6: Shoot

26K 862 203
                                    

Chapter 6

Pagkatapos mag swimming ng halos tatlong oras ay umahon narin ang mag ama. Pinauna ko ang mga ito na umakyat bago ako.

After Dave warned me not to flirt with him ay hindi ko na nga ito pinansin pa. Kahit minsan ay hindi ko naman maiwasan ang mapatitig sa malapandesal na dibdib nito. Nayayamot parin ako sa kanya, hindi naman sana sa kanya ako nagpapapansin dahil gusto ko rin kuhanin muna ang atensyon ng bata. Para naman kahit papaano ay maayos na ang pakikitungo sa akin. Hindi atenyon niya ang hinuhuli ko, kundi sa bata.

Ramdam ko naman ang patingin-tingin sa akin ni Davvy. Everytime I dive, everytime I swim like a fish ay napapatingin ito sa akin. Kahit pa tinuturuan ito ng ama niyang lumangoy. Narinig ko pa ang usapan ng magama nang malapit ako sa gawi nila umahon.

"Daddy, marunong din s'ya mag swim at mag dive tulad mo. Pero girl lang s'ya."

When Davvy says that. Nagpatay malisya akong walang naririnig. I also ignore when Dave look at my direction.

"Yeah baby, she really knows how to Dive. From bottom to top. Like Daddy."

Sa tono ng pagkakasabi ni Dave ay parang iba. There is something like out of topic. O sadyang green minded lang ako sa mga oras na 'yon.

From bottom to top? Ano kayang ibig sabihin niya roon? 🤔

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba ako sa kusina. Nakigulo at nakialam ako sa mga ginagawa ng mga katulong na nagluluto ng pang tanghalian. Bored lang ako masyado kaya makikisalamuha nalang muna ako sa kanila.

Napapayag ko naman ang dalawang katulong na hayaan na nila akong tumulong sa kanila, I also assure them na huwag silang mahiya sa akin para hindi rin ako mailang gumalaw-galaw sa bahay na iyon. Alam kong nagtataka ang mga ito kung sino ako at alam ko rin na gusto nila akong tanungin. But then, they have no strength to ask me dahil naiilang sila sa akin.

Sila ang taga luto at ako naman ang taga tikim. Habang nagluluto sila ay busy naman ako sa pag gawa ng fresh smoothie strawberry flavour, fresh smashed strawberries and fresh veggie salad with shrimp. Tinry ko lang ang lahat na mga itinuro sa akin ni Klara, kung paano ang preparation at kung paano siya gawin na masarap ang kinalalabasan.

"Naku ma'am. Talagang matutuwa si Davvy diyan sa fresh strawberry juice na gawa mo. Paborito niya kasi yan e, pati yang strawberries na dinurog-durog ninyo. Nako paborito ng bata iyan. Tiyak maglulundag yun sa tuwa."

"H-Huh? T-Talaga?" Strawberry is also my favourite. Everything with strawberry flavour.

Parang hinaplos ang dibdib ko sa hindi ko maipaliwanag na tuwa.

"Nanay bebang. Mali ho, Strawberry Smoothie ho, at Smash strawberries 'yang ginawa ni ma'am Brii. Diba ma'am?" Sabi naman ni Elma.

"Nako, pareho lang 'yon Elma, pinaganda mo lang e," Untag nito sa isang katulong. "Alam mo ma'am, lagi talaga akong kinukulit ng batang iyon na gumawa ng ganyan e, hindi naman ako marunong. Tapos kinukulit rin niya si yaya Sheryl niya at ang ama na wala rin namang alam. Kaya si Davvy, nakuntento nalang na pinapapak 'yang strawberry sa ref. Kaya marami rin niyan sa ref e, minsan nabubulok pa. Sobrang paborito kasi ng bata 'yan."

"Oo nga ma'am Brii. Natatawa pa ako noong sobrang kinulit niya si Sir. Ayon gumawa si Sir at nag effort para sa anak niya. Pero hindi naman nagustuhan ni Davvy." Natatawa nitong kwento.

"I-Ito kaya, m-magustuhan niya 'to?" Nagaalangan kong tanong sa mga ito. "T-Tikman n'yo nga ho ito nanay Bebang, ate Elma."

Tumikim naman ang mga ito at nanlalaki ang mga mata ng mga ito.

Beautiful Liar [Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon