Title: 'Katotohanan'
"Goodmorning ma'am! Sorry , na-late ako hehe."
"It's okay anak, malayo nga pala ang bahay mo. Pumasok ka na."
"Salamat ma'am!"
Nakakatuwang may guro akong handang intindihin kung bakit minsan nahuhuli ako sa pagpasok.
*
"Ma'am, hindi ko pa po tapos itong assignments ko. Marami kasi akong ginawa kahapon e. Pwede bukas nalang ako magpasa?"
"Sige lang, basta ipasa mo ha?"
"Yes ma'am!"
May guro din akong may mahabang pasensya at marunong umunawa.
*
"Sanaol maraming baon, pwede makahingi?"
"Ay sige lang HAHAHAH"
"Ayieieie salamat Dee!"
May mga kaklase akong manghihingi sakin sa maayos na paraan.
*
"Ms. Rosales! Okay ka lang ba? Lutang ka na naman."
"I-i'm sorry ma'am, marami lang pong iniisip."
"Care to share?"
"Okay lang po ako,"
"Sure?"
"Yes ma'am. "
Yung gurong inaalam kung anong dahilan kung ba't ako nagkakaganito.
*
"Pakihugasan naman ng pinagkainan namin beh. Ako naghugas kahapon e."
"Sige po atee!"
"Thanks,"
May ate akong nakikiusap na gawin ko yung inuutos nito, hindi yung naninigaw na parang galit sa mundo.
*
"Ma, may babayaran po ako sa school."
"Oh? Magkano ba yan, anak? Manghihiram nalang ako sa kung kanino."
"200 po ma. Nangutang na nga lang po muna ako sa adviser ko ng modyul e."
"Oh siya siya. Manghihiram ako anak, basta mag aral ka ng mabuti ha?"
"Oo naman mama!"
Isang inang handang gawin ang lahat para sa kanyang anak.
Ngunit parang may isang pitik ang nagpabalik sakin sa ulirat.
Sa katotohanang...
" Goodmorning ma'am! Sorry , na-late ako hehe."
"Late ka na naman?! Araw araw nalang. Puro ka kase katamaran, gigising lang ng maaga hindi pa magawa jusmiyo."
"Sorry po.."
"Sorry sorry, wag ka nga muna pumasok. Doon ka sa corridor!"
Nagpuyat ako sa paggawa ng mga research na pinapagawa niya. Tapos ganito lang ang maririnig ko mula sa bibig nito?
*
"Ma'am, hindi ko pa po tapos itong assignments ko. Marami kasi akong ginawa kahapon e. Pwede bukas nalang ako magpasa?"
"Eh ano kung marami kang ginagawa? May mga deadline naman yang mga yan. Ngayon na yung deadline nung sa subject ko, pero hindi mo ginawa? Be responsible!"
Yung guro kong hindi manlang naintindihan yung sitwasyon ko.
Kasalanan ko bang nagkasabay sabay lahat ng to?
*
"Anong ulam mo? Pahingi nga, di nang aalok ampota."
"Ahh--"
"Akin nalang to lahat ah? Gutom nako e."
"Pero hindi pa ako nag aalmusal--"
"Problema mo na yon."
Napabuntong hininga ako. Hindi rin maiwasan na mabully ako ng mga kaklase ko dito.
*
"Ms. Rosales!"
"Y-yes ma'am?"
"Lutang ka na naman, saang kalawakan na naman ba napunta yang utak mo?"
"S-sorry ma'am.."
"Kung pumasok ka lang para tumunganga dyan, wag ka ng pumasok ah? Napakawalang kwenta. Kung may problema ka, iwan mo muna yon sa bahay at wag mong dinadala dito ha? Focus!"
*
"Hoy Dee! Hugasan mo na nga yung pinagkainan namin. Porket hindi ka kumain, hindi ka na maghuhugas? Kahapon nga ako na naghugas e! Hindi yung hihila-hilata ka dyan na parang senyorita."
"Maghuhugas na po,"
Pagod ako galing practice sa school namin, ni-hindi na nga ako nakakain kase may projects pa akong gagawin. Tapos bubulyawan lang niya ako na parang senyorita ?
*
"Ma, may babayaran po ako sa school."
"Oh, ano na naman ba yan? Babayaran na naman?! Ang dami na ngang gastusin.. dadagdag ka pa!"
"Sorry ma."
Napayuko ako, I'm sorry kung pabigat ako mama ko.
Bakit kaya ganon? Bakit may mga taong puro nalang salita , nang hindi inaalam yung mararamdaman ng iba?
Bakit sila agad nagagalit at nanghuhusga nang hindi inaalam yung buong istorya?
Bakit hindi muna nila iniisip yung sasabihin nila.. bago makapanakit ng damdamin ng iba?
Hindi sa lahat ng pagkakataon ako lang yung iintindi sa kanila.
Nalulungkot , nasasaktan, napapagod din ako at namo-mroblema.
Matuto silang makiramdam, para hindi na makapanakit pa.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES
Cerita PendekOne shots. Written by: Dani_gonzaga Ps: Magkaka-ibang kwento ang nakasulat sa bawat pahina.
