Ps.
Hi pala sa mga Silent readers na hot 🔥
Kaway-kaway 👋👐 😘Chapter 9
Marahan kong kinatok ang silid na nasa pinakadulo ng pasilyo. Kumatok ako dahil alam ko na sa mga oras na iyon ay nakatulog na ang bata.
Maya-maya ay may nagbukas niyon at bumungad si ate she.
"Ma'am Brii?"
"Tulog na ba si Davvy?"
Tumango ito sa akin. "Kakapikit lang ma'am, bakit ho?"
"Sisilipin ko lang sana. Pwede bang pumasok?" Tanong ko rito.
"S-Sige ho ma'am. Pasok kayo." At niluwagan nito ang bukas na pinto.
Sa aking pagpasok ay nakita ko agad ang ganda at laki na mala prinsesa nitong silid na kulay Pink at Peach and motif. Maraming laruan at iba't ibang klaseng Barbies at toys. Hanggang sa dumako ang paningin ko sa iba't ibang larawan nito sa iisang napaka laking picture frame na nakasabit sa wall. Tinitigan ko iyon at nilapitan ng bahagya. There I knew it was her picture since she's 1 month till 12 months old. Puro iyon naka bungisngis sa larawan.
I get my phone and I immediately captured her wonderful collages, while Ate she was busy arranging those stuff toys na nakasabog sa carpeted na sahig.
"Ma'am, pasensiya ka na huh? Makalat talaga si Davvy. Naglaro pa kasi siya bago tuloyan napagod at nakatulog."
Ipinasok ko kaagad sa aking bulsa ang cellphone at ngumiti rito. "No, it's okay. Natural naman sa bata ang makalat." Pahagyag ko rito. "Uhm, ate she. Ilang taon kana palang nagaalaga kay Davvy?"
"Simula isang taon pa si Davvy ay ako na ho ang nagalaga sa kanya, ma'am."
"Matagal na pala."
"Oho. Higit tatlong taon na." May ngiting tumitig ito sa bata. "Tutuosin, halos ako ang nagalaga sa kanya. Simula nang humahakbang palang siya, hanggang sa natutong tumakbo at magsalita si Davvy. Kaya sobra nang napamahal sa akin ng batang 'yan."
I feel glad to what I heard, at least, may maayos at napagkakatiwalaan si Dave na magaalaga kay Davvy. "Wala ho ba kayong pamilya?"
Bigla itong nalungkot at umiling. "Bata pa ho ako nang maulila. Napadpad ako rito noon sa manila at nagtrabaho. Nakapagasawa ako ng isang driver na nagtatrabaho sa company ni Sir Dave noon. Nag kapamilya, nagkaanak. Pero maaga silang kinuha sa akin ng may kapal noon." Bigla itong nalungkot sa ikinikwento nito sa akin. "Kaya nang naulila na naman ako. Lumapit at nag lakas loob ako noong humingi ng trabaho kay Sir. Tapos ito binigay niya sa aking trabaho. Ang alagaan ang unica ija niya." Kumislap muli ang mga mata nito. "Alam mo ma'am. Sobrong nagpapasalamat ako sa pamilyang ito. Kasi dahil kay Sir Dave at Davvy. Naging makulay muli ang buhay ko at unti-unti kong natanggap noon na wala na talaga ang magama ko, maging kontento nalang ako na alagaan si Davvy hanggang sa pag tanda ko."
Tumango-tango ako rito habang nakakaramdam ng pagkahabag. "Condolence ho, sa sinapit ng magama ninyo."
Ngumiti ito. "Wala na ho yun, ma'am dahil sa ipinagpasa-diyos ko na ang mga kaluluwa ng magama ko."
"So, kilalang kilala n'yo na ho pala ang magama, lalo na si D-Davvy?" Iniba ko nalang ang usapan at nang mawala na ang lungko ni ate she.
"Ay oo ma'am. 'Yun si sir Dave, wala akong masabi dahil sobrang bait n'yang tao, sobra ding mapagbigay sa aming lahat rito. Tapos 'yan si Davvy, mabait talaga 'yang batang 'yan ma'am. Pero sa iyo ho hindi. Ganyan kasi siya pag may nakikita siyang babaeng nakakasalamuha ang ama niya, lalo pa't katulad mo ma'am. Maganda. Ayaw niya ng ganun. Selosa kasi si Davvy. Gusto niya sa kanya lang ang atensyon ng Daddy niya."
BINABASA MO ANG
Beautiful Liar [Published]
Любовные романыWarning: Mature Content | Restricted | SPG | R-18