Bilog ang buwan nang gabing iyon. Puno ng mga nagkikislapang mga bituin ang madilim na kalangitan habang nakadungaw sa lupa na puno ng kaguluhan.
Isang lugar ang nagliliwanag hindi dahil sa kasiyahan kung hindi sa nag-aapoy na kabahayan na kakatapos lamang salakayin ng isang nilalang.
Iyak ng mga bata at mga kababaehan ang pumuno sa kaniyang tainga. Nayayamot niyang binalingan ang mga ito saka malalaking hakbang na nilapitan.
Walang awa niya itong pinagpapatay gamit lamang ang kaniyang mga pangil. Rinig sa buong kagubatan ang mga palahaw at pagmamakaawa ng mga ito. Ngunit parang bingi siya at hindi pinakinggan ang mga ito.
Tumataas baba ang kaniyang dibdib nang matapos siya. Malahalimaw naman na napangisi siya habang nakatunghay sa mga katawan na naliligo sa dugo. Nasisiyahan siyang makita ang mga bangkay sa harap niya. Isa na namang misyon ang kaniyang natapos. Siguradong masisiyahan ang kaniyang panginoon.
Umangat ang kaniyang tingin sa humaplos sa kaniyang mabalahibong ulo.
"Magaling, Eres, magaling," ngising saad ng lalaki sa kaniya.~~
Nasapo ni Scarlet ang ulo ng nagising siyang parang pinupokpok ng martelyo ang ulo niya.
"You're awake," masayang turan ng boses ng lalaki. Iminulat niya ang kaniyang mata at bumungad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Xandrix.
Kaagad namang nag-react ang puso niya. Nag-iwas siya ng tingin dito at sinuri ang kwarto.
Mabilis na bumaling siya ulit kay Xandrix.
"Bakit ako narito?" tanong niya rito nang mapansing naroon na naman siya sa kwarto na pinaglagyan sa kaniya ng masangkot siya sa werewolf trafficking.Lumamlam ang pagkakatingin nito sa kaniya at malungkot siyang nginitian.
"Noong gabing nag-collapse ka sa harap ko, kinabukasan no'n 'di ka na nagising kaya nataranta ako sa sobrang pag-aalala sa 'yo. I don't have a choice but to bring you here. Mas mapapanatag ako kapag nandito tayo," nabigla siya ng yakapin siya nito. Tumalon naman ang puso niya nang ibaon nito ang mukha sa leeg niya. "Don't scare me like that ever again, Scar," bulong nito. Ramdam niya ang pag-aalala nito sa higpit ng yakap ni Xandrix sa kaniya.Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang mga braso at niyakap rin ito pabalik. Ganito pala ang pakiramdam ng mayakap. Masarap pala sa pakiramdam. Ngayon lang kasi siya nakaranas na may yumayakap sa kaniya.
Simula kasi ng magkamalay siya sa mundo wala na siyang nakitang kabutihan at pulos panghahamak at panghuhusga lang. Her parents leave her in an orphanage with no apparent reason. People around treated her like some kind of trash. She may act like she doesn't care but it still wounded her deeply.
Hindi niya napansin na lumuluha na pala siya kung hindi pa umalpas sa kaniyang mga labi ang kaniyang paghikbi ay di pa niya malalaman.
Naramdaman niyang natigilan ang kayakap pero hinigpitan pa niya ang pagkakayakap dito para 'di ito makawala at makita ang luhaan niyang mga mata. Ayaw niyang makita siya nitong umiyak. Ayaw niyang kaawaan siya ng iba.
"Scar," may pag-aalalang tawag nito sa pangalan niya.
"Don't move, Drix. Just... j-just let me hug you, sandali lang," mahinang pakiusap niya rito.
"Okay," sabi nito saka niya naramdaman ang marahang paghaplos nito sa kaniyang likod.
Nanatili silang magkayakap ng ilang minuto hanggang siya na mismo ang humiwalay dito.

BINABASA MO ANG
MOONSTONE
WerewolfSurviving in a world teeming with criminals and cruelty is already challenging, but Scarlet's existence proved even more grueling. From the day she was born, Scarlet has been living a hellish reality. Fate played a peculiar game when it unexpectedly...