Chapter 10

172 18 9
                                    

A/N: 안 영  하 세ㅛ! Trying hard talaga akong mag-Korean😂

Kumusta Po kayo? Sana okay lang kayo at masaya. 😘

ENJOY!

"Congratulation, miss Fontanilla" rinig niya ang sarkasamo sa boses nito, habang madiing binabanggit ang salitang congratulation.

Hindi kasi nila siya napaalis sa pag-aaral sa academy. Hindi niya rin alam kung bakit. Basta ang sabi lang nila sa kaniya na mismo 'yung may ari ng paaralang pinapasukan niya ang nagsabing 'wag siyang paalisin. Bigyan lang daw siya ng mga task para makahabol sa na-missed niyang lesson.

Para siyang nabunutan ng tinik sa nangyari. Mabuti na lang talaga di siya napaalis kundi maghahanap na naman siya ng bagong paaralang mapapasukan. Ang hirap pa naman maghanap ng school na tatanggap sa kaniya kalagitnaan ng taon ng pasukan.

Matapos ang mag-hapong klase nila ay agad siyang nagtungo sa isang lugar na ibinigay sa kaniya ni Alfredo gamit ang bagong bili niyang big bike. Kinontak niya kasi ito kanina. Mabuti na lang at hindi ito nagbago ng numerong ginagamit. Nabalitaan niyang naglipat daw ng lugar ang lalaki para ipagpatuloy ang negosyo nito.

Babalik na ulit siya sa trabahong naiwan niya. Kailangan na kasi niya ng perang magagastos. Kailangan na naman niyang mag-embak ng mas marami pang pera.

Pagkarating niya sa lugar ay naabutan niya ang isang abandonadong gusali na sa tingin niya ay dating ospital. Pa'no niya nalaman? Dahil sa sign na nakalagay entrance nito.

Ang pagkakaiba nga lang nito ay may mga lalaki na malalaki ang mga katawan ang nakabantay sa labas ng pinto ng building.

Mukhang nakikilala siya ng mga ito dahil hindi siya nito sinita nang dire-diretso siyang pumasok ng gusali.

Hindi niya maiwasang mamangha sa ganda ng loob nito. Kung sa labas aakalain mong hunted ang building pero sa loob aakalain mo namang nasa isa kang hotel. Nakakamangha kung paanong sa maikling panahon ay naging ganito agad ang itsura nito. Iba nga siguro talaga kapag madami kang koneksyon.

Mas maganda pa ito sa unang gusali na pinagdadausan ng mga laban nila noon.

...

"Welcome, my favorite fighter to our new home!" masiglang bati sa kaniya ni Alfredo ng makapasok siya sa opisina nito.

Tinanguan lang niya ito saka umupo sa bakanting upuan. Mula sa taas ay kita niya ang isang malaking hawla na yari sa bakal. Sa labas naman nito naroon ang mga manonood. Lahat mga mayayaman at walang habas na pumupusta ng limpak-limpak na salapi sa taong sa tingin nila ay mananalo. Naghihiyawan ang mga ito habang pinapanood ang dalawang nilalang na naglalaban ng patayan. Walang pakialam sa buhay na nawawala basta para sa kanila ang mahalaga ay ang perang napapanalunan nila.

Ngunit Wala siyang magagawa. Ganito ang buhay na mayroon siya. It is a survival of the fittest. She has to kill to be able to survive.

She doesn't even know why she still wants to live. Kahit pa nga ito ang matagal na niyang gustong mangyari. Pero bakit ngayon, parang may pumipigil sa'kin?

"Want some?" napabaling siya Kay Alfredo ng marinig niya ang boses nito. May hawak itong bote ng alak at inaalok siyang uminom.

"No thanks" tanggi niya saka ibinaling ulit sa baba ang kaniyang tingin.

Natapos ang laban at katulad ng madalas mangyari, bali-bali ang buto at puno ng pasa ang natalo. Hindi nga lang sigurado kong humihinga pa.

Nang ianunsyo ang pangalawang maglalaban ay saka naman may kung anong amoy siyang nalanghap.

Napapikit siya sa sobrang bango niyon. Then something stirred inside her when the sweetness of it gets closer and closer.

Napamulat siya ng maramdamang may nakatitig sa kaniya.

Pagtingin niya sa baba, sa loob ng hawla, nagtagpo ang kanilang paningin ng lalaking matiim na nakatitig sa kaniya. Hindi niya masyado makita ang buong mukha nito dahil sa mask na itim na suot ng lalaki. Tanging ang mga itim lang nitong mata at buhok nitong green ang nakikita niya rito.

Simula hanggang sa kalagitnaan ng laban ay hindi maalis ang kaniyang tingin sa lalaki.

"Silver" tawag ni Alfredo sa kaniya pero hindi niya ito narinig dahil okupado ng lalaking may kulay green na buhok ang kaniyang buong atensyon.

"Silver" pag-uulit uli ng lalaki pero di pa rin siya nito pinansin.

Kaya naman ay nilapitan niya ito at tinapik sa likod.
"Hoy!"

Nagulat naman si Scarlet ng may maramdaman sa likod niya. Tumingin siya sa likod at nakita niya si Alfredo.
"What?"

"Ayos ka lang?" umupo ito sa isa pang upuan sa tabi niya "bakit natulala ka dyan?" tumingin ito sa baba pagkatapos sa kaniya ulit.

"I'm fine" tinignan niya ulit ang dalawang naglalaban saka nagtanong sa kasama "Who is he?"

Agad namang nakuha ni Alfredo kung sino ang kaniyang tinutukoy.
"Ahh, bagong pasok. He call himself Lycan" sagot ng lalaki.

"Pa'no niyo naman na-recruit?" di niya mapigilan ang sariling magtanong tungkol sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit interesado siya sa lalaki.

Nagkibit-balikat ito.
"Ewan, ni-recommend lang sa'kin. Tinignan ko kung pa'no siya lumaban. Naggalingan ako kaya tinanggap ko na,"

"Saka kumukunti na kayo kaya naghahanap ako ng mga bago".

...

Hanggang sa matapos ang laban at ito ang nanalo ay nanatiling dito siya nakatingin.

Nang mawala na 'to sa paningin niya saka siya tumayo at naglakad palabas. Nagtungo siya sa baba, sa kwarto kung saan naroon din ang iba ring mga fighter katulad niya. Nandoon kasi ang iba't ibang armas na pwede nilang magamit sa laban. Ayon na rin kay Alfredo na siyang nagsabi sa kaniya. Gamit ang isa niyang sense ay agad niyang nahanap ang lugar na iyon.

Kinuha niya ang paborito niyang sandata, kutsilyo at dagger. Habang naghahanda para sa kaniyang laban dama niya ang titig ng bawat taong naroon sa kaniya. Para itong mga mababangis na hayop at handang sagpangin ang kaniyang prey.

Sa kanilang trabaho walang magkakaibigan. Lahat kalaban ang turingan.

Napatigil siya sa pag-aayos ng dadalhin niya ng muli niyang maamoy ang mabagong aroma na kanina lamang ay kaniyang nilalanghap. 

Ibinaling niya ang kaniyang ulo pakaliwa kung saan doon nanggagaling ang amoy na iyon.

Naroon nga ang lalaking may kulay berding buhok na naka-mask. Nakahilig ito sa pader malapit sa pintuan, nasa mga bulsa nito ang mga kamay habang matiim na nakatitig sa kaniya.

Naglakad siya habang nakatingin pa rin sa mga ng lalaki. Nang malapit na siya sa pinto ay nag-iba siya ng direksyon at nilapitan ito. Tumigil lamang siya ng dalawang pulgada na lang ang layo niya sa lalaki.

Mas lumakas ang amoy nito. Halos mapapikit siya sa sobrang bango nito pero pinigilan niya ang kaniyang sarili at pinanatiling walang emosyon ang kaniyang mukha habang nakikipagtitigan sa lalaki.

Ngayon niya lang napansin.

Bakit parang pamilyar ang lalaking 'to sa'kin?

__________________________________

What can you say 'bout this Chapter?
🤭😉

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon