Title: 'Pasko'"Hoyy! Magnanakaw! Tulong may magnanakaww!" Kapwa napatingin ang lahat sa babaeng nakaagaw ng atensyon nila. Bigla na lamang itong nagsisigaw.
Isang dalaga ang naglalakad sa kalsada nang mabangga siya ng magnanakaw. Napatitig siya dito at napataas ang kilay.
"Hayop ka! Lumayas ka dito. Wag na wag ka ng babalik samin! Hindi kami ang tunay na pamilya mo!" Napabuntong hininga ang dalaga nang makarinig na naman sa may kabilang dako.
December 25.. Hindi ba't pasko ngayon? Dapat ipinagdidiriwang nila ngayon ang pagkasilang ni Papa Jesus.
Pero bakit imbis na nagtatawanan, heto't sila ay nagsisigawan.
"Love naman, wag ka namang ganyan. Mahal na mahal kita--" isang binata naman ngayon ang pilit na sinusuyo ang kanyang nobya.
"Mahal? Mahal ba ang matatawag sa pagsisinungaling? You jerk, ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mong gamitin lang ako!" Tumutulo ang luhang sumbat nito.
Nasaan na ang bigayan , na napalitan lang ng sumbatan?
"AaahHh! Ano ba yan, juskoo." Naririnig naman ngayon ang kanya kanyang komento ng mga tao sa paligid, habang pinagmamasdan ang dalawang lasinggerong halos magsaksakan na.
Bakit sila nag aaway? Imbis na magmahalan.
"Mamaa! Gusto ko po nitong laruan ma." Pilit hinihiling ng batang babae ang kanyang ina palapit sa isang tindahan ng mga laruan.
"Manahimik ka nga dyan. Puro ka gastos!" Reklamo kaagad ng kanyang ina. Napanguso naman ang bata at natahimik.
Imbis na nagbibigayan, bakit namumuo padin ang pagdadamutan?
Ito ba? Ito ba ang paskong aming ipinagdidiriwang?
Ang paskong walang pagmamalasakitan.
Ang paskong walang pakialamanan.
Ang paskong walang pagkakaisahan.
Ang paskong walang pagsasaluhan.
Ang paskong walang kasiyahan.
At higit sa lahat.. ang paskong walang pagmamahalan?
Ganito na ba ang paskong minimithi ng lahat? Ganito ba ang paskong araw ng kanyang pagsilang?
Anong klaseng pasko ba itong matatawag? Kung wala rin namang pagsasamahan.
Walang tawanan at halakhakan.. Wala ring kasiyahang kaganapan.
Hindi ba dapat ay ang lahat ay nag aawitan?
Habang sa regalo ay nagpapalitan.
At di mawawala, pagngingitian.
Bakit hindi nalang kasalana'y inyong pagsisihan?
At sa pagpapatawad naman ay kanilang matutunan.
Mga pag aaway ay tigilan, sama sa kalooban ay kalimutan.
At iwan nalang lahat iyon sa nakaraan.
At sama samang pagsaluhan, diwa ng kapaskuhan.

BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES
Historia CortaOne shots. Written by: Dani_gonzaga Ps: Magkaka-ibang kwento ang nakasulat sa bawat pahina.