Title: 'Hindi ako'
"Good morning kraaaasss!" Napabalikwas ng bangon ang binata nang marinig niya ang pagbati ng dalaga.
"Hoy babae, anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong nito. Nanlalaki ang mga mata habang nakaupo lang sa kama. Umupo naman ang dalaga sa tabi niya't nagpa-cute sa harap niya.
"Hindi ka ba masaya na nakakita ka ng kyut . Sa paggising palang sa umaga krass?" Umikot ang mga mata nito, at napatikhim.
"Lumabas ka nga sa kwarto ko." Napanguso ang dalaga at nangalumbaba.
"Isa," pinanliitan siya nito ng mata .
"Dalawa," mas lalo pang lumiit ang kanyang mata. Hindi mawari kung bakit nagbibilang ang binata.
"Tat..lo?" Dugtong nito kung kaya't sumama ang tingin ng binata sa kanya.
"Labas na binibini." Seryosong utos nito. Padabog na umalis ang dalaga sa kama at naglakad patungong pinto.
"Sorry kung ginising kita. Ang tagal mo kase magising e! Kanina pa kaya ako naghihintay sa baba." Nakasimangot na sambit niya bago nisarado ang pinto at iniwan siya sa tahimik na kwarto.
"Ang kulit talaga, tsk tsk. Ang aga aga!" Napailing iling ang binata at bumangon na.
Narinig pa iyon ng dalaga , bago siya umalis palayo sa kwarto ng binata.
Hindi ako yung binibining gusto niyang makita, sa paggising niya palang sa umaga. Napangiti ng mapakla ang dalaga. Awit!
***
"Uy krass.. Taraaa! May papakita akoo." Napatigil sa pagsusulat sa kwaderno ang binata , nang sumulpot na naman sa harap niya ang dalaga.
Nagsusulat siya ng isang nobela, kaso dumating na naman ang babaeng ubod ng kulit na nagkakagusto sa kanya. Para itong kabute na bigla bigla nalang sumusulpot sa kung saan man siya magpunta.
"Ano na naman ba yon, binibini? Nakikita mong busy ako diba--" Hindi na siya nakapalag nang hilahin na siya ng dalaga patayo.
"Dali naaa! Tignan mo to hihi." Wala ng nagawa ang binata kundi magpahila. Alam niya kaseng hindi siya nito titigilan hangga't hindi siya pumapayag.
"Tadah!" Tinignan niya ng walang emosyon ang nasa harapan niya.
"Diba ang kyut ni mingming ko? Ni-ayusan ko siya at ni-bihisan mwehehe." Napabuntong hininga ang binata at tinalikuran siya.
"Hay nako , binibini." Naiwan naman ang dalaga na nalilito. May mali ba kong nasabi? Tanong niya sa sarili.
"Hmp:((" Nagcross arm ito at nakipagdaldalan nalang sa pusa.
"Ang sungit ng daddy mo mingming nuh? Pero kahit na ganon, lab na lab ko parin siya hehe." Kumamot ng ulo ang dalaga at hinaplos ang ulo ng pusa.
"Meow~" Napatawa ang dalaga at binuhat ang pusa.
"Hindi naman siya interesado sa mga ginagawa ko ih, hays." Malungkot na bulong nito.
***
"Gusto mo ng fries, krass?" Alok ng dalaga sa binatang abala ngayon sa pagbabasa ng libro. Kanina pa siya naiirita sa dalaga, na araw araw nalang nanggugulo sa kanya.
"No thanks," tipid na sagot nito. Kumibit balikat nalang ang dalaga at sumilip sa binabasa ng binata.
"I'm in love with my best friend?" Pagbasa pa nito sa pamagat ng librong binabasa ng binata.
"Yeah," mahinang sagot ng binata. Ngumuya-nguya ang dalaga at nagsalita.
"Patapos mo ng basahin yan, krass? Pwede pahiram?" Nakangiting tanong nito.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES
Krótkie OpowiadaniaOne shots. Written by: Dani_gonzaga Ps: Magkaka-ibang kwento ang nakasulat sa bawat pahina.
