Chapter 12

144 12 2
                                    

Doing the things I love gives me pleasure and contentment. Making stories is the only thing that keeping me sane.

Enjoy, guys! ☺️😘

___________________________

"Uhm," pekeng tikhim ni Xandrix sa propesor.

Nagising naman ang huli at matamis na ngumiti sa estudyante.
"Please, Mr. Alejandro, take a seat".

May ngiti sa mga labing tinanguan naman ito ni Xandrix. Agad naman siyang naglakad. Marami sa kanilang mga kamag-aral ang nag-alok sa kaniya ng upuan ngunit simpleng ngiti at iling lamang ang naging tugon niya sa mga ito.

Nang marating niya ang pinakadulo ng classroom ay malapad ang ngiti na umupo katabi ang taong kanina pa niyang ninanais na makita.

Nilingon niya ito. Mas lumapad pa ang pagkakangiti niya nang matagpuan niyang nakatingin rin ito sa kaniya. Kabaliktaran nga lang ang emosyon na nakapaskil sa maganda nitong mukha sa kaniya.

"Hi". Bati niya sa dalaga.

Scarlet frowned.
"What are you doing here?" tanong sa kaniya ng dalaga na parang may ginawa siyang kakaiba.

"Why? Di ba ako pweding lumipat ng lugar para mag-aral?" balik niyang tanong dito.

Tinitigan lamang siya nito at di nagsalita. Matapos no'n ay walang emosyong ibinaling ang ulo sa unahan.

Napabuntong hininga siya at pilit na pinipigilan ang sariling yakapin ito. Mukhang mahaba-habang suyuan 'to lalo pa't walang kaide-ideya ang dalaga sa kung anong koneksyon nilang dalawa sa isa't isa.

~~

Kunot na kunot ang noo niya habang papunta siya sa cafeteria. Kanina pa kasi niya napapansin ang panay na pagsunod sa kaniya ng isang tao.

Mag-isa siyang nagpunta sa pinakasulok ng cafeteria at doon kumain. Gano'n naman lagi ang ginagawa niya. Hanggang may bigla na lang may umupo sa kabilang bahagi ng mesa niya, kaharap niya.

Nag-angat siya ng tingin, mula sa pagkagat niya ng sandwich, at blanko ang mukhang tinignan ito.

"Hi" sabi nito.

Tulad ng dati hindi na naman siya nagsalita at tinignan lang ito.

Napakamot ito naman ito sa kaniyang batok.
"I hope it's okay if I join you?" nag-aalangang tanong nito sa kaniya.

Ilang segundo niya itong tinitigan. Hindi naman nakatakas kay Xandrix ang pag-iiba ng emosyon sa mukha ng dalaga. Para itong may iniindang sakit dahil halos magsalubong na kasi ang mga kilay nito.

Naguguluhan naman si Scarlet sa gagawin. May isang bahagi kasi sa kaniya na gustong ipagtabuyan ito pero may isang bahagi rin sa kaniyang ayaw itong paalisin.

And he's scent is not helping either.

She breathes out trying to calm her heart for beating furiously. She didn't say anything. Yumuko lamang siya at nagpatuloy sa pagkagat sa sandwich na hawak niya.

Napangiti naman si Xandrix. Masayang-masaya siya dahil sa unang pagkakataon ay nakasalo niya ang kaniyang kabiyak sa pagkain.

Pasimple namang sinulyapan ni Scarlet ang binata. Hindi niya mapigilang mahawa sa ngiti nito.

Nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya ay agad siyang nagbawi ng tingin at kinuha ang mineral water saka uminom.

~~

Nang maubos niya ang kinakain ay mataman niyang tinitigan si Xandrix. Kanina pa siya nagtataka rito. May gusto siyang malaman kaya nama'y hinayaan niyang bumuka ang kaniyang bibig at nagtanong.

MOONSTONETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon