"Hoy, kain na tayo!" pag aya ko sa mga kapatid kong abala sa paglalaro at pagdutdot sa kani-kanilang selpon.
"Yeyy kainan naa!" dali daling pumwesto si Eya na bunso kong kapatid sa harap ng hapag kainan at nag umpisa ng sumandok.
"Hindi ba usong magdasal muna bago kumain Eya?" pagpigil ni mama sa akma nitong pagkuha ng pagkain.
"Yan buti nga," natatawang pang aasar naman ni Elai na pangalawa kong kapatid. Napasimangot nalang si Eya at nagcross arm.
"In the name of the father and of the son, and of the holy spirit.." ako na ang nagpresintang maglead ng prayer habang tahimik na pinagkrus naman nila ang kanilang mga palad at pumikit.
"Thankyou Lord for the foods, amen." napapalakpak si Eya habang nakangiti at nag umpisa na ngang kumain.
"Damihan ang pagkain ah, nang hindi kayo nangangayat ng husto." bilin pa ni mama na pinagmamasdan kami sa pagsandok ng pagkain.
Nakita kong napadaan si Tita July na kasama rin namin dito sa bahay.
"Kain na din tita," pag aya ko sa kanya. Napatango naman siya at tinawag na din ang mga pinsan kong si Keiren at Kit na mga anak niya.
Masaya naming pinagsaluhan ang aming umagahan.
Kahit pa sardinas at tuyo lang ang aming ulam, para bang chicken joy ang inulam namin kung makita ang nagkikislapang mga mata at nagtatamisang mga ngiti.
*
"Ano yang ginagawa mo Ella? Project?" tanong ni Tita July na nakatayo na sa likuran ko. Busy kasi ako sa ginagawa kong portfolio para sa english subject namin.
Sige sa pag design sa isang malaking notebook ng kung ano anong mga kaek-ekan.
"Ah opo tita, pwede patulong? Hindi kasi ako mahilig mag design design e. Ang daming alam!" reklamo ko, napapakamot na nga rin ng ulo.
Nasosobrahan pa ako sa paglagay ng glue jusme.
"Ako na nga ang bahala dyan pamangks. Ilibre mo nalang ako ng softdrinks at biscuit para naman ganahan akong tapusin yang portfolio mo." pabiro niyang kinuha ang mga hawak kong pangdesign at naupo sa tabi ko.
"Ay sige sige! Salamat ta, labyu HAHAHAHAHA" tinanguan niya lang ako at inumpisahan ng gawin ang portfolio ko. Naglakad naman na ako palabas ng bahay para bumili ng meryenda ni tita.
Madalas si tita talaga ang gumagawa ng projects ko. Magaling kasi siya sa arts, maging yung mga recycable na mga gamit nagagawan niya ng paraan para mapakinabangan. Merong mga magazines, cottons, yung balat ng itlog at kung ano ano pa.
*
"Sa isang pangaraaap~ Ako'y naniniwalaa~ Hindi ako titigil hangga't aking makakayaa~" napahagalpak ng tawa ang pinsan at mga kapatid ko.
Mukha ba talaga akong naghihingalong ipis kung umawit?
"Ako na nga dyan ate! Lumililim na ang kalangitan!" inagaw sa akin ni Elai ang mic at siya na ang bumirit.
"Unti unting mararating~ tagumpay ko'y makikita~ patuloy ang pangarap~" napapalakpak kami kahit pa napaka sakit din naman sa tenga ng boses niya. Napakatinis shemay!
"Kahit saan, kahit kailan~ Alam kong ako'y patuloy sa marami pang tagumpay~" itinaas namin ang mga kamay at marahang iwinagayway.
Animo'y nasa studio kami habang sinasabayang kumanta ang kumakanta sa harapan. Parang mga tanga haha!
Naalala ko pa nga na minsan na din kaming magsabay sabay sa pagligo ng mga pinsan at kapatid ko, tapos magcoconcert kami sa banyo. Saksi ang mga tubig, sabon, shampoo, timba at tabo sa mga kalokohan namin sa loob ng banyo.
BINABASA MO ANG
ONE SHOTS STORIES
Short StoryOne shots. Written by: Dani_gonzaga Ps: Magkaka-ibang kwento ang nakasulat sa bawat pahina.
