Chapter 6

222 19 54
                                    

Huminto ang van na sinasakyan nila sa harap ng isang mataas na bahay na parang isang palasyo no'ng unang panahon. Buhat-buhat ni Alpha Xandrix ang kaniyang mate palabas ng sasakyan. Lahat ng mga naroon ay napahinto at lumapit sa naturang alpha.

People from his pack bowed their head as he walked passed by them. While their curious eyes glanced at the woman he's carrying. Ngunit wala ni isang nagsalita subalit ang kanilang mga lobo ay napaalulong sa kanilang mga isip na parang may alam silang bagay na koneksyon sa babae.

Pumasok ang kanilang Alpha sa pack house, nakasunod naman ang kanilang mga mata sa dalawa. Nang sumara ang pinto ay naging maingay ang mga naroon. Kaniya-kaniya kongklusyon at opinyon.

Samantala, nang makapasok si Xandrix sa pack house ay agad niyang tinungo ang sariling kwarto at doon naisipang pagpahingahin ang kabiyak.

Nanatili pa siya sa loob ng mahigit sa tatlumpong minuto para lamang pagmasdan ang babae. Ngayon niya lang napansin ang mga hikaw na nasa mga labi, ilong at sa kanang tainga nito.

Nalukot ang mukha niya sa nakikita.
"Bakit may piercing siya?" Ngunit mas nalukot pa ang kaniyang mukha ng makita ang tattoo sa leeg ng dalaga. Rosas ito na may matinik na tangkay.

She's undeniably beautiful, but he found himself distracted by her piercing and tattoos.

"It's really not appropriate for a lady to have these things. Especially for her. She looks more like a rebel than the sweet and loving kind of mate," he thought.

"Whatever you say. She's still destined to be ours," Thalos said, nodding in agreement, dispelling the thoughts that had occupied his mind earlier.

"Yeah".

Nang makontento na siya sa pagmamasid nitong matulog ay naisipan na rin niyang tumayo at umalis sa kwarto. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng kwarto saka naglakad pababa ng hagdan.

Naabutan niya naman si Ralph na komportableng nakaupo sa sofa. Lumingon ito sa kaniya ng may panunudyong tingin at ngisi sa mga labi.
"May nasagap akong tsismis" sabi nito. Napaarko naman ang kilay niya.

"Tsk, para sa isang lalaki, ang tsismoso mo" puna niya rito. Tinawanan lang nito ang kaniyang sinabi.

Naglakad siya patungo sa pang-isahang sofa at do'n umupo.
"Ano naman 'yang nasagap mo?" curious rin naman siya kung anong balita ang lumalaganap sa buo niyang pack kaya niya ito naitanong.

"Bali-balita na nahanap mo na raw ang mate mo" may pananabik na sabi nito. "Totoo ba?" nairita naman siya sa inaakto nito. Animo'y mas excited pa sa kaniya na makilala ang babaeng nakatadhana para sa kaniya.

"Bakit parang excited ka?" may himig na pagkainis na tanong niya na siyang nagpatawa sa kaibigan.

"What?"

"Pfft. Seloso ka pala, bro" tawa pa nito. "Huwag kang magselos nagmumukha kang 5 years old e"

Nangunot naman lalo ang kaniyang noo.

"Saka excited lang naman akong malaman kung magkakaroon na ba kami ng Luna" Pagpapaliwanag pa ni Ralph dahil mukhang ayaw nito sa mga naging sagot niya.

Pagkabanggit nito ng Luna parang nalusaw naman bigla ang inis niya.

Labis ang kaligayahan na nararamdaman niya mula ng makilala ang babaeng inilaan sa kaniya ng diyosa ng buwan. Kaya naman di niya maiwasang isipin ito. Nakakabakla man pero nakakaramdam siya ng kilig.

Sa wakas, makakasama ko na rin siya, mayayakap, mahahalikan, maangkin ng mag-dama--

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon