Chapter 14

113 10 2
                                    

Gabi na nang makatanggap siya ng text mula kay Alfredo na may laban siya ngayon. Kaagad na nagpalit siya ng damit at handa na sana sa pag-alis ng maalalang may kasama pala siya sa bahay.

Hindi niya alam ang gagawin, hindi niya kasi alam kung paano makisama sa ibang tao o lobo ng hindi niya ito pagbabantaan o pagpapakitaan ng kagaspangan ng kaniyang ugali.

Ano ba ang dapat niyang gawin?; magpapaalam ba siya ritong aalis siya o aalis na lang siya nang hindi nagpapaalam?

~~

Sa huli ay pinili na lamang niyang magpaalam dito.

Umuklo siya para gisingin si Xandrix, kahit na alam niyang nararamdaman nito kanina pa ang presensya niya.

"Xandrix," aniya habang tinatapik niya ito sa balikat.

Tumagilid naman ito paharap sa kaniya. Napatayo siya ng matuwid ng umupo ito.

Sinipat siya nito mula ulo hanggang paa. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.
"Saan ka pupunta? Bakit gan'yan ang ayos mo?" nagtatakang tanong nito.

"It doesn't matter where I am going. Gusto ko lang malaman mo na aalis ako" kaswal na sabi niya rito.

"Puwede ba 'kong sumama?".

"No!" kaagad niyang tutol dito. "Hindi ka puwede do'n".

Mas lalong kumunot ang noo ni Xandrix.
"Bakit naman?"

"Basta hindi puwede" may pinalidad na sabi niya.

"Bakit? Illegal ba 'yon para 'di ko malaman?" tanong ulit nito.

Pinaningkitan niya ito ng mata. Ano ba kasi ang mahirap intindihin sa sinabi niyang 'hindi pwede'? Bakit ang dami pa niyang tanong?

"Stop asking, Xandrix. It's not you're fucking business," inis niyang turan sa binata tyaka ito tinalikuran. Naiinis siya sa binata. She hate it when someone tries to meddle with her life.

I am trying to be nice to him. Hindi pa ba sapat na sinabi kong aalis ako?

Kaagad niyang sinuot ang helmet niya saka sumakay sa motorsiklo at pinaandar paalis.

"Stop pushing him away, Scarlet, you're hurting him," singhal ng kaniyang lobo.

Iningusan niya lang ito. E, ano namang paki niya sa lalaking 'yon? She only knew his name, she only meet him few weeks ago and they're not even friends. So, why care of his feelings? At sino siya para hayaan kong malaman ang mga bagay na ginagawa ko.

"Cause he's our mate, stupid".

"Oh, quit saying that word," naiinis na hinarangan niya ito sa kaniyang isip at nagpatuloy sa pagmamaneho ng kaniyang motor.

Napahinga siya ng malalim pagkaraan. Parang bumigat ang pakiramdam niya dahil nasinghalan niya ang binata. Bakit gano'n? Nagi-guilty siya sa ginawa. Nasasaktan siya sa tuwing sumisingit sa kaniyang isipan ang sinabi ng kaniyang inner wolf na nasasaktan si Xandrix.

Hihingi na lang ako ng sorry sa kaniya mamaya.

~~

Naghihintay na siya sa oras ng kaniyang laban sa isang sulok nang maramdaman niya ang pag-upo ng isang tao sa katabi niyang upuan. Isang napakabangong amoy  ang kaniya na namang nalanghap.

Naghurumentado na naman ang puso niya. That's smell of pine trees with a mixture of a man's perfume. He smells good.

"Hi," anang ng katabi sa mababang boses.

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon