•Naibigay ang pagkukulang•

4 0 0
                                        


Title: 'Naibigay ang pagkukulang'

"Ahh walang papa! Kawawaa." Napalipat ang tingin ko sa babaeng nakasabay ko sa paglalakad.

"Bakit hindi ka nagsasalita? Tapos parang parating malungkot ka. Dahil ba wala kang papa kaya nagkakaganyan ka?" Walang preno ang bibig at hindi maubos ang kaingayan kaiinsultong sabi nito.

Kumuyom ang kamao ko , nagpipigil ng inis.

"Kawawa ka naman Princess. Princess nga yung pangalan, wala namang haring handa siyang protektahan." Hindi na ako nakapag timpi pa at mabilis siyang sinunggaban at sinabunutan.

"Oo alam kong wala akong papa, pero bakit kailangan mo pang ipangalandakan ha?" Parang may kung anong kumirot sa puso ko nang banggitin ko lahat ng to.

Palagi nalang ganito. Kasalanan ko bang hindi ko nakilala ang papa ko?
"Dahan dahan sa pananalita, at baka matanggalan kita ng buhok tatanga tanga ka." may diing sabi ko. Kung pwede lang tanggalan ng buhok to sa sobrang gigil ko ay ginawa ko na.

"L-let go of me--" mabilis na umawat sa akin ang mga kasama niya kaya naman pabalibag ko siyang binitawan.

Inayos ko ang aking bag at tinignan siya ng masama. Gumanti naman siya ng matalim na titig at dali daling lumayas sa aking harapan.

Masyado niyang sinasayang ang oras ko! Tsk.

*

"Princess Lee, ano tong nabalitaan ko sa teacher at mga kaklase mo?" Napalunok ako atsaka napatitig sa mama ko.

Ang simpleng pagtaas
palang ng kilay nito, habang ang mga mata'y pinandidilatan ako ay parang gusto ko na agad tumakbo palayo.

Nakakatakot ang pagkakatitig niya na para bang anumang oras ay hahambalusin niya ako ng sandok na hawak niya.

"M-ma.." tanging naisagot ko. Gusto kong mangatwiran at ipaliwanag ang lahat ngunit sadyang nilalamon lang ako ng takot at kaba.

"Sinabunutan mo daw si Chelsea na anak ng kaibigan ng teacher mo?" Napayuko ako. Kahit ano pa man ang dahilan kung bakit ginawa ko yon, mali paring sinabunutan ko ang babaeng yon.

Pero kase hindi ako makapagpigil e!

"I'm sorry ma-mama." Nauutal na sambit ko. Hindi ako makatingin ng diretso at halos mapasinghap.

"Parehong pareho ka sa tatay mong napaka barumbado, magsama nga kayo!" Bulyaw niya at akmang hahambalusin ako ng sandok kaso mabilis na akong umilag.

Sasama talaga ako kay papa.. kaso aalamin ko muna kung sino at nasaan siya haha.

*

"Oh picture picture guys! Buong pamilya munaa." Magiliw na sabi ni Tita Joan hawak ang kanyang camera.

Andito kami ngayon sa 'Jed's Island' dito sa Bulacan. Nagbabakasyon at sama samang nagtatawanan.

Nawala ang ngiti sa labi ko habang tinitignan si tita Mich at ang asawa niyang si Tito Christ kasama ang tatlo kong pinsan habang pinipicture-an sila ng isa ko pang tita.

Hindi ko maiwasang mainggit..buti pa sila kumpleto, mabuti pa sila masaya't sama sama.

Kailan din kaya mabubuo ang aming pamilya?

"Cess, kayo naman. Tara dito ate Gina, oy ikaw Elaine at Althea lumapit na." Pilit ang ngiting tumabi ako kina mama. Para lang kaming nagc-class picture habang nakatingin sa kumukuha ng litrato.

We're not all close. Hindi kami madalas magpansinan, at walang pakialamanan haha.

"Compress! Compress!" Pinalawak ko ang aking ngiti at inakbayan ang mga kapatid ko ngunit napangiwi lang ang mga ito. Ang aarte ng mga bruhilda amp.

Isa rin sa pinapangarap ko na sana. Makuhanan kami ng litrato kasama ang buong pamilya ko.. Kasama si papa ko.

*

"Ma, marunong na akong bumuo ng rubjcs cube! Look at this--" napahinto ako nang makita ang walang emosyong tingin ni mama.

"Sabi ko nga, wala kang pake ma hehe." Kumamot ako ng ulo at muling ginulo ang rubics cube at tumalikod sa kanya.

"Alam mo Cess.." napaangat ang tingin ko sa kanya. Tulala siya sa kawalan na para bang iyon ang kanyang kinakausap.

"P-po?" Naiilang na sagot ko.

"Kung yang rubics cube, kaya mong mabuo. Kaya mo rin kayang buoin ang pamilyang meron tayo?" Wala sa sariling tanong niya. Napayuko naman ako at hindi alam kung anong dapat na maging reaksyon ko.

Paano nga ba mabubuo? Pa , asan ka na ba? Gusto kitang makilala, makausap, at makasama.

*

"Mula sa baitang 10 seksyon 'Jade', Princess Lee." Naririnig ko ang tugtog ng aming pagtatapos.

Kasabay ng pagtulo ng pawis sa gilid ng aking noo, ako ay naglakad sa entablado.

Kakatuwang ang sarap sa pakiramdam. Para akong nakaabot sa rurok ng aking pangarap.

Ngumiti ako sa mga gurong nakamayan ko matapos tanggapin ang aking diploma.

Salamat sa mga gurong walang sawang nagtuturo at nagdadagdag sa aming kaalaman. Mga gurong natitiis ang aming katarantaduhan at kakulitan.

Mga gurong naging pangalawa naming ina. Na nagbigay liwanag sa ilaw ng aming paaralan.

Sa mga kaklase kong puro kalokohan lang ang alam sa buhay. Sa mga taong nangutya, nang insulto at nang api sa akin.

Mga pagsubok na hindi ko akin rin palang malalampasan. Maraming salamat sa lahat.

Napatingin ako kay mama matapos naming ihagis ang suot sa aming ulo. Napangiti siya sa akin at inilahad ang mga braso.

Patakbo akong lumapit sa kanya at halos ibalibag ang sarili para bigyan siya ng isang napaka higpit na yakap.

"I love you ma. I love you so much!" Hindi ko mapigilan ang aking luha sa tuloy tuloy nitong pagpatak.

Kahit wala si papa ngayon sa aking pagtatapos. Masaya parin ako dahil may mama akong handa akong suportahan. Handang ibigay yung pagkukulang ni papa, kahit na madalas mainitin ang ulo niya.

Maswerte akong naging mama ko siya. At gagawin ko ang lahat para ako ay maipagmalaki niya.

ONE SHOTS STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon