Ps:
Hi, handog ko pala ang update kong ito sa mga tiis ganda na nasa bahay nila. 🤭🥰😉 Kaway-kaway 👋👋👋Chapter 5
Nagising ako sa ilang katok sa labas ng aking silid. Tinatamad na bumangon ako at binuksan ang pinto.
"Magandang umaga ho, ma'am Brii. Pinapatawag na ho kayo ni Sir Dave sa baba para raw ho mag almusal." Sabi ng isang katulong na naka uniform na siyang kumakatok.
"Sige po ate, paki sabing susunod ako."
Magalang na tumango lang ito sa akin saka umalis.
Pagkaayos ko ng higaan ay pumasok na muna ako sa banyo para mag toothbrush at maghilamos ng mukha. Pinalitan ko rin muna ang nighties ko ng isang pambahay na short at damit. Saka sinuklay ang alon-alon ko na buhok at nagpulbo ng kaunti sa mukha.
Oh Shit! How can I get there in the dining area? Ang laki pala ng bahay na ito. Dapat pala pinaghintay ko nalang si ate. Ugh!
Kahit walang alam ay bumaba pa rin ako sa carpeted na hagdan. There I saw ate, yung katulong na gumising sa akin.
"Ate, pwede bang pakituro sa akin kung saan ang dining area ng bahay na ito?" Tanong ko rito pagkababa ko ng hagdan.
"Oho ma'am, sadyang hinintay ko ho kayo dito sa baba dahil sabi ni sir baka malito raw ho kayo kung saan yung hapag."
"Thank you."
The maid leads the way, sumunod naman ako rito. Bawat pasilyo ay tinandaan ko upang sa susunod ay hindi ko na kailangan magpaturo sa mga maid ni Dave.
Dave and Davvy's eyes set on me when I already enter the dining.
"G-Good morning." Untag ko sa magama na hindi ito tinitignan.
"Sit down." Narinig kong untag ni Dave.
Dave was seated at the corner, Davvy on his side, at ako naman ay sa kabila at kaharap si Davvy. Yaya Sheryl and Toby is also there, nakatayo ang mga ito sa isang tabi. Wari naghihintay na may ipaguutos ang mga amo nito.
"Lead the prayer, baby."
"Yes, Dad."
Habang nakapikit si Davvy at umuusal ng panalangin ay napapatitig ako sa magandang mukha nito. She is so pretty at hindi ko maiiwasang titigan ito sa mukha.
Well. May magandang lahi ang ama niya, may magandang lahi rin ang ina. So, malamang sa malamang na maganda ang kanyang kalalabasan.
"Amen." Bumuka ang mata nito na deretsyo na nakatuon sa akin. "Hmp!" She then gives me a sullen glance.
Malditah talaga. Hmm.. Just take it easy Brii, bata lang 'yan at huwag pansinin.
Gusto kong matawa sa behaviour na pinapakita ng bata sa akin. I didn't give her my smile, instead, I winked at her na mas ikinairita lang nito sa akin. I just sit normally at my chair hindi ko sinusulyapan si Dave. Iyon ay dahil ayokong ipakita sa kanya ang medyo namumugto ko paring mga mata.
I let them first to get their food. Hindi muna ako gumalaw, ni hindi ko rin ginagalaw ang pinatimpla ni Dave na kape na para sa akin.
"Get your food." Untag nito nang matapos lagyan ang anak nito ng pagkain sa pinggan.
Tahimik ko namang sinunod ito. I get some small amount of fried rice, hotdog and tapa. Sobrang konti lang ang kinuha ko kaya alam ko na napatingin sa plato ko si Dave, I didn't bother at hindi ko ito pinansin.
"What do you want to do today, Davvy?" Tanong maya-maya ni Dave pagkatapos nitong kumuha ng pagkain nito.
"Since we have no class today, I want to swim in our pool, Daddy." Sagot ng bata sa ama nito habang ngumunguya ng hotdog.
BINABASA MO ANG
Beautiful Liar [Published]
RomanceWarning: Mature Content | Restricted | SPG | R-18