas singko at wala na akong balak matulog pa.
Wala akong ibang gustong gawin kundi tumulala sa dingding, habang inilalabas ang mga luhang madalas kong pinipigilan.
Kung inaakala nilang mukha akong masayahin at matatag. Nagkakamali sila, mahina talaga ako.. at hindi talaga ako malakas--nagpapanggap lang na malakas to be exact HAHAHAHA.
Sa simpleng masasakit na salita lang, umiiyak nako. Mga mababaw na dahilan, iniiyakan ko na agad.
Mabilis akong masaktan, at mapagod. Ganyan ako kahina.
Bakit ganon?
Bakit sila nanghuhusga agad ng hindi nalalaman yung buong kwento?
Paano nila nasasabi ang mga iyon ng hindi iniisip ang mararamdaman ko? Sabagay WAHAHAHAH Wala nga pala silang pakialam jusko.
Nakakapagod ding gawin yung mga bagay na nababalewala lang.
Yung mga efforts na parang hangin kung ituring lang. Alam mo yung pakiramdam na, ginawa mo naman na lahat ng makakaya mo.. pero hindi parin sapat?
Ano kayang pakiramdam ng ipinagmamalaki? Anong pakiramdam ng pinupuri ? Anong pakiramdam ng pinapahalagahan?
Gusto ko ring maranasang maipagmalaki ng kahit sino. Yung makita nila yung efforts ko. Yung makita nila yung mga ginagawa ko.
Gusto kong marealize nila na nagkakamali sila. Nagkakamali silang sabihan at iparamdam sakin na wala akong kwenta.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES
Short StoryOne shots. Written by: Dani_gonzaga Ps: Magkaka-ibang kwento ang nakasulat sa bawat pahina.
