Chapter 21

98 8 3
                                    

"Hindi maaaring hindi maisakatuparan ang tradisyon, Alpha. Kailangan niya pagdaanan ang pagsubok na iyon," saad ni elder Elmar nang makaharap niya ito.

Xandrix sighed. Mukhang wala ng pag-asang hindi matutuloy ang seremonya ng pagtanggap.
"Bigyan niyo lang ako ng tatlong linggo," aniya. Kailangan niyang ihanda si Scarlet sa pagsubok na mayroon ang seremonya ng pagtanggap.

Ang seremonya ng pagtanggap ay isinasagawa kapag may rogue na nais na sumapi sa kanilang pack. Sa araw ng seremonya ipapasok ang rogue sa isang tunnel na puno ng mga trap. Ang mga trap na iyon ang susubok sa kakayahan ng rogue kung karapatdapat ba siya maging kasapi ng Moonstone. Kung may kakayahan siyang protektahan ang pack at kung mapagkakatiwalaan ba siya.

May mga nagtagumpay na rin sa pagsubok na ito ngunit mayroon ding natatalo at hindi na nakalabas pa ng buhay ng tunnel. Iyon ang ikinatatakot ni Xandrix. Napakadelikado ng mga pagsubok at nag-aalala siya sa kaligtasan ng kaniyang mate. Kahit pa ito ang magiging Luna ng kaniyang pack ay hindi makakaligtas dito. Isa pa ring rogue ang kaniyang mate, kailangan nitong pagdaanan iyon.

Alam niyang malakas at matalino ang kaniyang kabiyak, pero hindi iyon nakakabawas sa pag-aalala niya.

Ang Lolo niya, na dating Alpha, ang nagpagawa ng tunnel at lumikha ng ganitong seremonya. Dahil sa pangambang maulit na naman ang dinanas ng kanilang mga ninuno. Kaya naman bumuo ang naturang Alpha ng malakas na pack para hindi na muling bumagsak ang Moonstone.

Umiling si elder Elmar, "Hindi pupuwede, Alpha. Alam mong may banta sa ating pack, kailangan nating maghanda." The old man sighed. Tinapik nito ang kaniyang balikat. "Isang linggo. Isang linggo lamang ang maaari naming maibibigay na panahon para sa Luna." Pagkasabi niyon ng matanda ay nagpaalam na ito sa kaniya.

Nakatanaw lang siya sa likod ng lalaki habang iniisip kung paano niya masasabi kay Scarlet ang seremonya at kung paano niya masisigurado ang kaligtasan ng kabiyak sa loob ng tunnel na iyon.

Nakita niya si Ralph. Bumati ito sa matanda nang makasalubong nito iyon bago bumaling sa kaniya.

"Hey, Alpha," bati nito sa kaniya nang husto itong makalapit sa kinaroroonan niya. "Bakit ganiyan ang mukha mo?" puna ng lalaki, mukhang napansin nito ang pananamlay niya.

"They'll still gonna do it."

"Anong sabi ni Scarlet tungkol sa bagay na iyan?"

Umiling siya, "Hindi ko pa siya nakakausap."

"Xandrix!" Tili ng pamilyar na boses ng babae.

Sabay sila ni Ralph na napalingon sa babae. Nabigla siya nang talunan siya nito, wala siyang nagawa kung hindi saluhin ang babae.

Dahan-dahan niyang ibinaba ito at seryosong tiningnan ito.
"What are you doing, Lira?"

Nakangusong tiningnan naman siya nito.
"I just want to hug you."

He sighed. "You are special to me, Lira. You're my friend. But please understand that my mate is here," aniya sa kababata. "Ayokong ma-misunderstood niya, kahit ang mga nakapaligid sa atin, ang pagkakaibigan natin."

Tumikas ang isang kilay nito pero napabuntong hininga ng makita ang kaseryosohan niya. "Fine. I'm sorry. Na-miss ko lang ang kaibigan ko."

Huli na para mapigilan niya ito. Lumapat na ang labi nito sa pisngi niya. Iyon ang naabutan ng kaniyang mate. Bigla siya nakaramdam ng takot ng magsalubong ang kanilang mga mata. He felt like his girlfriend caught him cheating. Kaya naman wala sa sariling naitulak niya si Lira. Mabuti na lang naroon si Ralph at naalalayan agad ang dalaga bago pa ito mapaupo sa damuhan.

"Hi, babe," dali-dali siyang lumapit sa kabiyak at nanlalambing na niyakap ito mula sa tagiliran at hindi na inintidi si Lira.

Kunot-noo naman siyang tiningnan ni Scarlet. "What?"

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon