Chapter 4

261 24 26
                                    


Meanwhile;

"Spit it out," utos niya sa pinuno ng kaniyang pack warriors.

"Alpha, nakatanggap kami ng magandang balita," pagsisimula nito. Agad naman siyang napalingon dito at buong atensyon niyang hinintay ang sunod na sasabihin nito.

"Go on."

"Nahanap na nila Alpha Joseph kung saan dinadala ang mga babae,"

"At sa katunayan nga po Alpha pinapupunta niya tayo sa kanila para doon pag-usapan ang pagrescue sa kanila. Naroon na rin po ang ibang mga Alpha".

Napatango-tango siya saka tumayo mula sa kaniyang upuan.
"Tipunin ang mga pack warriors na kasama sa misyong ito".

"Opo, Alpha" yumuko pa muna ito bago lumabas sa kaniyang opisina. Bumaling siya sa kaniyang kaibigan at beta na nakaupo sa pang-isahang sofa.

"Ralph, stay here. Ikaw na muna ang bahala dito habang wala ako" tumango naman ito saka tumayo na rin.

Lumabas sila ng opisina at nagtungo sa labas ng pack house.
Nakalinya na ang mga pack warriors niyang kasama sa misyon ng maabutan ang mga ito.

Napangiti siya.

Habang nakatingin sa kaniyang mga tauhan ay mas tumaas pa ang kompyansa niyang magiging tagumpay ang kanilang misyon.

We'll rescue those women and kill those filthy rogues!

...

"Welcome to Bluemoon, Alpha Xandrix" bati sa kaniya ng Beta ng Bluemoon nang makababa siya mula sa kaniyang sasakyan.

Tinanguan niya naman ito.
"Alpha Joseph, and the other Aphas are in the office. They're all waiting for your arrival" Pagbibigay-alam nito sa kaniya. "This way, Alpha" nauna ito sa paglalakad sa kaniya habang nakasunod naman siya dito.

Nang makarating sila sa labas ng isang silid ay kumatok muna ang Beta bago sila pumasok.

Nagsitayuan naman ang apat na kalalakihan na nasa loob ng silid nang makita sila.

Sa tindig at aura palang na nakapalibot sa mga ito ay malalaman mo na ito'y may matataas na posisyon.
"Salamat naman at dumating ka rin sa wakas" halatang naiinip na sabi sa kaniya ni Alpha Joseph.

"Yeah, we're waiting for hours, man," pagsang-ayon naman ni Alpha Hunter at gano'n din ang reklamo ng dalawa pa nilang kasama.

Napailing-iling siya sa reklamo ng mga kaibigan niya.
"Thank you for waiting, I know you can't do this without me," nakangising sabi naman niya sa mga ito. Tiningnan naman siya ng mga ito ng masama.

"Ba't ba natin sinama pa 'tong ugok na'to? Di naman natin kailangan 'to," ani ni Alpha Jaxon.

Naglakad siya palapit sa visitor's chair ng kaibigan niya saka naupo doon.
"I beg to disagree, my friend but you'll be needing me in this mission," nakangisi pa rin niyang sagot sa sinabi nito.

"Boastful as ever," Alpha Joseph sighed. "Come on, we need to discuss the plan quickly before the auction start."

Naging seryuso naman agad ang mga kalalakihan habang nakikinig sa pagpapaliwanag ni Alpha Joseph sa plano nito.

Matapos ang pag-uusap ng apat na kinikilalang malalakas na pinuno ng pangkat ng mga lobo ay nagsisakay na ang mga ito sa mga sasakyan nila kasama ang ilang mga pack warriors.

Habang nasa byahe.

"Thalos, are you okay?" di niya mapigilang tanungin sa kaniyang lobo. Kanina pa kasi ito parang di mapakali sa sulok ng kaniyang isip at kanina pa siya kinakabahan sa di niya malamang dahilan.

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon